You are on page 1of 7

KAHANDAAN SA

SAKUNA’T PELIGRO
PARA SA TUNAY NA
PAGBABAGO
GROUP 6
Mamanao, Samuel
Liquigan, Reimarc
De Leon, Rischa
Licayu, Sofia
Saavedra, Sophia Ada
Ayon sa artikulo ni JMC Jr. (2019), ang Pilipinas ay isang bansa na nasanay na sa mga
patuloy na hagupit ng mga hindi maiiwasang mga kalamidad. Napahusay na rin ang
sistemang pagresponde sa mga ito, na kung saan kinabibilangan ng mga makabagong
siyentipikong kakayahan at pamamaraan. Dagdag nito na ang mga epekto ng mga likas na
kalamidad sa ating ekonomiya ay napakalawak. Kapag malawak ang sakop ng sakuna ay
matagal rin ang pagbangon ng ekonomiya. Gawin nating ehempliyo ang bagyong Yolanda,
na kung saan ay maraming naapekto at nasira ang kabuhayan.

Dahil dito, masasabi natin na tunay na mahalaga ang pagsasabuhay ng resilience; na ang
kahulugan, ayon sa Executive order na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang
kapasidad na maghanda, rumesponde, at makabangon sa isang kalamidad. Sa kabila nito ay
iginugunita ang National Disaster Resilience Month (NDRM) kada buwan ng Hulyo na
nagpapatupad ng disaster resilience campaign sa tulong ng LGU. Layon nitong magbigay
ng mas mataas na kaalaman at buhayin ang kamalayan ng publiko sa mga kalamidad sa
ating bansa.
1. Ano ang iyong masasabi sa
balitang binasa?
Ayon sa balita, maraming sakuna ang dumarating sa ating bansa kada taon. Dahil dito,
importanteng mag handa, mag-evacuate at manatiling ligtas sa panibagong sakuna.
Kadalasan ito ang mga prosesong dapat sundin upang maging ligtas at mailayo sa
epekto nito.

Dala na rin ng takot at pag aalinlangan, ang Pilipinas ay may iba’t-ibang ahensyang
naka antabay sa ibat-ibang sakuna. May mga platapormang naglalayong maging ligtas
ang buong Pilipinas pagdating sa mga sakuna. Katunayan may nakalaan na pondo ang
bansa pagdating sa mga kalamidad.

Sa ating nararanasan ngayon, maganda na ang maging handa tungo sa tunay na


pagbabago.
2. Ano ang mga epekto ng
kalamidad sa mga tao?
Tulad ng pagkasira ng tirahan at ari- arian ng mga tao, maari
ring masira ang milyong- milyong ari- arian ng bansa, at ng mga
taniman na magiging sanhi ng food shortage. Isa pang epekto ng
bagyo ay ang pagkamatay ng mga maraming tao pati na rin ng
hayop. Hindi natin maiiwasan ang panganib ng bagyo, lalong- lalo
na sa mga taong nakatira sa malapit na bundok. Dahil dito
nangyayari ang mga landslides na sanhi ng pagkamatay.
Nagsasanhi rin sa labis na pagbaba ng pinansyal.
3. Mula sa balitang binasa, paano ipinamalas ng
mga Pilipino ang kanilang kahandaan at
kakayahan sa muling pagbangon pagkatapos ng
kalamidad?
Sa mga pamamaraan ay naisaayos na ang prepositioning ng relief goods
bago pa ang kalamidad at nabibigyan na rin ng kinakailangang pondo ang
mga pangunahing ahensiya para agarang makatugon sa mga pangangailangan
pagkatapos ng kalamidad. May kusa rin at malikhain na iangkop ang sarili
mga kalagayan ng panahon, may kakayahan sa pagbangon (resilience). Ang
kaligtasan ng komunidad ay sa pamamagitan ng kooperasyon at kahandaan
ng publiko na tulungan ang bawat isa lalo na sa panahon ng kalamidad.
4. Bakit ba mahalaga sa isang bansa,
ang kahandaan sa panahon ng
kalamidad?

Kung dumating ang pinakamasamang kalagayan, ang


pinsala ay kakaunti at ang mga tao ay handa.
Napakahalaga ang pagiging handa sa kalamidad upang
masiguro ng bawat isa ang kanilang kaligtasan at
malayo sa anumang panganib at kapahamakan.
5. Sa iyong palagay, paano ba nakakatulong ang
kahandaan sa panahon ng kalamidad sa pag-unlad
ng isang bansa?
Ang mga kalamidad ay makakahigit sa pag-unlad ng bansa sa
pamamagitan ng pag-giba ng mga gusali at mataas ng bilang ng pinsala
na nagresulta sa pagbawas ng pondo dahil ginagamit ang badyet upang
makapagbigay ng relief goods at pagkumpuni ng mga gusali, sa halip
na gamitin upang lumikha ng mga bagong proyekto at gusali.

Ngunit kung handa ang mga tao na harapin ang kalamidad, ang pinsala
na maidudulot nito at mababawasan at makakatipid tayo sa badyet.
Nagkakaroon din ng pagkakaisa sa bawat tao ang paghahanda sa oras
ng kalamidad.

You might also like