Fil-Pagsasalita

You might also like

You are on page 1of 30

“Ang isang taong epektib na magsalita sa

harap ng pangkat ng mga tao ay higit na


madaling nakakakuha ng respeto ng ibang
tao.”
PAGSASALITA
o Kakayahan at kasanayan ng isang tao
na maihayag ang kanyang ideya,
paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap

o Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o


nadarama sa pamamagitan ng
pagbigkas
KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA

“Lahat ng mga pangunahing pinunong


natanyag sa kasaysayan ng daidig ay may
mataas ng antas ng kakayahang
magpahayag ng ideya ng kanilang naging
kasangkapan upang umakit ng mga
tagahanga at tagasunod.”
KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA
 Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at
damdaming niloloob ng nagsasalita
 Nagiging kasangkapan sa pagkaunawaan
ng mga tao
 Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng
saloobin ng nakikinig
 Naibubulalas sa publiko ang opinyon at
katwirang may kabuluhan sa kapakanang
panlipunan
SALIK SA EPEKTIBONG
PAGSASALITA

“Ang mabisang komunikasyon ay


nakasalalay nang malaki sa mga
partisipant nito. Kung gayon,
malaki ang impluwensiya ng
mabisang pagsasalita sa
epektibong proseso ng
komunikasyon”.
KAALAMAN
“Upang maging isang epektib na
tagapagsalita, kailangang may sapat kang
kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.”

 Una, kailangang alam mo ang paksa


ng isang usapan.
 Ikalawa, kailangang may sapat na
kaalaman sa gramatika.
 Ikatlo, kailangang may sapat na
kaalaman sa kultura ng
pinanggalingan ng wikang ginagamit
mo, sariling kultura at kultura ng iyong
kausap.
KASANAYAN
“Ang pagsasalita ay isa sa apat na
makrong kasanayan kung kaya’t ito ay
isang kasanayang maaaring linangin.”

 Una, kailangang may sapat na


kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa
pinakamaikling panahon. (May mga
sitwasyon kasing nangangailangan ng
presence of mind.)
 Ikalawa, kailangang may sapat na
kasanayan sa paggamit ng mga
kasangkapan sa pagsasalita tulad ng
Ikatlo,kailangang may sapat
siyang kasanayan sa
pagpapahayag sa iba’t ibang
genre tulad ng pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad at
pangangatwiran.
TIWALA SA SARILI

 Ang isang taong walang tiwala sa sarili


ay karaniwang nagiging kimi o hindi
palakibo.
 Madalas din silang kabado lalo na sa
harap ng pangkat ng tagapakinig o sa
harap ng publiko.
 Mahihirapan silang papaniwalain ang
ibang tao sa kanilang mensahe.
 Ang mga ganitong tao ay mahirap
makaakit, makakumbinsi o
MGA KASANGKAPAN SA
PAGSASALITA

“Masusukat ang bisa ng isang


tagapagsalita sa lakas ng kanyang
panghikayat sa kanyang tagapakinig o
di kaya’y sa kakayahan niyang
mapanatili ang interes ng kanyang
tagapakinig sa kanyang sinasabi. Ito ay
makikita sa reaksyon ng kanyang
tagapakinig sakanya”.
TINIG
 Pinaka mahalagang puhunan sa isang
nagsasalita.
 Kinakailangang ito ay mapanghikayat
at nakakaakit talagang pakinggan.
 May mga sitwasyon na hindi
nangangailangan ng malakas na tinig.
 Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat
ito ay angkop sa partikular na
sitwasyon at sa damdaming nais na
ipahiwatig ng isang nagsasalita.
Kaakibat ng tinig ay ang himig.
May himig na mabagal, may himig
na pataas at mayroon ding
pababa.
Katulad ng lakas kailangan ang
himig ay angkop din.
BIGKAS
 Napakahalang maging wasto ang
bigkas ng isang nagsasalita.
 Kailangan ito ay mataas at malinaw sa
pagbigkas ng mga salita.
 Ang maling pagbigkas ay maaaring
magdulot ng maling interpretastyon
para sa mga tagapakinig.
 Lalo na’t ang ating wika ay
napakaraming Homonimo.
 Maaari din maging katawa tawa ang
salita kung mali ang pagbibigkas dito.
Kaugnay nito, kailangang maging
maingat din siya sa pagbibigay
diin o stress sa mga salita at sa
paghinto at paghinga sa loob ng
mga pangungusap at talata upang
maging malinaw ang mensahe ng
kanyang pahayag.
TINDIG
 Ang isang tagapagsalita lalo na sa isang
pagtitipon ay kailangan may magandang
tindig.
 Kinakailangang my tikas mula ulo hanggang
paa.
 Hindi magiging kapani paniwala ang isang
mambibigkas kung siya’y parang nanghihina
o kung siya’y mukhang sakitin.
 Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan
maging kalugud-lugod hindi lamang sa
pandinig ng tagapakinig.
 Kailangan din niyang maging kalugud-lugod
sa kanilang paningin upang siya’y maging
KUMPAS

