You are on page 1of 6

Inihahandog ng

CAGAYAN STATE
UNIVERSITY
ang

DAYAW
Gabi ng Pagpupugay sa Kulturang Filipino
November 21, 2019

da· yaw (n) lokal na salita sa Cagayan na ang katumbas sa Ingles ay “pride” o”honor”.
Cordillera Suite
Uyaoy / Uyauy
Tribo: Ifugao
Ang uyaoy ay pangunahing ipinagdiriwang ng isang Kadangayan
o pinuno ng tribo upang mapanghawakan muli ang kanyang
katayuan sa lipunan. Ang mga kalalakihan ay itinataas ang
kanilang mga bisig gaya ng pagaspas ng sakpaya, isang lawin.
Sinasabayan ito ng pagpadyak ng kanilang mga paa upang
pagtibayin ang kanilang kaugnayan sa mundo habang ang mga
kababaihan ay ikinukumpas ang kanilang mga kamay paitaas
habang kinakahig ang lupa ng kanilang mga paa.
Banga
Tribo: Kalinga
Ang sayaw na ito ay nagmula sa lalawigan ng Kalinga ng
Mountain Province. Hanggang pito o walong mga banga ang
pinapatong sa ulo ng mga babae habang sinusundan ang
kumpas ng "gangsa“. Ang sayaw na ito ay nagpapakita ng
kanilang lakas habang ginagawa ang kanilang pang-araw-araw
na gawain ng pagkuha ng tubig at pagbabalanse ng banga.
Manmanok
Tribo: Bago
Ito ay isang sayaw na isinasadula and tatlong tandang na
nakikipagkumpitensya laban sa isa't isa upang makuha ang
atensyon ng isang inahin, Lady Lien. Sinusubukan nilang akitin
siya sa pamamagitan ng paggamit ng mga makukulay na
hinabing tela na naglalarawan ng kanilang mga pakpak.
BEST FOR You 2
O R G A N I C S C O M P A N Y
Rural Suite
BINASUAN
Ang binasúan ay isang makulay at masayáang sayaw mulang
Bayambang, Pangasinan. Malimit itong sinasayaw kung
kasalan at mga pista. Ang “binasuan” ay nangangahulugang
“gamit ang o sa pamamagitan ng baso” at may pahiwatig ng
maligayang pagtatagay kung nagdiriwang. Sa sayaw,
tinutukoy nitó ang mahirap na tungkuling timbangin ang
tatlong baso na nakapatong sa noo at sa dalawang palad ng
isang babae hábang sumasayaw. Mabigat din ang mga baso
dahil may lamang alak o anumang likido.
TINIKLING
Ang tiniklíng ay isa sa pinakakilalang katutubong sayaw ng
Filipinas. Nagmula ang sayaw sa Leyte. Ang maingat na pag-
iwas ng babae’t lalaking mananayaw sa nagpipingkiang
kawayan ay halaw sa masigla ngunit mahinhing pag-iwas ng
ibong tikling sa patibong na inilalatag ng mga magsasaka sa
kanilang palayan. Sa sayaw, ang mga mananayaw ang tikling
at ang mga nag-uumpugang kawayan ay kumakatawan sa
mga patibong.
KALATONG
Ang "kalatong" ay isang instrumentong yari sa kawayan na
itinutugtog ng mga kalalakihan ng may indayog. BEST FOR You
O R G A N I C S C O M P A N Y
3
Maria Clara Suite
JOTABAL
Ito ay nagmula sa mga salitang “Jota” at “valse”. Ang
Jota ay isang tanyag na sayaw na ipinakilala sa Pilipinas
ng mga Kastila. Ang ibig sabihin ng “Valse” ay waltz.
Ang masiglang sayaw na ito ay nagmula sa
Camohaguin, Gumaca, Quezon (dating Tayabas).

ENGAÑOSA
Isang sayaw na pang-aristokratiko, na karaniwang
sinasayaw ng mga nasa matataas sa lipunan sa isang
malaking bulwagan noong panahon ng Espanol. Dito,
ipinapakita ng mga kababaihan ang kanilang mga
eleganteng "mestiza" na damit.

PITIK MINGAW
Ito ay isang sayaw na tila nagliligawan ang isang binata
at dalaga na umibig na sa una nilang pagkikita.
BEST FOR You 4
O R G A N I C S C O M P A N Y
Cagayan Suite
“LAPPAW A MAKAYAYA “
“TA LAGUERTA”
Mga katutubong awit ng mga Ibanag
JOTA ENRILE
Ito ay masiglang sayaw na impluwensya ng mga Espanyol katulad ng iba
pang Jota sa Pilipinas. Ang sayaw na ito ay mula sa bayan ng Enrile,
Cagayan.
OSSONET
Isang sayaw ng mga Ibanag na nagmula sa Aparri, Cagayan. Ang sayaw na
ito ay isinasagawa bilang karangalan kay San Joseph, ang kanilang Patron
Saint.
VALSE IBANAG
Ito ay isang sayaw ng mga Ibanag na tila ang magkapareha at nagliligawan.
Ang sayaw na ito ay nagmula sa Lallo, Cagayan.
WAWWAY
Isang awiting bayan na nagmula sa Annafunan, Tuguegarao. Ito ay
kadalasang kinakanta bilang pambungad sa Maskota.
MASKOTA
Ang Mascota ay isang tradisyonal na sayaw sa kasal ng mga Ibanag sa
lalawigan ng Cagayan. Ginagawa ito ng mga bagong kasal o ngBESTiba pang FOR You
mga pares na dumalo sa pagdiriwang ng kasal. O R G A N I C S C O M P A N Y
5
College of Human Kinetics Sining
Pamana
at

ed Eagle Performing Artists (REPA)


(Mga Mananayaw)

-Mga Tagasanay-
Mr. Teophil Peralta
Mr. Jay-R Bayani
Ms. Gretchen Cenabre
Mr. Ferdinand Mercado
Ms. Charity Mallillin
Dr. Magnolia Factora

Dr. Chita C. Ramos


Tagapangasiwa
Dr. Arthur G. Ibañez
Kasangguni

Salamat sa pagdalo!

You might also like