You are on page 1of 13

WIKA

Inihanda ni:
Annalyn C. Cabrillos, M.Ed
Guro sa Filipino
Ano ang kahalagahan ng
wika sa atin?
Bawal Magkasakit.
Iba ang may Pinagsamahan.
Ilabas ang kulet!
Pasalubong ng Bayan.
Beeda ang Sarap!
WIKA
Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng
lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan.
Nagagamit ito sa iba't ibang aspekto ng
pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya,
pangrelihiyon, pampulitika, pang-
edukasyon at panlipunan. Ang wika'y
nawawala at namamatay kung nauubos o
umuunti ang minoryang pangkat na
gumagamit ng nasabing wika ngunit
patuloy naman itong lumalaganap,
umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-
unlad ng mayoryang pangkat na
gumagamit nito.
WIKA
Ito ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay
ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at
mga batas kaugnay nito upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan.

Isang pamamaraang ginagamit sa


pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
WIKA
ito’y masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
na ginagamit ng taong kabilang
sa iisang kultura upang
makipagtalastasan.
Henry Gleason
KATANGIAN NG WIKA
Ang WIKA ay SISTEMATIKO
Ang WIKA ay SINASALITANG TUNOG
Ang WIKA ay pinili at isinaayos sa
paraang ARBITRARYO
Ang WIKA ay may KAKANYAHAN
Ang WIKA ay nakabuhol sa KULTURA
Ang WIKA ay PANTAO
Ang WIKA ay NAGBABAGO
Ang WIKA ay NANGHIHIRAM
Ang WIKA ay ginagamit sa
pakikipagtalastasan
Ang WIKA ay MALIKHAIN
TAKDANG ARALIN
Maghanda sa pagsusulit…

You might also like