 Kumpas ng kamay ay importante rin sa


pagsasalita.
 Kung walang kumpas ang nagsasalita
ay magmumukhang tood o robot.
 Ngunit ang paglumpas ay
kinakailangan maging angkop sa diwa
o salitang binabanggit.
 Tandaan na ang bawat kumpas ay may
kalakip ding kahulugan.
 Kung gayon ang kahulugan ng
kumpas ay tumutugma sa kahulugan
ng nagsasalitang binibigkas kasabay
ng kumpas.
 Tandaan na kailangang maging natural
ang kumpas.
 Hindi rin maganda tignan ang labis,
maging ang kulang o alanganing
kumpas ng kamay.
KILOS
 Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng
katawan ay maaaring gumalaw.
 Mga mata, balikat, paa, at ulo. –ang
pagkilos ng mga ito ay maaaring
makatulong o makasira sa isang
nagsasalita.
 Isang halimbawa ay ang labis na
paggalaw ng mga mata o kawalan ng
panuunan ng paningin sa kausap.
 Samantala, ang mabisang
pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa
tagapakinig sa pamamagitan ng
panuunan ng paningin ay maaaring
makatulong sa kanya.
 Ang labis na paggalaw naman ng ulo
ay hindi angkop kagaya ng pagtango
o pagiling ay maaaring
makapagpalabo sa mensaheng
ipinahahatid ng isang nagsasalit.
 Ang labis na paggalaw o paglalakas
naman ay pwedeng maging dahilan ng
pagkahilo ng kanyang kausap.
KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA
TAGAPAGSALITA
 Responsable
 Magiliw at kawili – wiling
pakinggan
 Malawak ang kaalaman
 Palabasa
 Palaisip
 Mayaman ang koleksyon ng ideya
 May interes sa paksang
tinatalakay
 Obhetibo
 May sense of humor
 Gumagamit ng mga angkop na salita
 Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng
tagapakinig
 Sapat at angkop ang lakas ng tinig
 Malinaw at wasto ang pagbigkas ng
salita
 Gumagamit ng angkop na kumpas at
kilos
 Hindi iniinsulto o sinasaktan ang
damdamin ng tagapakinig
 Maingat sa paggawa ng kongklusyon,
paratang at batikos
 May panuunan ng paningin sa
tagapakinig
 Angkop ang kasuotan sa okasyon
 Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang
sinasabi
 Walang nakakadistrak na mannerisms
 Mainam ang tindig o postyur
 Maayos at lohikal ang presentasyon
mula sa simula, gitna hanggang wakas
 Iniiwasan ang mapalabok na
pananalita
 Binibigyang-diin ang mahahalagang
konsepto o kaisipan
 Alam kung kailan tatapusin ang
pagsasalita
 Iniiwasan ang pagyayabang

 Mayaman ang bokabularyo

 Taglay ang mga angkop at inaasahang gawi,


personalidad at karakter
MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA
 Pakikipag-usap – pagpapalitan ng
damdamin at kaisipan sa
pamamagitan ng mga salita.

 Kahalagahan
o Sa pamamagitan ng pakikipag-usap,
ang isang tao’y maaaring:
 magkaroon ng mga kaibigan
 makipagpalitan ng kuru-kuro
 matuto ng bagong kaisipan
 makabuo ng paniniwala
 makabuo o makasira ng mabuting pagsasamahan
 maaari namang makayamot at makapagpagalit sa
kausap

o Ang karanasan sa pakikipag-usap ay


nakatutulong sa isang tao upang aging
matalas ang pakiramdam.

o Nagagamit ito sa pakikisalamuha sa


lipunan.
 Pagtatalumpati – sining ng pasalitang
pagpapahayag na may layuning
makaakit at makahikayat sa mga
nakikinig.

 Layunin

magbigay ng katuwaan
magdulot ng impormasyon

magpahayag ng katuwiran

magbigay ng paliwanag

mang-akit sa isang kilusan


 Paraan ng Pagbigkas

 pagbasa sa isinulat na talumpati


 pagbigkas mula sa balangkas ng talumpati
 pagbigkas sa isinaulong talumpati
 pagbigkas nang hindi pinaghandaan

 Bahagi
 Pambungad – inihahanda ang kaisipan ng mga nakikinig.
Layuning kawilihan ang mga nakikinig
 Paglalahad – katawan o pinakakaluluwa ng talumpati.
May kawastuhan, kalinawan, pang-akit
 Panindigan – pagpapatunay sa talumpati. Layuning
mapaniwala at mahikayat ang mga nakikinig
 Pamimitawan – huling bahagi ng talumpati.
Nag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng nakikinig

 Uri
 Panlibang – naririnig sa mga piging at
salusalo
 Pampasigla – naririnig sa mga anibersaryo,
pagtatapos, pagtatalaga sa tungkulin,
seminar at kumbensyon
 Panghikayat – naririnig sa mga kampanya
sa panahon ng eleksyon
 Pangkabatiran – naririnig sa mga panayam
 Pagbibigay-galang – pagsalubong sa mga
bagong kasapi ng isang samahan o pagtanggap
sa isang bagong natalaga sa isang tungkulin
 Papuri – pagbibigay ng parangal ang layunin nito

 parangal – papuri sa isang namatay


 pagtatalaga – binubuksang isang paaralan,
gusali, aklatan, atbp
 pamamaalam – aalis sa isang tanggapan at
ililipat sa iba o ng isang magreretiro sa
tungkulin
 paghahandog – pagpahanga sa isang punong
papaalis na sa tungkulin, paggawad ng
medalya, katibayan ng pagkilala dahil sa

You might also like