You are on page 1of 36

PONX NOT DEAD

Heidi Bailon Sarno


There is 1 Impostor among us
Tandang-tanda ko ang itsura ng naglalakihang
mukha. Mga mukha na kalimita’y kulay itim at puti na
nakapinta sa malalaking pader sa kahabaan ng Emilio
Aguinaldo Highway, sa mga abandonadong
establisimyento sa Dasmariñas at iba pang mga lugar
sa lalawigan ng Cavite. Kaiba sa karamihan dahil
hindi spray paint ang ginamit ng gumawa, kung hindi
pintura at brotsa.
Mano-manong pinaghahalo sa pader
na mismo ang mga kulay ng pintura. Hindi
ito madaling gawain dahil mas mahirap
maghabol ng timpla ng kulay. Dagdag pa
na kailangang bilisan dahil madalas ay
walang paalam itong ginagawa sa mga
pader ng may pader. Hindi trip-trip lang.
Inirerehistro niya sa madla ang kanyang
adbokasiya sa buhay. Nagpopropaganda
siya. Nagpoprotesta.
Ang ama ng mga brotsa at pintura na
tinutukoy ko ay si Gutson Alvarado Heyres,
mas kilala bilang Pong Para-atman
Spongtanyo (sa Facebook) o Ponx (sa mga
kaibigang Punks). Unang beses kaming nagkita
ni Pong sa Espasyo Siningdikato CreatiVEnue
sa Dasmariñas, Cavite noong 2010. Ipinakilala
siya sa akin ni Lirio Salvador, kilalang
experimental sound artist at Ama ng Sculptural
Assemblages sa Pilipinas.
Nakasakay pa siya noon sa wheelchair at tulak-
tulak ng kanyang kaibigan. May dala siyang
clearbook (portfolio) na punong-puno ng mga
gawa niya. Black and white ink on paper ang
medium ng mga laman nito. Sa hindi ko
maipaliwanag na dahilan, nanlaki ang ulo ko at
nagtayuan ang mga balahibo nang unang makita
ang mga gawa niya. Nakaramdam din ako ng
matinding lungkot.
Kahit hindi niya pirmahan ang mga obra niya, nakalikha
siya ng sariling karakter na kapag nakita ninuman, alam
na siya ang gumawa. Ramdam mo ang kaluluwa niya sa
bawat piyesa. Akala ko noong una’y ipinanganak si
Pong na lumpo, kalauna’y nalaman ko na matinding
kakulangan ng potassium ang dahilan kaya siya hindi
makapaglakad. Hindi iyon ang unang beses, noong
2007 ay nangyari na rin sa kanya ang ganoon.
Ipinanganak si Pong sa Sta. Cruz, Maynila. Lumaki sa
West Pembo, Makati. Nag-aral sa Makati Elementary
School at Fort Bonifacio High School. Nang magkolehiyo,
kumuha ng kursong Digital Arts sa University of Makati.
Hanggang ikalawang taon lamang siya roon, hindi na niya
ito tinapos. Bukod sa nahirapan na siyang suportahan ang
pag-aaral dala ng kahirapan, tila nawalan na rin siya ng
gana dahil nagkahiwalay sila ng noon ay karelasyon niya
na si Ivy.
Nang makabili ng lupa sa Cavite ang kanyang kuya
Ghelarkan, dito na nanirahan sa Dasmariñas ang
kanyang pamilya. Dahil mahirap mangupahan at
magpalipat-lipat ng tirahan sa Maynila,
pinagtiyagaan nila kahit walang tubig at walang
koryente. Pangapat si Pong sa walong
magkakapatid. Ang tatay niyang si Ramon Armas
Heyres ang nagbigay ng pangalan niyang “Gutson.”
Hango raw iyon sa isa sa tatlong mukha ng mga taong
nakaukit sa bangin sa ibang bansa. Samantala, “Tong-
tong” naman ang ibinigay na palayaw sa kanya ng
kanyang nanay na si Marietta Alvarado Heyres. “Pong
Ungas” naman ang ibinansag niya sa kanyang sarili.
“Pong” dahil masarap sa kanyang pandinig at “Ungas”
para daw astig. Pero sa totoong buhay naman ay mabuting
tao ito.
Ayon sa kanyang kapatid na si Gifforda (Jep),
likas sa pamilya nila ang marunong gumuhit.
Elementarya pa lang daw si Pong ay gumuguhit
na ito ng mga tanawin, hanggang madalas nang
sumasali sa mga poster at slogan making contest
at nananalo naman. Mas nahasa pa ang kamay
niya dahil sa kinuhang kurso.
Second year high school si Pong nang maging aktibo sa
pagiging punk. Nang makilala niya ang mga kaibigang
taga-Makati, madalas na siyang sumasama sa mga rally,
dumadalo sa mga konsiyerto, mag-hitch-hike at mag-
