You are on page 1of 8

KABANATA 58:

ANG ISINUMPA
 Tuliro at balisa ang pamilya ng mga na bilanggo.Ngunit, hindi sila makapagtamo ng
luna sa kanilang mga inilalakad.Palibhahsa wala silang kilalang malakas at
makakapitan na makakatulong upang makalaya ang kaanak na bilanggo. May sakit
ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap
kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang
mga babaing nagsusumamo sa kanya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.

 Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-
lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Sinisigaw naman ni Kapitana Tinay ang
pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip
upang makita ang kanyang kambal na anak sa rehas. Ang biyenan ni Andong ay
nanduon din at walang gatol na ipinagsasabi na kaya raw hinuli si Andong ng mga
sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Ang isang babae naman ay halos mangiyak-
ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang guro ng
paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nyol Juan ay nakaluksa
na sapagkat ipinalagay niyang wala nang kaligtasan si Ibarra.
 Mag-iikalawa ng hapon nang dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng
mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.
Pero, pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan
sa paglalakad ang kanilang mga ka-anak na bilanggo.
 Maya-maya, lumabas ang may dalawampung kawal at pinaligiran ang kariton. Ang sumunod
na inilabas ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng nakangiti
ang kanyang asawang si Doray ng yakapin nito ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang
sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot
takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasaring ng
kanyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si
Albino ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit
nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga
maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan.

 Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala
ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng
abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod rin sila sa
utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan.
Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang
tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sisi at
tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa
ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod
nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa
babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang
kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain.

Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan


umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata.
Walang naawa sa kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang
bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang kinabukasan.

Mula sa isang mataas na lugar, naroon maamang nagmamasid si Pilosopong


Tasyo na payat at hiang gina. Sinundan nya ng tingin a ng papalaong kariton
na sinakyan ng bilanggo. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si
Tasyo sa may pintuan ng kanyang bahay.
KABANATA 59:
PAG-IBIG SA
BAYAN
 Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala
sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba
ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa
talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento
ay higit na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at
gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta
sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit
pa nga na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay
napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si
Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.

 Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa
mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay
naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita
ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si
Kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi
lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang,
disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang
paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.
Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating
ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isang lalaking may edad at
mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng
payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng
pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsan. Ayon sa kanya, pinakain ni
Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa
may tulay ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.

Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang
mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang
ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong.
Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang
kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila
ng regalo sa Heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at
(2) sunuging lahat ng mga kasulatan na maaaring makapagpahamak kay
Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga
kasulatan.
 Boto silang lahat sa payo.

 Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga,


mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol
din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang
Heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng
isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga Indiyo kaya’t di dapat silang
ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana
lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na
gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa
pang babae at ipinaliwanag na si Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na
puno ng brilyante sa Heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung
totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.

 Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga
paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol
sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may
bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.

You might also like