Professional Documents
Culture Documents
Biyaheng Malandi Visual Aid
Biyaheng Malandi Visual Aid
MALANDI
O, Maluwag! Maluwag! Maluwag!
Maluwag!
Diretso sa dulo, tayuan, wala ng upuan
Nakasakay ka na ba sa bus na ang
binabaybay ay kahabaan
Ng masalimuot nating sistema’t
kasaysayan?
Sa lipunang normal ang molestiya
At gahasa ang tarangkahan
Biyaheng malandi
Biyaheng pakawala ka kasi
Biyaheng maganda kaya ikaw ang mauna
Biyaheng makapangyarihan akong adan kaya ikaw
ang mauna
Biyaheng “Pst! Ganda saken ka na sumakay!”
Biyaheng ang usad ay simbilis ng karo ng patay
Biyaheng kasalanan mo, nagsuot ka ng maikli
Biyaheng kinuha ang lahat pero walang panukli
Biyaheng paborito ang kantang “kuya
huwag po”
Biyaheng maglalaho ang lahat ng
sumakay “kuya sa tabi lang po”
Biyaheng pwede kang sumigaw
“ssshhh… gusto mo rin to”
Biyaheng mas malakas pa rin ang sigaw
ng konduktor sayo
Biyaheng ipokritong langit
Nasusunog ka sa impyerno
Biyaheng isusunod ng isasakay ang mga
anak mo
Biyaheng naririnig mo araw-araw pero
wala kang pakialam
Biyaheng ang nagbibigay pa ng opinyon
ay mga wala namang alam
Biyaheng paparating na sa kinabukasan
pero hindi mo natatanaw
Biyaheng pariwara kang babae kapag
ikaw ay nakisawsaw
Biyaheng walang karapatan ang wala
namang bayag
Biyaheng patungo sa lipunan ng mga
lalaking walang bayag
Biyaheng ang biro sa gahasa ang
ginagawang tanyag
Hindi biro ang gahasa
Hindi biro ang kawawa
Hindi biro ang ipasok ng isang
mama sa dalaga ang kanyang ari
Hindi biro kung sampu sila
Hindi biro na walang magawa ang
biktima
Hindi biro ang nararamdaman ko
ngayon, ginagawa mo itong biro.
Nakakasuka
Hindi biro-biro ang molestiya
Hindi biro ang maging isang Eba
Sa lipunang tingin sa kanila ay putaheng
may iba’t-ibang lasa
Hindi biro ang hipuan at walang
magawa
Hindi biro ang sumigaw na sila pero
wala tayong nagawa
Hindi birong wala pa rin tayong
ginagawa
Hindi biro na manahimik ka
Sa biyaheng ilang siglo ng iniikutan
ng ating mga diwa
Hindi biro na wala lang sa’yo to
Hindi biro na may biyaheng malandi
sa kulturang ito
At lalong hindi biro na sumakay ka
dito