umpisa na ang prusisyon. Nakasilip ang marami na may hawak na parol. Kasama sa paglalakad sina Kapitan Heneral, Kapitan Tiago, Alkalde, Alperes, at mga kagawad – Nangunguna sa prusisyon ang mga sacristan kasunod ang mga guro, mag-aaral, at mga agwasil na nagpapanatili ng maayos na pila. Iprinusisyon ang santo nina San Juan Bautista, San Fransisco, San Marai Maria Magdalema, San Diego De Alcala, at poon ng Birheng Maria. – Sumunod naman ay umawit si Maria Clara ng Ave Maria. Nabighani ang lahat sa tinig ng dalaga lalo na si Ibarra. Napukaw lang ang atensyon nito nang kausapin siya ng Kapitan Heneral tungkol sa pagkawala nina Crispin at Basilio. – Nang marating ang kubo na ipinagawa ng Kapitan Heneral sa tapat ng kanilang bahay na pagdarausan ng tulang papuri o loac sa pinatakasi ng bayan, huminto ang karo. Isang batang may pakpak ang lumabas at sinimulan ang pagpuri sa wikang Latin, Espanyol, at Tagalog.