introduksiyon o panimula ng isang pananaliksik. Bahagi ng Kabanata 1 Kaligirang Kasaysayan - Dito ipinapakita ang pinagmulan ng isang pananaliksik. Sinasagot dito ang mga katanungan mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakakomplikadong pananaw. Paglalahad ng Suliranin Sa bahaging ito nakatala ang mga isyu o problema na kailangan mabigyang kasagutan sa pananaliksik. Balangkas Teoretikal Tumutukoy ang teoretikal na balangkas sa mga teorya, konsepto, o kahulugan na ginamit ng mananaliksik na may kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral. Balangkas Konseptuwal Ipinapakita sa konseptuwal na balangkas ang pagsusuri sa suliranin at maging ang kaugnayan ng mahahalagang konsepto. Ito ang buod . Saklaw at Limitasyon Ipinapakita sa bahaging ito ang simula at hangganan ng isang pananaliksik. Nakatala rin dito ang kabuoang bibigyang pokus ng pananaliksik. Kahalagahan ng Pag- aaral Nakatala rito kung sino ang makikinabang mula sa pananaliksik. Katuturan ng mga Terminolohiya Binibigyang depinisyon sa bahaging ito ang mga salitang ginamit sa pananaliksik.