SANAYSAY Group 2 • Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa.
• Ito ay nangangailangan ng sariling
perspektibo,opinyon, at pananaliksik sa paksa.
• Isang masining na pagsulat na may
kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari. • Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik.
• Naglalayon din ito na maipabatid ang mga
nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian. • Ang replektibong sanaysay ay pagsulat ng mga ginagad na mga ideya, konsepto at katotohanan sa pamamagitan ng pagiisip nang malalim,repleksyon o pagninilay mula sa mga naranasan o nararanasang pagkakataon. Ito ay oportunidad upang mapalawak ang kaisipan sa mga ginagawa o mula sa mga taong nakakasalamuha sa pamamagitan ng pagninilay sa iyong karanasan o magkaroon ng isang indibidwal nang mas malawak pang perspektibo mula sa ibang tao o teyoryang na buo. LAYUNIN AT GAMIT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang manunulat at nagrereplek. Nangangailangan ito ng reksyon at opinyon ng manunulat. KATANGIAN NITO: • Isang replektibong karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood. BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY 1. Panimula
Tulad ng mga salaysayin ito ay
pagpakilala ng pinakapangunahing ideya. Inilalahad dito ang salaysayin o paglalarawan ng mga pangyayari bilang introduksyon ng replektibong sanaysay. 2. Katawan
Dito naman inilalahad na ang mga
pangyayari at mga realesasyong binabahagi ng isang manunulat. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago. 3. Konklusyon
Sa bahaging ito ay pagbibigay ng
manunulat ng kahalagahan ng isinasalaysay. may maibabahagi rin dito ang mga suhestiyon(direkta man o hindi) ang pagpapabuti ng kaalaman, aral, konsepto o paglalahat. ANG MGA DAPAT NA ISAALANG ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY 1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis. 2. Isulat sa unang panauhan na panghalip. 3. Mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo. 4. Gumamit ng pormal na salita 5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito 6. Sundin ang tamang istruktura(introduksyon, katawan, konklusyon). 7. Gawing lohikal at organisado