You are on page 1of 32

MGA TEORYA SA

PANITIKAN
 Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga
pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga
salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
 Teoryang Humanismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao
ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao
gaya ng talino, talento atbp.
 Teoryang Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na
higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit
na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang
maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
 Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid,
ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
 Teoryang Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan
at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng
lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang
isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
 Teoryang Formalismo/Formalistiko
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang
nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa
kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa
mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa.
 Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan
ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence).
 Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t
ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.
 Teoryang Markismo/Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa
mga mambabasa.
 Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao –
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan.
 Teoryang Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan
o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig
sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga
“pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
 Teoryang Queer
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa
paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang
mga babae ay may feminismo ang mga homosexual
naman ay queer.
 Teoryang Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao
at ng mundo.
ELEMENTO NG
MAIKLING KWENTO
1)TAUHAN – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin
sa kwento.

2) TAGPUAN – Ito ay tumutukoy kung saan


naganap ang kwento.

3) BANGHAY – Ito ay tumutukoy sa


pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kwento. Mayroong limang (5) bahagi ang
banghay:
Bahagi ng Banghay
◦ PANIMULA: Kung saan at paano nagsimula ang
kwento

◦ SAGLIT NA KASIGLAHAN: Ito ay ang panandaliang


pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.

◦ KASUKDULAN: Dito na nangyayari ang problema sa


kwento.

◦ KAKALASAN: Ito ay tumutukoy sa parte kung saan


unti-unti nang naaayos ang problema.

◦ WAKAS: Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o


natapos ang kwento.
4) KAISIPAN – Ito ay ang mensahe ng maikling
kwento sa mambabasa.

5) SULIRANIN – Ito ay tumutukoy sa problemang


ikinakaharap ng tauhan sa kwento.

6) TUNGGALIAN – Ito ay maaaring tao laban sa


tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao
laban sa kalikasan.

7) PAKSANG DIWA – Ito ang pinaka-kaluluwa ng


kwento.
Panitikan

Ang panitikan ay ang pagsulat ng


babasahin. Ang mga panitikan ay ang mainam
na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang
nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.
Samakatuwid, may hugis, may punto at
nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa
ang isang sulating pampanitikan.
Iba’t ibang kahulugan ng panitikan
ayon sa mga iskolar
1. Honorio Azarias- nagpapahayag ng damdamin hinggil sa
mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at
sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang
lumikha.

2. Webster- anomang bagay na may kaugnayan sa pag-iisip at


damdamin ng tao maging ito'y totoo o kathang isip lamang ay
maaring tawaging panitikan.

3. Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.


Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa,
hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o
binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga
at masining na mga pahayag.
Iba’t ibang kahulugan ng panitikan
ayon sa mga iskolar

4. Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal- ang tunay na


panitikan ay walang kamatayang nagpapahayag ng
damdamin ng tao bilang ganti niya sa kanyang pang-
araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya
sa kanyang kapaligiran.

5. Arrogante- isang talaan ng buhay ang panitikan kung


saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay
ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang
daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa
pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.
Ano-ano ang mga akdang pampanitikan na
nakaimpluwensiya sa panitikan at buong
mundo?

Counterburry Tales –
ni Chaucer-
(Inglatera)
naglalarawan ng
mga ugaling Ingles at
ng kanilang
pananampalataya
noong unang
panahon.
Ano-ano ang mga akdang pampanitikan na
nakaimpluwensiya sa panitikan at buong
mundo?

Aklat ng mga Araw -


ni Confucious –
(Tsina) – naging
batayan ng
kalinangan at
pananampalatayang
Insik.
Ano-ano ang mga akdang pampanitikan na
nakaimpluwensiya sa panitikan at buong
mundo?

Uncle Tom’s Cabin – si


Harriet Beecher Stowe
- ng Estados Unidos
na nagbukas ng mata
ng mga Amerikano sa
kaapihan ng mga
lahing itim at ang
simula ng paglaganap
ng demokrasya sa
daigdig.
Ano-ano ang mga akdang pampanitikan na
nakaimpluwensiya sa panitikan at buong
mundo?

Iliad at Odyssey – ni
Homer – (Gresya) –
siyang kinatutuhan
ng mga alamat at
mitolohiya.
Ano-ano ang mga akdang pampanitikan na
nakaimpluwensiya sa panitikan at buong
mundo?

