You are on page 1of 12

IKALAWANG WIKA

IKALAWANG WIKA
• Anumang bagong wikang natutuhan ng isang tao pagkatapos niyang
matutuhan ang unang wika.
• Sa sandaling may bagong wikang pinag-aralan ang isang tao para sa tiyak
na gamit.
• Sa ilang pagkakataon, maaaring magkaroon ng dalawang unang wika ang
isang tao, lalo na kung magkaiba ang unang wika ng kaniyang mga
magulang.
Halimbawa:
Cebuano ang ama at Chavacano ang sa ina, ngunit hindi ituturing na unang
wika ang isa at ikalawang wika ang isa pa.
INTRODUCING SECOND LANGUAGE
ACQUISITION (2006)
• Ipinaliwanag ni Muriel Saville- Troike
• Teoryang tinutuntungan ng pagkatuto at pag-unlad ng
ikalawang wika.
• Ang ikalawang wika ay anumang dagdag na wikang natutuhan
ng isang tao pagkatapos niyang matutuhan ang unang wika.
• Angikalawang wika ay isang opisyal na wika o wikang
namamayani sa lipunan na gamit sa pag-aaral, trabaho at
anumang mahahalagang pangangailangan
• Sa Pilipinas, Filipino ang lumalabas na ikalawang wika ng mga
lalawigang di-tagalog.
• Sa buong bansa naman, kasama na ang mga relihiyong Tagalog,
ang Ingles ay isa pa ring ikalawang wika. Pangunahin naman
itong gamit sa internasyonal na komunikasyon.
• Maituturing ding ikalawang wika ang dayuhang wika.
• Isa pang halimbawa ng ikalawang wika ang wika para sa tanging
gamit, ang espesyalisado o teknikal na wika na gamit ang isang
larang.
Halimbawa nito ang siyentipikong terminong gamit sa medisina o
ang mga salitang Latin na gamit sa mga prinsipyong legal.
Tatlong Paraan ng Pagkatuto ng Ikalawang
Wika ayon kay SAVILLE-TROIKE (2006)

IMPORMAL NA PAGKATUTO
Nagaganap sa likas na kapaligiran

Halimbawa:
Isang Bulakenyang natuto na ng aklanon nang
makapangasawa ng Aklanon at manirahan sa Aklan o
isang inhinyerong natuto na ng Ivatan makaraang
madestino sa Batanes at manirahan doon ng ilang buwan.
PORMAL NA PAGKATUTO
o ang organisadong pag-aaral ng wikang nagaganap
sa paaralan.

Halimbawa:
Ang estudyante ng Turismo na nag-aaral ng 12 yunit ng
dayuhang wika bilang bahagi ng kaniyang kurikulum o ang
isang seminaristang may pinapasukang klase sa latin.
MAGKAHALONG PAGKATUTO
Kapuwa gumagamit ng likas at pormal na mga
paraan sa pagkatuto ng ikalawang wika.

• Halimbawa:
Ang estudyanteng koreano na nag-aaral na ng
Filipino sa klase ay natuto pa nito sa mga kaklase
niyang Pilipino.
Ang pagkatuto ng ikalawang wika ay dumaraan
sa tatlong yugto (Saville-Troike, 2006)
PANIMULANG YUGTO
• Namumuhunan sa kaalamang taglay na nagagawa ng isang tao
dahil sa unang wika
• Noong nagsisimula pa lamang siyang matuto ng unang wika,
halos ginagawa ng tao ang lahat sa unang pagkakataon.
• Halimbawa “Mama”
• Lahat ay nasa yugto ng pagdiskubre kaya para sa tao ay “bago”
ang lahat.
PANGGITNANG YUGTO
- Nagaganap ang mismong paglilipat ng dating kaalaman at
kasanayan mula unang wika tungong ikalawang wika.
- Ito ay positibong paglilipat kapag ang isang tuntunin sa
unang wika na ginagamit sa ikalawang wika ay lumalabas pa
ring epektibo, angkop, o katanggap-tanggap samantalang
negatibong paglilipat naman kapag ang kabaligtaran. .
(halimbawa)
- Pumapel siya sa programa
- “He/ She papered in the meeting”
(negatibong paglilipat)
Dagdag pa ni Saville-Troike (2006)
• Sa unang wika, napakahalaga ng pakikipag-interaksyon
sa isang bata dahil ditto malulubos ang kaniyang
kamulatan at mahahasa nang husto ang kaniyang
kasanayan.
• Audio-visual o audio-lingual gaya ng telebisyon, radyo,
CD, babasahin, at iba pa.
PANGHULING YUGTO

• Nakikita ang kinalabasan ng pag-aaral ng ikalawang wika. Ayon


kay Saville-Troike (2006), hindi maaaring taglayin ng isang natuto
lamang ng ikalawang wika ang pagiging natural ng kasanayang
lingguwistiko ng nagsasalita ng wika na iyon bilang unang wika.
Iba-iba rin ang nagiging kalagayan ng mga nag-aaral ng
ikalawang wika.
• Code switching

You might also like