You are on page 1of 13

ARALIN 6

METAPORA
AMPY CABLARDA
BALIK-ARAL:

• Gamitin at isulat sa patlang ang mga salitang


nasa loob ng kahon.
• sindilim sintamis ng isang anghel
• isang ilog isang araw
1. Ang kaniyang luha ay dumadaloy tulad ng _____.
• 2, Ang kaniyang buhok ay _________ ng gabi.
• 3. Tulad ng _______kung siya ay magsalita.
• 4. Ang aming pagkakaibigan ay ______ng jam.
• 5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng _______ na
• nagbibigay liwanag.
BASAHIN NATIN ANG SUMUSUNOD NA
PANGUNGUSAP
1. Ako’y isang kalabaw sa bukid.
2. Hindi ako isang pagong na may
kakuparan.
3. Mga higante ang halaman.
BASAHIN NATIN ANG SUMUSUNOD NA
PANGUNGUSAP

4. Bituin sa paningin ang mga


halaman na kay sarap pagmasdan.
5. Ang hardin ko ay aking pinggan.
KATULAD NG SIMILE PUWEDE NATING
IHAMBING O IWANGIS ANG ISANG TAO
O BAGAY SA IBANG BAGAY.

Ang tawag dito ay Metapora. Ito ay


anyo ng pananalita.
BALIKAN NATIN ANG MGA
PANGUNGUSAP.

1. Saan inihahambing ang salitang ako sa


unang pangungusap? Bakit kaya sa iyong
palagay inihambing siya sa kalabaw?
BALIKAN NATIN ANG MGA PANGUNGUSAP.

2. Paano ba natin ilalarawan ang pagong?Saan


inihahambing ang kaniyang kilos?
3. Ang mga halaman na malalaki saan
iwinangis?
4. Ang mga naggagandahang halaman saan
inihambing?Bakit kaya sa bituin? Maganda
ba itong pagmasdan?
5. Saan inihambing ang hardin? Bakit kaya
Sa pinggan?
Balikan natin ang mga pangngusap. Naihambing
o naiwangis ba natin ang isang bagay o tao sa
ibang bagay?
May Nakita ba kayong sing-, o tulad ng-?
Tandaan sa metapora hnidi tayo gumagamit
nito.
Pagsasanay:
Gumuhit ng bituin sa linya kapag ang
pangungusap ay gumagamit ng metapora.
_____1. Ang karagatan ay galit na toro
kapag may bagyo.
_____ 2. Singgaan ng balahibo ang papel.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA


____ 3. May pambihirang panlasa sa kasuotan
ang mga modelo.
____ 4. Hindi nakakatapos ng anumang
Gawain si Mary sapagkat parang pagong kung
siya ay kumilos.
____ 5. Siya ay bituin sa paningin ng kaniyang
ama.
Maraming Salamat po…

You might also like