You are on page 1of 7

KAHIRAPAN

SOLEMNIDAD, ERNAN M.
CA5-A1
INTRODUKSYON

• Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamptan ng nakakaranas nito ang
mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw.
Dahil na rin sa mga kakapusan at kakulangan sa lipunan na sinusubukan naman na tugunan
hanggang sa ngayon ng mga nakaupo sa pwesto. Kung titingnan natin, ang kahirapan ang
isa sa pinaka problema ng ating bansa. At hindi natin maitatanggi na dumadagdag pa sa
kahirapan natin ang pandemya na ating tinatamasa ngayon. At hindi din lingid sa kaalaman
nating lahat na apat na pu’t pitong pursiyento na ng mamamayan natin ang nakararanas nito
at nasusulat din ito sa mga diyaryo. Ngunit ito ay panayam pa noong nakaraang taon, hindi
natin alam na baka sa taong ito ay dumami pa ang bilang ng mahihirap sa ating bansa.
• Ang mga taong nakakaranas ng kahirapan ay paminsan umaasa na lamang sa gobyerno
dahil sila ay nawawalan na ng pag asa at inaasahan nila na magagawan ng solusyon ang
kanilang kalagayan, ngunit ang inaasahan nilang tulong ay paminsan nagiging sanhi ng
korupsyon. At ang iba naman ay hinahayaan nalang na kainin sila ng kahirapan. Ano nga
ba ang permanenteng solusyon para dito? May solusyon nga ba talaga?.
Ang isang tao mahirap man o mayaman ay may karapatang makatanggap ng payak na
pangangailangan katulad ng pangangalagang pangkalusugan, malinis na tubig, sapat na
pagkain sa pangaraw-araw, at malinis na kapaligiran. Ngunit bakit hindi sila
nakakatanggap nito kung ito ay isang karapatang panlahat?
ANG MGA SANHI NG KAHIRAPAN SA PILIPINAS :

• Isa sa sanhi ng kahirapan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon. Marami


ang nag sasabi na ang edukasyon ang ating puhunan para sa ating kinabukasan ngunit
marami rin ang hindi nakakapag aral dahil nagkakaroon ng kakulangan sa pera na
ipangbabayad sa paaralan na papasukan pati na rin pangbili ng kagamitan na
kakailanganin ng isang mag-aaral. Ang ibang mag-aaral naman ay nagtratrabaho habang
nag aaral. Ito na rin ang magsisilbing tulong nila sa kanilang mga magulang at
matustusan ang kanilang sariling pag-aaral ngunit ang iba ay mas pinipili ang magtrabaho
na lamang dahil ang kanilang kinikita ay sapat lamang sa kanilang pangangailangan
araw-araw at kulang pa para sila ay makapasok sa paaralan.
• Ang kawalan ng malinaw na pagpa-plano at malabis na paggatos ay isa rin sa dahilan ng
kahirapan dahil ang ibang tao ay padalos-dalos kung mag desisyon. Mayroong mga tao
na mas inuuna ang kanilang kagustuhan kasya sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ang nararapat na pera na nakalaan para sa kanilang kakainin araw-araw ay kadalasang
nauubos dahil ang iba ay hindi marunong humawak ng pera. Ang iba naman ay
nagkaroon muna ng pamilya kaysa trabaho kung kaya’t hindi sila malinawan kung saan
kukuha ng pera na kanilang gagamitin sa pang araw-araw. Mayroong mga nakakahanap
ng trabaho ngunit hindi naman pangmatagalan marahil ay kulang lamang sila sa tiyaga at
pag pupursigi ngunit isa rin sa dahilan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng
edukasyon.
• Maraming pilipino ang nalululong sa masamang bisyo. Ito ay maituturing dahilan rin sa
kahirapan. Ang paggamit ng alak at sigarilyo ay nakakasira ng ating kalusugan , pamilya,
kabuhayan at kinabukasan dahil kung ito ay iyong makasanayan ay mahirap na itigil. Ang
iba ay ginagastos ang pera sa pagbili ng mga alak hanggang sa wala na silang maiuwing
pera sa kanilang pamilya dahil naubos na sa pag inom at pagsusugal.
• Ito rin ang dahilan ng hindi pagtratrabaho dahil nauubos na ang oras sa bisyo at hindi na
magawang pumasok at mag hanapbuhay. Ang resulta ay ang kawalan ng sweldo o kita na
maaaring magamit sana sa pangtustos ng pangangailangan ng kanilang pamilya. Paano
nga ba masosolusyunan ang kahirapan? Isang napakahirap na tanong kung aking
sasagutin, dahil napakarami ng pwedeng maging solusyon sa kahirapan. Para sa akin,
ayun ay kung paano mo lang gagawin ng tama ang mga bagay na ito.

You might also like