You are on page 1of 6

LAKAS NG DATING

BUO ANG NGIPIN


KALUSUGAN NG BIBIG, NGIPIN
AT GILAGID NG MGA
NATATANGING NAKAKATANDA
BAKIT KAILANGAN MAGING ORALLY FIT
ANG MGA NAGKAKAEDAD NA?
■ Upang maiwasan ang pagkapal ng plaque o mga namumuong mikrobyo
sa palibot ng ngipin na nagdududlot ng pagkasira, pagbulok ng ngipin at
iba pang mga sakit sa bibig
■ Upang makaiwas sa pagkakaruon ng mabahong hininga.
■ Upang madagdagan ang tiwala sa sarili
■ Upang lumabas ng husto ang kagandahan o kagwapuhan
■ At upang manguya ng mabuti ang pagkain na mahalaga sa digestion o
panunaw
ANO ANG GAGAWIN MO UPANG MAPANATILI
ANG KALUSUGAN NG BIBIG, NGIPIN AT
GILAGID?
■ Ugaliin ang kalinisan ng bibig, ngipin at gilagid. Ang pagsesepily o tatlong beses sa
isang araw at paggamit ng dental floss minsan sa isang araw ay nakakabawas sa pagdami
ng mikrobyo sa loob ng bibig at nakakaiwas sa mga sakit sa ngipin at galagid
■ Gumamit ng toothpaste na may fluoride
■ Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng madahon at berdeng gulay at mga prutas.
Iwasan naman ang pagkain ng matatais at malalagkit.
■ Uminom ng maraming tubig paa mabawasan ang bacteria sa loob ng bibig.
■ Palaging sumangguni sa dentist kahit na wala na kayong ngipin. Ito’y upang
masubaybayan ang pangkalahatang kalusugan ng bibig at masuri hanggat maaga kung
may tumutubong bukol o sugat sa loob ng bibig na maaring maging sanhi ng kanser o iba
pang sakit.
■ Ang biglaang pagbabago sa panlasa, pang-amoy ay hindi dapt ituring na normal na
senyales ng pagtanda. Dapat itong ikonsulta agad sa dentist o doctor.
■ Iwasan ang paninigarilyo at pagnguya ng nganga para maiwasan ang paninilaw o
pangingitim ng ngipin o pagkakaruon ng kanser o iba pang sakit sa bibig, ngipin at
galagid.
■ Limitahan ang paginom ng alak, ang sobrang paginom aymaaring maging sanhi ng
kanser sa bibig at lalamunan.
■ Bigyan din ng sapat na pansin at mga tagapag-alaga ng kalinisan o kalusugan ng bibig,
ngipin at galagid ang mga matatandang baldado o hindi na magampanan magisa ang
ibat ibang gawain.
■ Bumisita sa dentista dalawang beses sa isang taon.
ANG WASTONG PAGSESEPILYO
1. Sepilyuhin ang labas ng ngipin sa itaas, mula sa galagid pababa.
2. Sepilyuhin ang labas ng ngipin sa ibaba, mula sa galagid pataas.
3. Sepilyuhin ang loob ng ngipin sa itaas, mula sa galagid pababa.
4. Sepilyuhin ang loob ng ngipin sa ibaba, mula sa galagid pataas.
5. Sepilyuhin ang paroot parito ang mga bagang, pagkagat o panguya na nasa itaas.
6. Sepilyuhin ang paroot parito ang mga pangkagat nanasa ibaba
7. Sepilyuhn ang dila
8. Pagkasepilyo gumamit ng dental floss o malinis na sinulid upang linisin ang pagitan ng mga
ngipin.
PARA SA MGA NAGSUSUOT
NG PUSTISO
■ Alisin ang pustiso pagkatapos kumain at linisin ito ng maigi gamit ang
sabon at tubig
■ Linisin at sepilyuhin din Mabuti ang mga natitirang ngipin lalo na ang
pinagkakabitan ng pustiso.
■ Alisin ang pustiso kapag matutulog na sa gabi upang hindi ito malunok
at maging sanhi ng choking at para rin makapagrelax naman ang galagid.
■ Ibabad ang pustiso sa isang lalagyan na may malinis na tubig kung hndi
ito ginagamit.

You might also like