You are on page 1of 19

ANG MAKA-PILIPINONG

PANANALIKSIK
PANANALIKSIK
■ Ayon kay Susan B. Neuman (1997), na
binanggit nina Evasco et al. (2011) sa aklat na
“Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham
Panlipunan, Panitikan, at Sining”, ang
pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga partikular na katanungan
ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o
kapaligiran.
■ Bukod sa sentral na layunin ng pananaliksik na
tumuklas ng mga bagong kaalaman na
magagamit ng tao, malaki rin ang pakinabang
ng isang mananaliksik mula sa mismong
proseso ng pagtuklas.
■ Sa pamamagitan ng pananaliksik, lumalawak,
at lumalalim ang karanasa ng tao, hindi lang
tungkol sa partikular na paksang pinag-aaralan
niya, kundi sa lipunang nagsisilbing konteksto
ng kaniyang pananaliksik.
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG
MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong
kahulugan at kabuluhan, ngunit lalong
mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung
isasaalang-alang ang ang pangangailangan ng
kinalulugaran nito.
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG
MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang
Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa
mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.

Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi


man maiiwasan na nasa wikang Ingles o iba pang
wikka ang isang pananaliksik dahil may
pangangailangang ibahagi ito sa internasyunal na
mambabasa, kailangan pa ring isalin ito sa Filipino o
sa iba pang wika sa Pilipinas upang mas
mapakininabangan.
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG
MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong
pananaliksik ang pagpili ng paksang naayon sa interes at
kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino

Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin


muna ng isang mananaliksik ang bigat at halaga ng
pananaliksik para sa mga kalahok nito o
pinatutungkulan ng pananaliksik. Dapat naayon ito sa
interes ng mananaliksik at marap na kilalanin muna
ng kalahok ang paksang nais niyang talakayin.
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG
MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik

Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa


gabay ng kanilang mga guro, na lumabas at
tumungo sa komunidad bilang lunsaran ng
maka-Pilipinong pananaliksik.
KALAGAYAN AT MGA HAMON SA
MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
Maraming hamon na kinakaharap ang mga
maka-Pilipinong pananaliksik lalo na’y nasa
estado pa rin ng pagigiit ang wikang Filipino sa
loob at labas ng akademya habang itinuturing
ang Ingles bilang lehitimong wika ng edukasyon.
Ang sumusunod na mga suliranin ay ilan lamang
sa mga hamon na dapa kilalanin at agibabawan
ng isang mananaliksik sa wikang Filipino.
KALAGAYAN AT MGA HAMO SA
MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK

Patakarang
Ingles Bilang Internasyonalisasyon
Pangwika sa
Lehitimong Wika ng Pananaliksik
Edukasyon

Maka-Ingles na
Pananaliksik sa Iba’t
ibang Larang at
Disiplina
PABALIK
PATAKARANG PANGWIKA SA
EDUKASYON
Nakasaad sa Konstitusyong 1987 ang mga
probisyon kaugnay ng pagpapaunlad at
pagpapayabong ng Filipino bilang wikang
pambansa sa pamamagitan ng paggamit nito
bilang midyum ng pagtuturo sa Sistema ng
edukasyon. Gayunpaman, tila tumataliwas ang
kasalukuyang kalagayan ng wikang pambansa
lalong-lalo na sa edukasyon.
PABALIK
INGLES BILANG LEHITIMONG WIKA
Ingles pa rin ang lehitimong wika ng Sistema ng
edukasyon at lakas-paggawa. Nagiging
tuntungan ang pagpapaigting ng
globalisasadong kaayusan sa lalaong
pagpapalakas nito bilang wika ng komunikasyon,
komersiyo, at pagkatuto lalong-lalo na sa
pananaliksik.
PABALIK
INTERNASYONALISASYON NG
PANANALIKSIK
Dahil sa daluyong ng globalisasyon, maging
ang pamantayan sa pananaliksik ng mga
unibersidad at kolehiyo ay umaayon na rin
sa istandard ng internasyunal na
pananaliksik.
PABALIK
MAKA-INGLES NA PANANALIKSIK SA
IBA’T IBANG LARANG AT DESIPLINA
Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na
batayan sa paggamit ng wika kaya halos
hindi pa ginagamit na wikang panturo ang
wikang Filipino sa iba’t ibang larangan tulad
ng agham panlipunan, agham at
teknolohiya, matematika, pagsasabatas at
pamamahala, medisina, at iba pa.
MGA GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA AT
PAGBUO NG SULIRANIN SA
PANANALIKSIK
Narito ang ilang batayang kaalaman na dapat
isaalang-alang sa wastong pamimili at paglimita
ng paksa. Bago tuluyang buuin ang tanong ng
pananaliksik na gagabay sa buong pag-aaral,
makabubuting sagutin muna ang mga
sumusunod na mga katanungan:
MGA GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA
AT PAGBUO NG SULIRANIN SA
PANALIKSIK
May sapat bang Paanong lilimitahan
sanggunian na o paliliitin ang isang
pagbabatayan ang paksa na malawak
napiling paksa? ang saklaw?

Gagamit ba ng
Makapag-aambag ba sistematiko at
ako ng sariling tuklas siyentipikong paraan
at bagong kaalaman upang masagot ang
sa pipiliing paksa? tanong?
MAY SAPAT BANG SANGGUNIAN NA
PAGBABATAYAN ANG NAPILING PAKSA?

Kapag bagong-bago ang paksa na nais


talakayn, kadalasan hindi sapat ang
nasusulat na mga naunang pag-aaral at
litraturang kaugnay nito.
PAANONG LILIMITAHAN O PALILIITIN ANG
ISANG PAKSA NA MALAWAK ANG
SAKLAW?
Maaring hatiin ang isang malaking
paksa sa maliit na bahagi at pumili
lamang ng isang aspekto nito na tiyak
na sasaklawin.
MAKAPAG-AAMBAG BA AKO NG SARILING
TUKLAS AT BAGONG KAALAMAN SA
PIPILIING PAKSA?

Kahit na luma ang isang paksa, depende sa


pagtingin sa ibang anggulo ng
mananaliksik, ay maari itong makapagbigay
ng bagong tuklas na kaalaman.
GAGAMIT BA NG SISTEMATIKO AT
SIYENTIPIKONG PARAAN UPANG
MASAGOT ANG TANONG?
Tiyakin na ang tanong ng pananaliksik ay hindu
lang basta masasagot ng mga dati nang
pangkalahatang kaalaman o paliwanag na
makukuha sa Internet o nailathala na sa libro.
Kung hindi nagagamitan ng siyentipikong
pamamaraan ang tanong upang masagot, hindi
ito maaring maging tanong pananaliksik.

You might also like