You are on page 1of 11

DAY 2 DEVOTION

GUSTO MO BANG SUMAMA?


Written by: Ptr. Bryan Chester Cruz

DISTRICT 1-SOUTH
(06.08.2020)
Ecclesiastes 4: 9-12 (NLT)
Two people are better off than one, for they can
help each other succeed. 10 If one person falls, the
other can reach out and help. But someone who
falls alone is in real trouble. 11 Likewise, two
people lying close together can keep each other
warm. But how can one be warm alone? 12 A
person standing alone can be attacked and
defeated, but two can stand back-to-back and
conquer. Three are even better, for a triple-braided
cord is not easily broken.

MEMORY VERSE OF THE DAY

DATE HERE (06.07.2020)


Naranasan mo na ba ang mag-isa? Sad life yon di’ba? Pero wala ng
mas lulungkot pa, nung iniwan ka nya at sumama sya sa iba. Sad life
to the highest level yon!

Ang sabi sa Bible, mas mabuti kung may kasama at hindi ka nag-iisa.
Although minsan, need mo pa din may “ME time”, pero iba pa din
talaga kung mayroon kang kasangga; kapag may gagawin na project,
the best kung may groupmates! Kapag nasaktan, very comforting kung
mayroong iiyakan; “A shoulder to cry on” sabi nga nila. Friends divide
our sorrow and multiply our joy. So make and keep friends. Naku, lalo
na kung may kainan, mas gaganahan, kung may siko kang
kabanggaan. Mas madami talagang ganap, mas madami talagang
magagawa kapag may kasama. Companions also remind us that we
cannot do it on our own. “No man is an island”, remember?

DATE HERE (06.07.2020)


Even si Jesus, kahit Siya ang Hari ng mga hari, at
tagapagligtas ng sanlibutan, ay kinailangan din nya ng
makakaramay. Nung Gethsemane moments, hindi Siya
nagdalawang isip na sabihin sa kanyang mga disciples
na nangangailangan din sya ng company, lalo na nung
time na yon na ang hirap talaga ng Kanyang
nararanasan; “Para akong mamamatay sa labis na
kalungkutan. Dito lang kayo at magpuyat.” (Matthew
26:38) Malaking blessing na sa journey natin towards
tomorrow ay may mga tao tayo na makakasama at
makakatulong upang sumulong. Ano nga bang mga
parte ng buhay natin na need natin ng kasama?

DATE HERE (06.07.2020)


FAILURES
Lahat ng tao nakaranas ng failures. Maganda
kung may kasama para tutulungan kang
makabangon kapag nadapa ka sa buhay. Kung
baga, may sasalo sayo kapag na-fall ka.

DATE HERE (06.07.2020)


PROBLEMS
Ang problema, kasama sa buhay natin yan.
Huwag kang magugulat. Ang maganda lang,
kapag nakakaranas ka ng problema at alam
mong may kasama ka, may napagkukuhanan
ka ng lakas ng loob para harapin ang mga
suliranin. You can tell him/her where it hurts
(now baby).

DATE HERE (06.07.2020)


CHRISTIAN LIFE
Kasama sa pag-grow natin spiritually ang mga
kapatid natin sa Panginoon. Kasi sila yung magre-
remind sa atin. Magco-correct sa atin. Magpapalakas
ng spiritual life natin.

DATE HERE (06.07.2020)


So ano na? mag-iisa ka pa ba? Move on ka na! Piliin
araw-araw na may makasama. Kung wala ka man
makasama.. humanap ka na ikaw ang sasama.
Sigurado! Magiging blessing ka sa kanya.
Magkasama ninyong gawin ang mga dapat gawin
and for sure madami kayong makakamit. And
syempre, mas pinaka-importanteng kasama ang
Diyos sa lahat ng ganap sa ating buhay.

DATE HERE (06.07.2020)


Apply:
1. Naalala mo ba yung tao na naging blessing sayo kasi
nakasama mo sya sa mga panahong nabanggit sa
iyong devotion? Nakapagpasalamat ka na ba sa
kanya? Kung hindi pa, let’s ZOOM!
2. Ano ang mga personal struggles mo or hindrances
para hindi ka humingi ng tulong sa iba?
3. May kilala ka ba ngayon na sa tingin mo ay need ng
help? Pray and find ways to encourage that person.

DATE HERE (06.07.2020)


Catch us EVERY NIGHT
from June 7-11 on
Pambansang Kapisanan ng
Kabataan ng IEMELIF –
PKKI page at 6pm.
Tune in to our PRAYER
DAY 2020 on June 12, 8AM
at Pambansang Kapisanan
ng Kabataan ng IEMELIF –
PKKI page.

You might also like