You are on page 1of 13

MODYUL 12 :

ESPIRITWALIDAD AT
PANANAMPALATAYA

GROUP 1
Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa
kapuwa
• Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi
ang tao ng kaniyang sarili sa iba.
Naipakikita niya ang pagiging kapuwa.
Sa oras na magawa ito ng tao,
masalamin sa kaniya ang pagmamahal
niya sa Diyos dahil naibabahagi niya
ang kaniyang buong pagkatao, talino,
yaman, at oras nang buong-buo at
walang pasubali.
Paghahanap ng kahulugan ng buhay
• Naitanong na ba sa iyong sarili and kahulugan ng buhay para sa iyo? Ang
buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito’s
kailangan ng tao ang makakasama upang maging magaan ang kaniyang
oaglalakbay. Una, paglalakbay kasama ang kapuwa at ikalawa,
paglalakbay kasama ang Diyos.
• Hindi maaaring paghiwalayin ang paglalakbay kasama and kapuwa at ang
paglalakbay kasama ang Diyos dahil makikita ng tao sa mga ito ang
kahulugan ng kaniyang buhay.
Paghahanap ng kahulugan ng buhay
Espritwalidad at pananampalataya: Daan
sa pakikipagugnayan sa Diyos at Kapuwa
• Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang
katawan ang binigay sa kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng
espiritu na nagpapabukodtangi at nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos.
Ngunit and nagpapakatao sa tao ay and kaniyang espiritu na kinaroroonan
ng persona. Ang persona, ayon kay Scheler ay, “ang pagka-ako” ng bawat
tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya. Kaya’t ang espiritwalidad ng tao ay
galling sa kaniyang pagkatao.
Espritwalidad at pananampalataya: Daan
sa pakikipagugnayan sa Diyos at Kapuwa
• Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng kaniyang buhay. Mula sa
kaniyang pagtatanong kung bakit siya umiiral.

• Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa


itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng
presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong
biyaya na maaaring Malaya niyang tanggapin o tanggihan.
Iba’t Ibang Uri ng Reliyon (3)
• Pananampalatayang Kristianismo – Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng
pagasa, pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo.
• Pananampalatayang Islam – Ito’y itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang
mga banal na aral ng Islam ay matatagpuan sa Koran, ang Banal na Kasulatan ng
mga Muslim. Ito’y may Limang haligi ng Islam, na dapat na isakatuparan.
• Pananampalatayang Buddhismo – Ayon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao
ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa. Si Guatama ay kinikilala ng mga buddhista
ng isang naliwanagan. May 4 na katotohanan na naliwanagan kay Sidharta
Guatama, ang budha.
MODYUL 12 :
ESPIRITWALIDAD AT
PANANAMPALATAYA

GROUP 1
GOLDEN RULE

• Sa Tatlong relihiyong na nabanggit, iisa lamang and


makikita at ipinapahayag at ito ang sinasabi sa Gintong
Aral (Golden Rule):
• “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin
nila sa iyo”
Mga dapat gawin upang mapangalagaan
ang ugnayan ng tao sa Diyos
• Panalangin
• Panahon ng Pananahimik/Pagninilay
• Pagsisimba/Pagsasamba
• Pag-aaral ng salita ng Diyos
• Pagmamahal sa Kapuwa
• Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad
Ang pagmamahal sa Diyos at Kapuwa and
Tunay na Pananampalataya
• Tunay nga ang sinabi ng pahayag na ito. Masasabi lamang ng tao na siya
ay nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa,
Hindi ito madali, ngunit isa itong hamon para sa lahat dahil kung anuman
ang ginawa natin sa ating kapuwa ay sa Diyos natin ginagawa. Kilala mo
ba si Mother Teresa ng Calcutta? Nakita sa kaniya and malalim na
ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao na hindi
katanggap-tangap sa lipunan tulad ng mga pulubi sa langsangan, mga may
sakit na ketong, mga matatangda maysakit na iniwan ng kanilang pamilua,
at marami pang iba.
Mother Teresa
Apat na Uri Pagmamahal ayon kay C.S.
Lewis
• Storge/Affection (Familial Love)- Ito’y pagmamahalan ng pamilya sa isa’t
isa.
• Philia(Brotherly Love)- Ito’y pagmamahaln ng magkakaibigan.
• Eros(Passionate Love)- Ito’y ang pagmamahal sa taong ninanais
magkasama sa buhay.
• Agape(God’s Love)- Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito’y
ang pagmamahal na walang kapalit. Ganayang ang Diyos sa tao.

You might also like