You are on page 1of 13

PICTORYAL ESSAY

Hakbang tungo sa PAGBABAGO


• Kung iisipin may isang KATOTOHANAN na hindi natin napapansin na
ang lahat ay nagsisimula sa isang munting hakbang. HAKBANG na
kung saan ang iyong mga sariling mga paa ang siyang magdadala
tungo sa iyong kinabukasan. Kung saan ito ang magiging daan mo
para ikaw ay magbabago. At kapag ikaw ay natuto ng humakbang at
makapaglakad, ikaw na mismo ang gagawa ng iyong kapalaran. Ang
pagbabago o hakbang na tinatawag katulad lang yan ng paglalakad,
kailangan mo munang matutong humakbang at nasa sa iyo na kung
nanaisin mong matutong magbago o hindi .
• Sabi nga nila kapag natuto na tayong maglakad, tayo na mismo ang
gumagawa ng sariling KAPALARAN natin. Tayo ay nangangarap na
ng mataas, ngunit hindi lahat ng tao ay kayang makamtan ang
kanilang pangarap katulad na lang ng mga taong nasa lansangan.
Sila ay ang mga taong alam mong malabong makamiy ang kanilang
pangarap dahil wala silang pera, kung kaya’t natuto silang
magnakaw ng mga gamit na hindi kanila. Makikita mo na walang
pake ang kanilang mga magulang dahil sila pa mismo ang naguutos
na gumawa ng masama. Kahit gusto nilang magbago wala silang
magawa.
• Ngunit saan nga ba nagsisimula ang PAGBABAGO ? Sabi nila ang
pagbabago ay nagsisimula sa bahay, dahil ang bahay ay nagbabago
depende kung ano ang gustong disenyo ng isang may – ari. Dahil
pwedeng kapag walang pagbabago sa loob ng bahay maaari ring
wala na ring pagbabago sa ating bansa. Dahil dito mo makikita na sa
loob ng bahay na ito ay ang iba’t ibang KLASE ng tao. Nakadepende
sa iyo kung ikaw ay magbabago walang pakialam ang ibang tao kung
magbago ka man o hindi at hindi sila ang dahilan kung bakiy ka
magbabago, kagustuhan mo ito at hindi nila. At kapag walang
pagbabago maaaring madala nila ang ugaling nakikita nila sa loob ng
bahay kapag sila ay nasa labas ng bahay na at nakikisalamuha sa
ibang tao.
• At isa sa dahilan ng pagbabago ay ang PAMILYA , dahil sila ang lagi
mong nakakasalamuha araw – araw kung kaya’t kung ano ang
nakikita natain sa kanila ay maaaring madala natin ito hanggang
paglaki mo. Ang pagbabago ay makikita natin sa
ating MAGULANG dahil sila ang unang nakaranas ng pagbabago,
kung kaya’t alam nila kung magiging maganda ba ang ating
pagbabago o hindi. Katulad na lang halimbawa ng pagkuha ng mga
bagay na hindi sa atin. Dahil nakalakihan na natin ito kung kaya’t
mahihirapan na tayong magbago dahil nasanay na tayong ganito ang
ating ginagawa.
Kung kaya’t ang mga batang basa lansangan na nakagawa ng masama ay dinadala sa DSWD,
upang sila ay tulungan makapagbago at maitama ang maling kanilang nagawa. Ang mga nangangasiwa
sa DSWD ang pwedeng maging ehemplo ng mga kabataan na nandoon upang magbago ang mga ito.
Sila ay HANDANG tumulong sa mga batang nakagawana ng mga kasalanan basta’t may handing
tumulong sa kanila na magbago ay maaari silang magbago dahil alam nilang ito ang nararapat lalo na
kung ito ay para sa pagbabago.
• At kapag sila ay nakapagbago na, maaaring matupad na nila ang
kanilang pangarap. At maaari ring makapasok na sila sa paaralan
para sila ay matuto kung ano ang tama at paano ba sila matututo, ito
ang magiging simula ng kanilang Panibagong Buhay dahil alam na
nila na tama na ang kanilang ginagawa at pwede na silang mangarap
ng mataas dahil sila ay nakapagbago na kung saan nagsimula sa
pagiging palaboy at magnanakaw nagtapos sa mabuting bata at
ngayon ay nag – aaral na upang makapagtapos hanggang kolehiyo.
• At kapag nakapagbago na ang ISANG bata , maaari na silang maging
malaya katulad ng isang IBONG MALAYA. At ang batang masayang
naglalakad patungo sa paaralan dahil alam nila na NAKAMTAN na
nila ang gusto nila at ito ay pagbabago. Walang masama kung ikaw
ay magbago lalo na kung ito ay para sa KABUTIHAN .
PICTORIAL ESSAY
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PICTORIAL ESSAY
• Ito ay tinatawag din bilang photo essay. Isa itong kamangha-manghang anyo ng sining nanagpapahayag ng
kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling deskripsyon / kapsyon
kada larawan.
• Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap nito.
• Kombinasyon ito ng potograpiya at wika.
• Kaiba ito sa picture story na nakaasyos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang layunin ay
magsalaysay o magkwento.
• ANG PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY
• Pumili ng paksang tumutugon sa pamntayang itinakda ng inyong guro
• Isaalang-alang ang iyong audience
• Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong layunin
• Kumuha ng maraming larawan
• Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na pagkakasunod-sunod
• Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA PICTORIAL ESSAY
• Malinaw na Paksa
• Pokus
• Orihinalidad
• Lohikal na Estruktura
• Kawilihan
• Komposisyon
• Mahusay na Paggamit ng Wika
ANG PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY
• Pumili ng paksang tumutugon sa pamntayang itinakda ng inyong guro
• Isaalang-alang ang iyong audience
• Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga
larawan sa pagkakamit ng iyong layunin
• Kumuha ng maraming larawan
• Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na pagkakasunod-sunod
• Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan

You might also like