You are on page 1of 10

Yunit 1,

Ikatlong Araw

Layunin:

Natutukoy ang pangalan ng tao, bagay, hayop at lugar


Tukoy-alam

Ikahon ang mga pangngalan na ginamit sa maikling


talata sa ibaba. Isulat ito sa tsart.

Nanghihina si Ruel. Ilang beses na siyang paroo’t parito


sa palikuran. Nasira ang kaniyang tiyan sa ulam na
kinain kahapon. Nagpunta sila sa isang pistahan sa
Lungsod ng Quezon.
Paglalahad

Hatiin ang klase sa ilang pangkat.


Hayaang magtala ang bawat pangkat ng mga ngalan ng
mga makikita sa loob ng silid-aralan.
Pag-uulat ng bawat pangkat.

Basahin Natin: LM, p.27


Sagutin natin: LM, p. 28
 Ano-ano ang pangngalan na nasa kuwento?
 Alin ditto ang ngalan ng tao? Bagay? Hayop? Lugar?
 Paano isinulat ang bawat ngalan?
 Kailan ginamit ang malaking letra? Maliit na letra?
 Magbigay ng ngalan ng tao, bagay, lugar o hayop.
 Ano ang gagawin mo sa inyong bahay kung naiwan kang
mag-isa?
Pahalagahan Natin:

Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung dapat gawin


at ekis (X) naman kung hindi dapat gawin.

1. Pupunta ako sa kuwarto ni Ate kapag malakas ang ulan.


2. Hahanapin ko sa labas ng bahay si tatay.
3. Magtatampo ako kay nanay kapag iniwan niya ako.
4. Mag-aantay na lang ako sa pagdating ni nanay.
5. Iiyak ako nang malakas kapag wala si nanay sa bahay.
Gawin Natin:

Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan


sa bawat bilang. Isulat ang A kung tao, B kung hayop, C
kung bagay, at D kung lugar. Isulat ang wastong letra sa
sagutang papel.

___ 1. bukid parke silid


___ 2. baka ibon kalabaw
___ 3. bag lapis papel
___ 4. kamera sombrero telepono
___ 5. ate guro lolo
Sanayin Natin:

Isulat sa kuwaderno ang T kung ngalan ng tao, B kung


bagay,H kung hayop at P kung lugar.

___
B 1. basket
___
P 2. ospital
___
T 3. Rodrigo Duterte
___
B 4. lapis
___
H 5. kalabaw
Tandaan Natin:

Ang pangngalan ay tumutukoy sa


ngalan ng tao, bagay, hayop, o lugar
Linangin Natin:

Gawin sa sagutang papel. Hanapin ang salita sa


pangungusap na tinutukoy ng pangngalang nasa kaliwa. Isulat
nang tama ang sagot.

tao 1. Masarap ang suman na ginawa ni Aling Lorna.


bagay 2. Kulay pula ang damit na binili ko kahapon.
hayop 3. Mabilis tumakbo ang kabayo.
lugar 4. Namasyal ang mag-anak sa Luneta Park
kahapon.
bagay 5. Nawala ang lapis na mahaba.
Kasunduan:

Gumupit idikit sa kuwaderno ang larawan ng


tao, hayop, bagay at pook. Isulat ang
pangngalang tumutukoy sa larawan.

You might also like