travel kung saan-saan. Lagi na rin siyang nakafull battle
gear street punk. Madalas si Pong ang gumagawa ng
posters, flyers sa mga tugtugan at aktibidad. Dagdag pa
rito ang mga banner na ginagamit sa politikal na gawain
tulad ng demonstrasyon at banner-hanging actions.
Sa anumang ginagawa at kinahihiligan, kakikitaan
siya ng dedikasyon. Kung hindi siya nagpipinta,
nagtatatak siya ng patches o kaya’y naggagawa
siya ng mga zine. Bond paper at ballpen ang mga
sandata niya sa paggagawa ng mga zine. Halos
buwan-buwang may bagong issue siyang
inilalabas.
Kapag naririto siya sa amin, lagi ko siyang
nakikita sa isang sulok, gumuguhit, nagbabasa,
nagsusulat o kaya nagpipinta katabi ang isang
mug ng kape. Kung minsan, tatanungin ka niya
kung may extra ballpen ka pa at kung may mga
naitatabi kang papel na hindi na ginagamit na
maaari niyang hingiin. Mahihiya ka na lang sa
kasipagan niya.
Kalimitang tema ng kanyang mga likha ay
nakaangkla sa anti-war (Food Not Bombs o
FNB), counter-culture punks, at anarchism.
Lagi siyang mulat sa socio-political na
pangyayari hindi lamang sa Pilipinas kung
hindi sa buong mundo. Inspirasyon ni Pong
ang Black Bloc, Zapatista, at ilang kilalang
anarkista.
Ayon sa malapit niyang kaibigang si Chung, ng Etniko
bandido Infoshop, kritiko si Pong ng urbanisasyon,
industriyalisasyon, kahirapan, at pagkasira ng
kalikasan. Ilan sa napakaraming trabaho ni Pong;
bilang pagbibigay-pugay, iginuhit niya si Carlo
Guilliani, isang Italyanong Anarkista na binaril ng pulis
sa Genoa Anti-G8 mobilization noong 2001.
Gumawa siya ng portrait ni Santiago Maldonado,
Argentinian anarchist na isang desaparecido.
Masikhay rin siyang nakiisa sa mga kampanya
upang palayain ang Sagada 11 Punks. Naroroon
din siya sa laban ng mga lumad, at marami pang
iba. Dagdag pa nito na batid ni Pong na ang
kapitalismo at estado ang nangungunang
responsable sa mga kalokohang nagaganap sa
buong mundo.
Taong 2011, pagkagaling nina Pong at mga kaibigan sa
taunang Anarchy/ Equality Fest na ginanap sa
University of the Philippines Diliman, sinimulan nila
ang Bahay Anarkulay sa bahay mismo nina Pong. Ito ay
isang mala-info-shop, isang mini library-creative space.
Sa mga panahong ito, hindi pa rin nakakalakad si Pong.
Kahit naka- wheelchair, pinipilit niyang isama siya ng
mga kaibigan sa pagpapakain ng mga tao sa
lansangan (FNB) dahil gusto niyang mag-face paint
sa mga bata at mamigay ng coloring books na sariling
gawa niya para maging libangan ng mga ito. Hindi rin
naging hadlang ang sakit niya sa pagdalodalo sa mga
Do-It-Yourself gig. Gustong-gusto niyang makita at
makakuwentuhan ang kanyang mga kaibigan.
Si Pong ang isa sa mga nagpaningas, ugat ng apoy
kung bakit mas masidhing lumaganap ang FNB sa
Cavite. Nagpatuloy ito, naganap at
nakapanghikayat ng iba’t ibang indibiduwal, mga
musikero, mga makata, mga pintor, mga graffiti
artist, mga skater, mga film maker, mga estudyante,
tropahan, at maging magulang ng mga ito hanggang
sa kasalukuyan.
Ang FNB ay kadalasang naisasagawa sa mga
covered court, nasunog na day care center, mga
bangketa, mga eskinita, mga barangay, mga excess
lot o mga butas na espasyo kung saan mas malapit
ito sa komunidad. Nang sa gayon ay mas
maibabahagi ang turo at prinsipyo ng nabanggit na
payapang protesta.
Dahil sa ganitong mga ganap at makataong gawi,
unti-unting nawawala ang pagkagulat at
panghuhusga sa postura ng mga punk.
Nararamdaman ng mga nagboboluntaryo sa FNB
ang munting butil ng pag-ibig sa kanilang mga
puso sa tuwing magagawa ang pagbabahagi.
Gayundin, dahan-dahang tinatalakay sa mga taong
dumalo at napadaan kung ano ba talaga ang FNB.
Noong 2013, nakalakad muli si Pong. Dali-dali
siyang nagbiyahe at nagpa-Bulacan. Dito niya
