You are on page 1of 7

 

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA INTERPERSONAL NA RELASYON NG  


KABATAAN NG IKA-11 BAITANG NA ESTUDYANTE NG  
CABIAO NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL  
TAONG 2019-2020  
 
Sulating Pananaliksik  
Na Ihaharap Kay G. Chris O. Pantalunan  
Fakulti Sa Kagawarang Filipino  
Cabiao National Senior High School  
Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija  
 
Bilang Pangangailangan Sa Asignaturang  
Pagbasa At Pagsusuri Ng Iba't Ibang  
Teksto Tungo Sa Pananaliksik  
 
Mga Mananaliksik:  
Hashine Kaymhe Taruc  
John Kenneth Vinuya  
Regine Sungahid  
Marinel Gamboa  
Rosebelle Batas  
Ezekiel Canlas  
 
Pebrero 2020  
PANIMULA

Sa panahon ngayon ang social media ay laganap na sa buong mundo. Ang social
media ay isa sa makabagong teknolohiya na kung saan maaari kang makipag-
ugnayan sa iyong pamilya, kaibigan o makakilala ng ibang tao gamit ito. Sa
pamamagitan din nito ay maaari kang makakalap ng impormasyon tungkol sa
nagaganap sa ating bansa at sa ibang lugar. Sa panahon ngayon halos mga kabataan
ang mahilig gumamit ng social media na kung saan ay nakikipag ugnayan sila sa
ibang tao gamit ito. Maraming epekto ang naidudulot ng social media lalo na sa
interpersonal na pakikipag-ugnayan ng mga kabataan sa kanilang pamilya, kaibigan
at sa iba pa nilang kapwa. Nais ng mga mananaliksik na malaman ang iba't ibang
epekto na naidudulot ng social media sa interpersonal na relasyon ng kabataan na
makakatulong sa kanila upang bigyang solusyon ang pag-aaral o pananaliksik na
kanilang gagawin.
Pagpapahayag ng suliranin

Ang pananaliksik na ito ay layuning matukoy and epekto ng social media sa


pakikipagkomunikasyon ng mga kabataan upang matukoy o malaman ang sagot sa
pag-aaral. Ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpiyang propayl ng mga respondante?


1.1 edad
1.2 kasarian
2. Ano ang dahilan kung bakit nahuhumaling ang kabataan sa social media?
3. Ano ang kinalaman ng social media sa interpersonal na relasyon ng mga
respondante?
4. Anu-ano ang mga dulot ng social media pagdating sa interpersonal na relasyon?
5. Ano nga ba ang interpersonal na relasyon at paano ito nabibigyan ng impak ng
social media?
Metodohiya

• Disenyo ng pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik, ito ay isang
paraan na may kinalaman sa taktika na ginagamit upang makakuha ng impormasyon
na siyang gagamitin ng mananaliksik sa pag-aaral tungkol sa epekto ng social media
sa interpersonal na relasyon ng mga kabataan.

• Lokal ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik ay binubuo 45 na mag-aaral na
nasa Ika-11 baitang ng Cabiao National Senior High School.  
• Taktika sa pagkuha ng datos
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling technique
sa pangangalap ng mga respondante na kung saan ang mga kalahok ay
pinili base sa kanilang pangkat. Kinakailangan na ang mga respondante
ay nasa Ika-11 baitang na estudyante sa taon na 2019-2020 sa paaralan
ng Cabiao National Senior High School.  
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Nueva Ecija
CABIAO NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL
Cabiao, Nueva Ecija 3107

 
Magandang Araw,
 
Ang pag-aaral na ito ay inihahandog ng mga estudyante ng ABM 11-A. Humihingi ang mga
mananaliksik ng inyong kooperasyon sa pagsagot sa talatanungan. Inaasahan na ang inyong magiging
sagot ay maging kapakipakinabang sa pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik. Maraming
Salamat.
 - Mga Mananaliksik
 

Pangalan: ___________________ Kasarian:______________________


Edad: ______________________ Pangkat:______________________
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang mga sumusunod kaugnay ng iyong sagot sa talatanungan.

1. Ano ang madalas mong gamitin na social media?

FB Youtube
Twitter IG
Skype Messenger

2. Bakit mo ito madalas gamitin?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
 3. Bakit mahalaga ang social media?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
 
4. Ano ang epekto ng social media sa iyo?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
 
5. Ano-ano ang naitutulong nito sa iyo?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
 

You might also like