You are on page 1of 7

Monopolyo

Ang monopólyo (mula sa Espanyol


na monopolio) ay isang sistemang
pang-ekonomiya ng pagkontrol sa
isang produkto at palitan ng
kalakal sa isang pook.
Maaaring isang tao o pangkat ang
nabibigyan ng legal at ganap na
pribilehiyong masarili ang isang
serbisyo o suplay ng kalakal at
makinabang dito. Itinuturing itong
masamâng patakaran sa loob ng
ekonomiyang laissez faire o
nagpapatupad ng malayang
kalakalan.
Ipinatupad ang mga monopólyo sa
Filipinas noong panahon ni
Gobernador Heneral Jose Basco y
Vargas ng kolonyalismong Espanyol.
Ninais niyang makapagsarili ang
pananalapi ng kolonya na hanggang
sa panahon niya ay umaasa sa
tulong mulang Mexico.
Nagpasimula siyá ng mga
industriya’t bagong pananim pang-
agrikultura ngunit mahinà pa rin ang
kita ng gobyerno. Itinatag niya ang
monopolyo sa tabako noong 1 Marso
1782 at kinontrol ang sapilitang
pagtatanim ng tabako sa Ilocos,
Nueva Ecija, at Marinduque.
May takdang sakahan para sa
tabako at gobyerno ang bumibili
ng lahat ng dahong anihin.
Nagkaroon din ng monopolyo sa
paggawa ng alak, pulbura, at
kahit sa paglalaro ng baraha.
Gumanda nga ang kita ng
gobyerno sa tabako. Dahil dito’y
sumikat ang abanong Maynila.
Ngunit nagdulot naman ito ng
lalong paghihirap ng mga
magsasaka, korupsiyon ng mga
taong gobyerno, at ismagling.
Ipinag-utos mismo ng Hari na
ipatigil ang monopolyo sa tabako
noong 25 Hunyo 1881 ngunit
tumagal nang ilang taón bago
ipinatupad sa Filipinas.

You might also like