nakilala si Brigitte, at nagmahal siyang muli.
Iniuwi niya sa Dasma kasama ang mga anak
nito. Todo-raket si Pong para pantawid sa mag-
iina. Bakas sa mga mata at ngiti ni Pong ang
pag-ibig.
Ang dating madilim na bahay ay naging
makulay. Bagama’t nagpokus siya sa buhay
may pamilya, hindi naman natigil ang pagdalo-
dalo niya sa mga gig, FNB, at mga eksibit.
Kung saan-saan pa rin siya nakakarating. Isa
siya sa nagtulak kina Talo at Cavite Punk
Movement na ipagpatuloy ang mga eksena,
FNB, at mga radikal na galaw sa Dasmariñas,
Cavite.
Taong 2019, nagkalabuan na nauwi sa
hiwalayan ang relasyong Pong-Bridgitte.
Kumupas ang dating makukulay na ngiti
ni Pong. Madalas na siyang nag-iisa at
nag-iisip. Dinamdam niya nang labis ang
nangyari. Gumala siyang muli. Inikot niya
ang halos buong CALABARZON.
Tinutukan niya ang pagpipinta. Inalalayan siya ng
mga kaibigang sina Roman Soleno (ng Roman
Empire, Tinimbang Ka Ngunit Kulang at The
Exsenadors) at Buen Abrigo (ng WALA at CCP 13
Artists Awardee). Lalong nahasa ang kanyang teknik
sa pagpipinta. Nakakasama na siya sa ilang group
show sa mga sikat na gallery.
Pagputok ng pandemya nitong 2020, na-lockdown
siya sa Flip and Beyond Bar sa Dasmariñas. Siya
lamang mag-isa roon. Wala siyang makausap.
Nagpipinta lang siya ng mga raket niya. Hindi siya
makalabas dahil wala siyang quarantine pass.
Limitado rin ang biyahe. Napabayaan niya ulit ang
kanyang sarili.
Wala siyang ganang kumain at madalas kinaaawaan
ang sarili. Bumagsak ulit ang potassium niya. Hindi
na naman siya makalakad. Nangayayat siya nang
labis. Ilang buwan nang lockdown, saka lang namin
nalaman na naroroon siya sa Flip and Beyond.
Buong akala kasi namin ay sa bahay ng ibang tropa
siya inabutan ng pandemya.
Gamit ang social media, humingi kami ng tulong para
kay Pong. Ang daming dumating. Kahit iyong mga
kaklase ni Pong noong high school ay nagpaabot din.
Nakalikom ng sapat na halaga para masundo siya at
makaupa ng bahay na tutuluyan niya pansamantala.
Naihatid din siya sa dating bahay nila, sa Bahay
Anarkulay. Nakaligtaan niya raw ang mahahalagang
bagay. Gusto niya raw bumawi sa pamilya, kaibigan, at
mga pamangkin niya.
Pinilit nina Talo na ipa-check up si Pong. Dahil
sa protocols ng mga ospital, halos nakalimang
ospital sila na napuntahan. Hindi tinanggap si
Pong. Kung tatanggapin siya ay isu-swab test
muna at ilalagay sa Patient Under Investigation
(PUI). Puno ang mga ospital, kung ia-admit siya,
walang bakanteng higaan.
. Tanging monoblock na upuan lang daw ang
kayang ibigay ng ospital. Dahil sa inis at galit,
ibinalik na lang nina Talo si Pong sa kanilang
bahay. Kinabukasan, binalikan ulit siya nina Talo.
Medyo mahina na si Pong. Hinatid nila ang hiling
nitong cellular phone at pinaghanda na rin sila kasi
lilipat na kinabukasan sa bahay na uupahan.
Agosto 20, 2020, ika-11:30 ng umaga, binawian
na ng buhay si Pong sa Bahay Anarkulay.
Kasabay ng pagkamatay niya ang malakas na
buhos ng ulan. Paisa-isang nagdatingan ang mga
kaibigan. Nagtulong-tulong ang lahat mula sa
cremation hanggang sa lamay. Kahit bawal,
ibinurol namin nang tatlong araw ang abo niya
rito sa bakuran namin sa Ingay Likha, Imus,
Cavite.
Napakaraming nagdatingang mga kakilala at
kaibigan mula sa iba’t ibang lugar. Parang reunion
ang nangyari. Hanggang ngayon, kahit pisikal na
wala na si Pong, pakiramdam naming lahat ay
nariyan lamang siya, naglalakbay sa bayan-bayan.
Ang natira mula sa mga naipon na donasyon ng
kung sino-sino ay ibinigay lahat sa kapatid niya.
Sabi nga ni Talo, “Pong,
habambuhay kang nasa puso
namin. Salamat sa mga alaala at
aral. Mahal ka namin. Squat the Impostor

spirit world, Pong.”


MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like