You are on page 1of 23

KOMUNIKASYON:

SUSI SA MABUTING
UGNAYAN NG PAMILYA
AT PAKIKIPAGKAPWA
ANO ANG KOMUNIKASYON
SA PAMILYA?

Hindi lamang pasalita mula sa mga


miyembro ng pamilya, ito ay kung ano
ang sinasabi, paano sinabi, bakit sinabi,
kailan sinabi o sasabihin at ano ang
nakaligtaang sabihin ng isang miyembro
nito sa iba pang kasapi ng pamilya na
maghahatid ng pagkakaunawaan sa
isa’t isa.
Samakatuwid, ito ay hindi lamang
pagsasalita kundi pakikinig at pag-
unawa sa sinasabi, gayundin sa mga
hindi sinasabi o hindi masabi ng
kausap.

Bahagi rin ang pagbibigay reaksyon


sa mensaheng ibinigay ng kausap.
PARAAN UPANG
MAPAUNLAD ANG
KOMUNIKASYON
SA PAMILYA
1. Gawing madalas ang komunikasyon.

 Hindi dapat hadlang ang kawalan ng


panahon sa pagkakaroon ng madalas
na komunikasyon sa pagitan ng bawat
kasapi ng pamilya.

 Napakahalaga ang pag-uusap ng


pamilya.
2. Maging maliwanag at tuwiran ang
pakikipag-usap.

 Nabanggit sa una na malusog ang


ugnayan ng mga pamilyang sanay sa
maliwanag at tuwirang pakikipag-usap.

 Ang ganitong kasanayan sa


komunikasyon ay lalong kinakailangan
sa paglutas ng mga sigalot sa mga
kasapi ng pamilya.
3. Maging aktibong tagapakinig.

 Ang aktibong pakikinig ay pagtanggap at


paggalang sa pananaw ng nagsasalita.

 Pansamantalang itigil ang paghuhusga


at paghusayin ang pang-unawa sa
pananaw ng taong nagsasalita.
Kailangan intindihin pareho ang pasalita
at di-pasalitang mensahe ng iyong
kausap.
Sa aktibong pakikinig ay mahalaga
sa mabisang pag-uunawaan ng
pamilya.

Ayon kay na Thames at Thomason,


mga espesyalista sa pagpapaunlad
ng pamilya at mga kabataan, ang
mga pangunahing prinsipyo ng
aktibong pakikinig ay ang mga
sumusunod:
a. Himukin – palakasin ang loob ng
kausap na ituloy ang gustong
sabihin.

b. Liwanagin – tanungin ang kausap


upang linawin ang narinig mula sa
kanya.

c. Ulitin – sabihin sa iyong sariling


pananaw ang iyong pagkakaunawa
sa kanyang iniisip o nararanasan.
d. Pagnilayan – sabihin sa iyong
sariling pananaw ang iyong
pagkaunawa.

e. Lagumin – lagumin ang mga


pangunahing ideya, tema at
damdamin na inihayag ng kausap.

f. Patotohanan – pasalamatan ang


pagiging bukas ng kausap at ang
kahalagahan ng pag-uusap.
4. Maging bukas at tapat sa isa’t isa.

 Ito ay mga sangkap ng isang mabisang


komunikasyon.

 Ang mga ito ay kailangan upang


magkaroon ng tiwala sa isa’t isa.

 Mga magulang ang pangunahing kasapi


ng pamilya kaya sila dapat ang
nangunguna sa pagpapakita nito.
5. Alalahanin mo ang taong iyong
kinakausap.

 Hindi lahat ng miyembro ng pamilya ay


pare-pareho ang paraan at antas ng
pakikipag-usap.

 Hindi dapat pare-pareho ang estilo at


antas ng pagsasalita at pakikinig sa
kanila.
6. Maging alerto sa pag-unawa sa mga
di-pasalitang mensahe.

 Maraming mahilig sa di-pasalitang


paghahatid ng mensahe o kaya naman
ay ang mga gumagamit ng mga senyas
na kung minsan ay mahirap
maintindihan.

 Sa mga kasong ganito, kinakailangang


alamin mo o linawin ang ibig sabihin ng
kausap.
7. Maging Positibo

 Ayon sa pananaliksik, ang pamilyang


hindi masaya ay epekto ng mga
negatibong paraan ng komunikasyon.

