ng mga sumusunod na salita. 1. cañao 2. anito 3. pantas 4. nayon 5. saad Kung ganito ang sagot ninyo sa mga sumusunod na salita, tama kayo! Magaling! 1. Cañao 1. pista 2. Anito 2. Diyos 3. Pantas 3. dalubhasa 4. Nayon 4. baryo 5. Saad 5. sabi/tugon Ngayon, talakayin na natin ang paksa para sa araw na ito. Narito ang ating layunin: 1. Nahihinuha ang ideya ng akda. 2. Naibabahagi ang kahalagahan ng akda sa tunay na buhay. 3. Nakasusulat ng sariling alamat. KUNG BAKIT NASA ILALIM NG LUPA ANG GINTO ALAMAT NG MINA NG GINTO SA BAGUIO Noong unang panahon, may isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk. Naninirahan dito ang mga igorot at isa na dito si Kunto. Bata pa lamang si Kunto ay nakitaan na siya ng kakaibang lakas at tapang. Kaya't siya ay napiling maging pinuno ng Suyuk. Isang araw, nagpunta si Kunto sa kagubatan upang mangaso. Hindi pa sya nakakalayo ay may nakita siyang isang uwak at nakatayo mismo sa daraanan niya. Lumakad si Kunto papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi gumagalaw. Nang malapit na si Kunto ay bigla syang napatigil, sapagkat tumango sa kanya ng tatlong beses ang uwak. Bagamat matapang, nakaramdam ng takot si Kunto. Dahil dito ay bumalik na siya sa nayon at kinunsulta ang mga matatanda. "Marahil ay sugo ng ating bathala ang uwak na iyon at ipinapaalala niya sa atin na dapat tayong magsagawa ng cañao,“ saad ng mga matatanda na kinunsulta niya. "Kung ganoon, ay magdiwang na tayo ng cañao" saad ni Kunto. Nang ang lahat ay nakahanda na, humuli sila ng isang baboy na iaalay sa Bathala. Inilagay nila ito sa altar na ginawa nila sa ibabaw ng burol. Ngunit anong himala ng biglang naging tao ang baboy. Nagulat ang lahat ng magsalita ito. "Wag kayong matakot, dahil kayo'y mabubuti, ay gagantimpalaan ko kayo. Basta't sundin nyo lamang ang aking sasabihin. Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi. Pagkatapos ay takluban ninyo ako ng malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang cañao at pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik kayo dito," saad ng misteryosong matanda. Ginawa naman ng mga taga nayon ang bilin ng matanda. “Makakakita kayo ng isang puno na di pa ninyo nakikita kailanman,” dagdag ng matanda. “Ang bunga, dahon at sanga nito ay maari ninyong kuhanin ngunit wag lamang gagalawin ang katawan.” ang mahigpit na bilin ng matanda. Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang sinabi ng matanda sapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim ng palayok. Pumitas si Kunto ng isang gintong dahon at maya maya lamang ay napalitan agad ito ng panibagong dahon. Natuwa ang lahat at isa -isa silang pumitas. Sa loob ng napakaiksing panahon ay yumaman ang mga taga Suyuk. Ngunit nagsimulang umiral ang inggitan. Nang tumagal ay namalayan na lamang nila na ang puno ay napakataas na at di na maabot ang mga dahon at bunga. "Kay taas na ng puno at di na natin maabot ang dahon at bunga, mabuti pa ay putulin na natin ito," saad ng isa. Tinaga nila ng tinaga ang puno hanggang sa mabuwal. Nakarinig ng isang tinig ang mga tao. “Ginantimpalaan kayo dahil sa inyong kabutihan. Ngunit sa halip na mag ibigan ay inggit at pag-iimbot ang naghari sa inyong mga puso" saad ng misteryosong tinig. Pagkatapos marinig ang tinig ay bumuka ang lupa at nilamon ang puno. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka lamang nito sa pamamagitan ng paghuhukay sa lupa. Direksyon: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano raw ang ibig sabihin
ng pagtango ng uwak kay Kunto ayon sa matatanda? 2. Paano pinawi ng mga taga Suyuk ang galit ng Bathala? 3. Bakit nilabag ng mga taga Suyuk ang mahigpit na bilin ng matanda? 4. Anong utos ng Bathala ang nilabag ng mga taga-Suyuk? 5. Mapapanood natin sa Youtube ngayon ang napakaraming ginto ng mga Marcos. Maiahon kaya nito sa kahirapan ang Pilipinas? Narito ang mga sagot. 1. Ano raw ang ibig sabihin ng pagtango ng uwak kay Kunto ayon sa matatanda?
1. May mensahe ang Bathala
sa mga taga Suyuk. Narito ang mga sagot. 2. Paano pinawi ng mga taga Suyuk ang galit ng Bathala?
2. Nagdaos sila ng cañao at
nag-alay ng baboy sa Bathala. Narito ang mga sagot.
3. Bakit nilabag ng mga
taga Suyuk ang mahigpit na bilin ng matanda?
3. Dahil sa inggit at pag-iimbot.
Narito ang mga sagot.
4. Anong utos ng Bathala ang nilabag ng mga taga-Suyuk?
4. Huwag gagalawin o puputulin
ang katawan ng puno. Narito ang mga sagot.
5. Mapapanood natin sa Youtube
ngayon ang napakaraming ginto ng mga Marcos. Maiahon kaya nito sa kahirapan ang Pilipinas? Narito ang mga sagot. 5. Opo! Kahit bigyan pa ng tig- sasampung milyong piso ang bawat sambahayang Pilipino, at bayaran ang lahat ng pagkakautang ng Pilipinas sa ibang bansa, hindi halos mababawasan ang dami at halaga ng ginto ng mga Marcos. 5. Ayon kay Atty. KAREN HUDES ng World Bank, si Ferdinand Marcos Sr. ang pinakamayamang tao sa buong mundo. At, legal ang kaniyang yaman. Maraming taon bago siya naging Pangulo ng Pilipinas, napakayaman na ni Marcos. Batay ito sa petsa ng pagkaka deposito ng kaniyang mga ginto sa maraming bangko sa iba’t ibang bansa. Para sa mga detalye at patotoo, tingnan ang link: https://m.youtube.com/watch?v =19BILgcxvRI https://m.youtube.com/watch? v=CL6uhlv-QR0 Para sa mga detalye at patotoo, tingnan ang link: