You are on page 1of 16

1.

Nasyonalismo - nagbubunsod ng pagnanasa ng


mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa.
Minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong
pagmamahal sa bansa.
- Junker (aristokrasyang militar ng Germany) -
naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe.
- May mga bansang masidhi ang paniniwalang
karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi
nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang
bansa.
- Halimbawa, ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang
Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria.
- Pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na
pamamahala ng Austria.
- Marami rin sa mga estado ng Balkan na Greek Orthodox
ang relihiyon, at ang pananalita ay tulad ng mga Ruso. Ito
ang dahilan ng Russia upang makialam sa Balkan.
- Gusto ring maangkin ng Russia ang Constantinople upang
magkaroon siya ng daungang ligtas sa yelo.
- Nais angkinin ng Italya ang Trent at Triste na sakop din ng
Austria.
- Ang France ay nagnais ding maibalik sa kaniya ang
Alsace-Lorraine na inangkin ng Germany noong 1871
bunga ng digmaan ng France at Prussia (Germany).
2. Imperyalismo –paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya
at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-
unlad ng mga bansang Europeo.
- Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na
sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa
pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay
lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa.
- Halimbawa, sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng
Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid
ito sa kanyang balak na maglagay ng transportasyong
riles mula sa Cape Colony patungong Cairo.
• Tinangkang hadlangan ng Germany ang
pagtatatag ng French Protectorate sa Morocco
sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France
sa Hilagang Aprika.
• Sa gitnang silangan ng Europa, nabahala ang
Inglatera sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad
Railway sapagkat ito'y panganib sa kaniyang
lifeline patungong India.
• Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa
Balkan ay tumawag ng pansin at mahigpit na
pagsalungat ng Serbia at Russia.
• Naging kalaban ng Germany ang Britanya at
Hapon sa pagsakop sa Tsina .
• Hindi nasiyahan ang Germany at Italya sa
pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti
lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki
ang nabahaging nakuha ng Inglatera at France.
3. Militarismo- Upang mapangalagaan ang
teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe:
• mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa
lupa at karagatan
• ang pagpaparami ng armas.
• Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at
pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag
ng malalaking hukbong pandagat ang Germany.
Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa
kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan.
4. Pagbuo ng mga Alyansa- Dahil sa inggitan,
paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga
bansang makapangyarihan, dalawang
magkasalungat na alyansa ang nabuo – ang
Triple Entente at ang Triple Alliance.
• Binubuo ng Britain, France at Russia ang Triple
Entente. Sa ilalim ng alyansa, nangako ang
bawat kasapi na magtulungan sakaling may
magtangkang sumalakay sa kanilang bansa.
• Nais ng alyansang Triple Entente na pantayan
ang lakas ng Triple Alliance (Germany,
Austria at Italya).
•Sumali ang Germany sa grupo dahil nais
mapigilan ang impluwensiya ng Russia sa
Balkan.
• Itinatag naman ni Bismarck ang Triple alliance nong
1882.
• Resulta ito ng ‘di-pagkakaunawaan at hidwaan sa
pagitan ng Russia at Pransiya noong 1884(Dual
Alliance), ng Pransya at Britanya noong 1904
(Entente Cordiate) at ng Britanya at Russia noong
1907
• Bilang ganti, sumali ang Pransya sa Triple Entente.
Ang Russia naman gaya ng nabanggit na, ay
karibal ng Germany at Austria sa rehiyon ng
Balkan.
• Ang Hague Court of Arbitration na
itinatag noong 1899 ay hindi naging
mabisa dahil hindi naman obligado ang
isang bansang mapailalim dito.
• Ang unang pagpupulong sa Hague
noong 1899 na pinatnubayan ni Czar
Nicholas II ng Russia.
• Ang pangalawang pagpupulong sa Hague ay
noong 1907, sa mungkahi ni Pangulong
Theodore Roosevelt. Nabigo rin ito. Layunin
nitong magpabawas ng armas ngunit
nagkaroon ng unawaan tungkol sa lalong
makataong paglalabanan.
•Sa kasamaang-palad, ang mga kasunduang
ito ay nabura nang sumiklab ang Unang
Digmaang Pandaigdig.

You might also like