 Kaya napakahalaga ang pagpuri na


galing sa bawat isa at pagsuporta sa
mga paniniwala ng bawat kasapi upang
magkaroon ng maayos na ugnayan ang
mga miyembro ng pamilya.
MGA PARAAN NG
PAGKAKAROON NG
POSITIBONG
KOMUNIKASYON
SA PAMILYA
1. Maging interesado at ipakita ang
iyong pagkawili sa sinasabi ng
nagsasalita.
2. Makinig sa isa’t isa, pakinggan kung
ano ang sinasabi ng bawat kasapi ng
pamilya.
3. Maging sensitibo sa iyong damdamin,
tukuyin ang nararamdaman at maging
sensitibo.
4. Subuking unawain ang mensahe mula
sa pananaw o posisyon ng iba.
5. Iwasang maging palapintas.
6. Iwasang palakihin ang di
pagkakaunawaan.
7. Maging tapat at huwag magparatang.
8. Kapag kailangan ng pagtatalo, gawin
itong positibo.
9. Tanggapin ang narinig, suriin ito, at
huwag manghusga agad.
PAKIKILAHOK NG
BAWAT MIYEMBRO
NG PAMILYA SA
PAG-UUSAP
1. Mga batang nasa kinder o bago pa
pumasok sa kinder.
 Ang kakayahang makinig ay mahalaga sa
isang bata sa antas na ito upang makilahok
sa proseso ng komunikasyon. Kaya may
tatlong paalala upang mapaunlad ang
kakayahan ng isang bata sa pakikinig:
a. Himukin ang bata na ituon ang pansin sa
taong nagsasalita.
b.Tawagin ang kanyang pansin sa ilang
“natatanging salita”.
c.Ipaalala sa kanya na magtanong kung
mayroon siyang hindi naiintindihan.
2. Mga batang nasa elementarya.
 Gaya ng mga batang nasa kinder, ang
kakayahan sa pakikinig ay napakahalaga sa
pagkatuto ng mga batang nasa elementarya.
 Ang mga kakayahang ito ay makatutulong sa
kanila sa pagkuha, pag-unawa at
pagpapahayag sa kanilang pagkatuto.
 Mahalaga rin na gabayan ang mga
nakababatang kapatid na nasa antas na ito na
magbigay-galang sa mga opinyon ng iba.
 Ginagaya nila ang mga taong huwaran nila sa
gawi ng pakikipag-usap.
3. Mga unang yugto ng pagdadalaga /
pagbibinata.
 Kabilang sa antas na ito ang mga nasa
hayskul na nakikilala ang napakaraming
pagbabagong nagyayari sa mundo.
 Sa yugtong ito ng mga kabataan, sila’y nag-
aasam na maunawaan sila ng ibang tao lalo na
ng pamilya.
 Kaya kailangan nilang maunawaan na ang
kanilang kakayahan sa pagpapaunawa ng
kanilang gusto at kakayahan umunawa sa iba
ay nakasalalay sa kanilang mabisang
pakikipag – komunikasyon.
4. Mga nasa huling yugto ng pagdadalaga /
pagbibinata.
 Ang mga kabataang nasa antas na ito ay
nangangailangan ng mga kakayahan sa
pakikipag-ugnayan lalo na sa katapat na
kasarian.
 Kapag mas mahusay ang kanilang kakayahan
sa komunikasyon, mas mahusay din silang
nangangasiwa sa kanilang suliraning pang
interpersonal.
 Mahalagang bigyang pansin ang di-pasalitang
mensahe kapag sila ay nakikipag-usap.
5. Mga matatanda.
 Ang mga matatanda ang nagsisilbing modelo
ng komunikasyon sa pamilya.
 Sila ang pumapansin sa pagpapahusay ng
kasanayan sa komunikasyon para sa isa’t isa.
 Ang mga anak na mula sa pamilyang hindi
takot magpahayag ng kanilang damdamin at
napakikinggan ay nagtatagumpay sa buhay.
 Nakatutulong ang mga matatanda sa pamilya
sa pagpapahayag ng bukas at maingat na
pakikinig sa mga nakababata at iba pang
kasapi ng pamilya.

You might also like