Divina Comedia - ni
Dante – (Italya) –
nagpapahayag ng
moralidad,
pananampalataya at
pag-uugali ng mga
Italyano noong
unang panahon.
Kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas.
 Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing
tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at
namamayaning uri at anyo ng katutubong
panitikan sa bansang Pilipinas.
 Sa kasaysayan nababatay ang iba’t ibang

kaalamang panliteratura dahil umaalinsunod ang


literatura sa takbo ng kasaysayan.
 Sa patuloy na pagbabago ng panahon, kasabay

ring nagbago ang layunin, tema, nilalaman, anyo


at maging ang wikang ginagamit sa pagpapahayag
ng kaisipan at damdamin ng tao sa lipunan.
Kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas.
 Ito ay sa kadahilanang ang bawat tao’y
nakakatagpo ng iba’t ibang buhay at mga
karanasan sa patuloy na pakikibaka sa
daigdig na kanyang kinagagalawan.
 Nagbabago ang lahat ng bagay.
 Ika nga “tanging ang pagbabago lamang ang

maaring maging permanente at hindi


maaaring magbago.”
KATANGIAN NG PANITIKAN
SA BAWAT PANAHON
SINAUNANG PANAHON
 May sarili nang panitikan ang
ating mga ninuno sa panahong
ito.
 Ang payak na pamumuhay noon
ay naglalarawan rin isang sa
payak na literatura.
 Ang kasalatan sa teknolohiya at
syensya ang nagtulak sa kanila
upang maipaliwanag batay sa
kanilang mga sariling palagay at
pag-iisip ang mga bagay-bagay
na nangyayari sa kanilang
paligid.
PANAHON NG KASTILA
 Ang pagdating ng mga
kastila at ang mahabang
panahong pananakop sa
ating kapuluan ay
mabilis na nagpabago
sa kultura at
pamumuhay ng ating
mga katutubo.
 Dalawa ang paraan ng

pananakop – krus at
espada.
PANAHON NG PROPAGANDA AT
HIMAGSIKAN
 Ang labis na paniniil at pang-aapi ng mga Kastila ay
unti-unting nagbukas sa kamalayan ng mga Pilipino sa
kanilang abang kalagayan.
 Layunin ng kilusang Propaganda:

1) Magkaroon ng pantay na pagtingin sa mga Kastila at


Pilipino sa harap ng batas.
2) Maging isa sa mga lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

3) Magkaroon ng mga Pilipino ng kinatawang Pilipino sa


korte ng Espanya.
4) Maibigay ang pagkakataon sa mga Pilipinong pari na
maging kura paroko.
5) Matamo ang kalayaan sa pamamahayag, katarungan
at mga karapatang-pantao.
PANAHON NG AMERIKANO
 Patuloy na nangibabaw ang tema ng
nasyonalismo at pagmamahal sa bayan.
 Ang kaluwagang naipagkaloob sa mga

Pilipino na hindi nila naranasan kailanman sa


mahabang panahong pagtira sa Pilipinas ng
mga Kastila ay nagbigay-pribelehiyo sa mga
manunulat na Pilipino na maibahagi at
mailarawan ang kanilang mga karanasan sa
buhay at pangarap sa kamay ng mga
mananakop na Kastila.
PANAHON NG MGA HAPONES
 Naantala ang pangarap ng mga Pilipino na
tuluyang makamit ang minimithing kalayaan
sa pagdating ng mga Hapon.
 Sa panahong ito, pumalaot ang mga paksaing

may kaugnayan sa mga kultura’t kaugalian sa


mga nayon at lalawigan.
 Namayani ang paksain hinggil sa mga

katutubong kulay hanggang sa muling


pagbabalik ng mga Amerikano upang bawiin
ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones.
PANAHON NG LIBERASYON
 Hindi nagtagal at matagumpay na muling nabawi ng
mga Amerikano ang Pilipinas sa kamay ng mga
Hapones.
 Bumandila ang mga paksain hinggil sa kalupitan ng
mga Hapon, pangungulila, kasiphayuan sa mga
pangarap at kasawian sa buhay dala ng matinding
digmaan.
 Matapos ang liberasyon, bumaling ang paksain ng
mga akdang panliteratura sa mga pangyayaring may
kaugnay sa pakikipamuhay sa mga Amerikano
gayundin ang pakikipagkaibigan ng mga Amerikano
sa mga Pilipino.
PANAHON NG BATAS MILITAR AT
BAGONG LIPUNAN
 Sa panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong
Ferdinand Marcos naitatag ang Batas-Militar na ang layunin
ay malunasan ang mga problemang pangkahirapan at
matamo ang mapayapang buhay. Ngunit hindi nagtagumpay
bunga na rin ng mahigpit na pamamalakad na pinaiiral ng
pamahalaan.
 Lumaganap ang maraming kilos protesta. Nagsulputan ang
iba’t ibang samahan laban sa sistema ng pamahalaan gaya
ng Komunista at NPA.
 Naipatupad ang Martial Law, naging bukambibig ang mga
katagang “makibaka!”, “kalayaan!”, “ibagsak ang diktadura”
 Samakatwid, matapang at mapanuligsa ang nilalaman ng
literatura sa panahong ito.
PANAHONG KASALUKUYAN
 Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at
agham.
 Malayo na rin ang naaabot ng media.
 Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin

ang wikang ginagamit.


 Hindi lamang pampanitikan ang uri ng

salitang ginagamit

You might also like