You are on page 1of 13

PANANALIKSIK

P- Pag-aaral at pagtuklas sa
mga teorya na naglalayong
malutas ang mga suliranin na
nangangailangan ng solusyon.
A- Angkop at wastong
pamamaraan o proseso ang
kailangan sa pagkuha ng
kaalaman
N- Nangangailangan
din ito ng disiplina,
tiyaga, tapang at
pawang mga
katotohanan lamang
A- at may detalyadong
depinisyon, pag-unawa at
pagpapakahulugan sa isang
tiyak na problema.
N- Napakahalaga din nito sa
buhay ng tao at may benepisyo
mula sa iba't ibang larangan na
tumutulong sa pagpapalago ng
estado ng pamayanan
A- Alamin ang mga sagot sa
tanong na magsisilbing mga
datos at basehan sa pag-aaral
L- Lahat ng datos at
impormasyong nakalap
ay dapat tama at walang
pinapanigan
I- Isinasagawa ito ng may
akyureyt na obserbasyon,
imbestigasyon at imprmasyon
upang magkaroon ng isang
pangkalahatang konklusyon.
K- Kontrolado ang mga
baryabol at hindi binabago ang
resulta ayon sa pansariling
kagustuhan
S- Sa pagpili at pag himay himay ng
mga natuklasan, dapat ito ay lohikal
na nakabatay sa empirikal na datos
at obhetibong imbestigasyon
I- Istatistikal ang isa sa ginagamit na
paraan upang makita ang resulta at
makabuo ng interpretasyon sa mga
nakalap na datos sa kwantitatibong
pananaliksik
K- Kaalaman at karunungan
ang pinakadulo at pinaka
importanteng makukuha natin sa
pananaliksik bilang isang
disiplinado at matiyagang
mananaliksik

You might also like