You are on page 1of 31

CARD ONLINE DISTRIBUTION

(C.O.D.) PARA SA ESTUDYANTE AT


GURO NG TAGUIG NATIONAL
HIGHSCHOOL LUNGSOD NG TAGUIG.

Superior Programming Association


Leader: Lopera, Harvie
Assistant leader: Paguirigan, Nielmert
Ameril, Norhana
Aquino, Michael Angelo
Cadangan, John mark
Dimalaluan, Charles Rueben
Flores, Joewarren
Llagas, Jorge micheal
Newland, Mechel
Pinagayao, Yeddah mae
MISYON
• Upang Bumuo ng isang Mas Mahusay na Kinabukasan para
sa Henerasyon Ngayon. Upang matulungan silang makipag-
usap at maiwasan ang pisikal na pakikipag-ugnay ayon sa
hangaring pang-akademiko.

VISION
• Upang makilala sa buong mundo ang aming mga gawa at
pagsisikap para sa mga sitwasyong pang-akademiko. Isang
kumpanya na mapagkakatiwalaan nila at sapat na maaasahan
upang maibigay sa kanila ang isang madaling paraan ng
komunikasyon tungo sa tagumpay.
Superior Programming
Association
I. Abstrak
• Ang panukalang proyektong para sa Card Online Distribution para sa
Guro at Estudyante ng Taguig National High School ay may tapat at
tiyak na layuning makabuo at makagawa ng isang fully-functioned na
aplikasyon para sa edukasyon ng mga estudyante, magawang
kustomisado ang programa para sa mga guro at estudyante, at
maipatupad at maiplementa ang programa bilang isang aplikasyon sa
ating mga cellphone. Pamumunuan ang proyektong ito ni G. Harvie
Lopera, estudyente mula sa Taguig National High School. Ang
pangkalahatang paggawa ng aplikasyon ay gagawin ng isang pribadong
programmer at isang specialist na may magandang karanasan sa
pagdebelop ng aplikasyon. Isang UI designer at intern espesyalisasyon
sa programming, UI design, at information system’s management ang
kukunin bilang administrative personel sa paggawa ng proyekto .May
kabuuang badyet itong PHP 721,000.00 na ilalaan para sa sahod at
kagamitang kakailanganin. Magsisimula ang proyekto sa ng Ika-lima ng
Enero at Inaasahang magtapos sa Ika-uno ng Mayo ng parehong taon.
II.Konteksto
Enero, 2019 nang madiskobre ang Corona Virus sa Wuhan China.
Lumaganap ito sa mga sumunod na buwan hindi lang sa buong
China kung hindi pati na sa buong mundo. Dahil dito ipinatupad
ang social distancing at ipinagbawal ang Mass Gathering. Kaya
naman maraming transaksyon ang ginagawa ngayon. Isa sa
malaking kinakailangang pag-angkop ay ang Online Class.
Ang Online Class ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay
idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang
estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang
magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga
kamag-aral. Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang
apektado ng COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga
estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pag-
aaral gamit ang kompyuter (De Jesus, 2020)
Gumagamit ng internet at hindi sa tradisyonal na klase sa
pagtuturo ang online learning. Ito ay isang kategorya ng distance
learning na tinatawag din e-learning o electronic learning. Dahil
dito, halos lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng access sa
edukasyon, kahit nasaan pa sila, basta’t sila ay may internet.
Kaysa mag-aksaya ng panahon kakagamit ng social media, isang
paraan para maging productive tayo online, ay sa pamamagitan ng
online courses(Rapisura, 2018).
Maraming mga magulang ang nagtatrabaho, kung kaya naman
hindi nila gaanong nasusubaybayan ang kanilang mga anak sa
kanilang pag-aaral. Hindi nila alam ang katayuan at mga
accomplishment ng kanilang mga anak. Isang pangangailangan sa
ating edukasyon ang mapadali at mapabilis ang pagsubaybay sa
estudyante sa pamamagitan ng Card Online Distribution.
III.Katwiran ng Proyekto

A. Suliranin
 
Tayo ang kumakaharap sa pandaig digang pandemya.
Maraming batas ang ipinatupad upang maiwasan ang pagkalat
ng virus. Isa na dito ang pag iwas sa pagkakaroon ng
malakihang pag titipon ng mga tao sa iisang lugar. Katulad ng
mga aktibidades sa iskwela na kailngan talaga ng prisensya ng
istudyante at magulang. Ito ay isang proposal para sa mga
studyante at guro upang mapadali ang pagbibigay ng grado sa
mga mag aaral sa pamamagitan nito ay hindi na kakailanganin
ng face to face contact ng mga magulang at guro para sa card
destribution ng studyante.
B. Prayoridad na pangangailangan
 
Kailangan ang pagkakaroon ng Card Online Distribution(COD) para
sa mga estudyante at guro sapagkat kailangang mapadali ang
kaalaman ukol sa gawaing pagganap. Karapatan din ng estudyante na
malaman ang kanilang mga output sa paaralan. Napagdesisyunan ng
aming grupo na ibahagi sa lahat upang makatulong sa mga kabataan
ngayon lalo na at may pandemya. Upang mabilisang makatulong sa
mga guro at estudyante kung grado ang pag-uusapan at nang
maiwasan ang face to face kontak. Ang Card Online
Distribution(COD) ay isang aplikasyon na may layuning makatulong
sa lahat ng mag-aaral. Sa madaling salita, kapag mabisa ang Card
Online Distribution(COD), mas maraming mga guro at estudyante
ang matutulungan ng app na ito. Maliban dito, dapat maipakita na
marunong gumamit ng teknolohiya ang mga estudyante at guro
bilang patunay na ito’y mas produktibo kaysa sa nakasanayan.
C. Interbensyon
Maaring maisakaturapan ang panukalang proyektong ito sa
mga sumusunod na paraan:
 Pagkuha ng mga programer intern para makatulong at
maisagawa ng maayos ang proyekto.
Pag-aasign sa isang pribadong programer mula sa
Superior Programming Organization bilang isang pinuno
ng proyektong gagawin.
Pagkuha ng ibang studyante mula sa ibang seksyon
bilang mga support staff ng ginawang proyekto.
Ang mga interbensyong ito ay napagdesisyonan o napag
usapan batay sa mga suhesyon ng mga kasama o parte sa
proyektong ito.
D. Mag-iimplementang Organisasyon
Ang organisasyong mag-iimplementa sa proyektong Card Online
Destribution ay ang organisasyong Superior Programming
Organization na haharap sa paggawa ng bagong sistema ng
pagkuha ng grado via internet gamit lamang ang LRN ng
estudyante. Ito ay ang Organisasyon na pinangungunahan ni
Harvie Lopera, Nielmert Paguirigan, Charles Dimalaluan,
Joewarren Flores, John mark Cadangan, Jorge Micheal Liagas,
Mechel Newland, Michael Angelo Aquino, Meriam Ameril,
Yeddah Mae pinagayao. Ang pangalan ng kanilang organisasyon
ay nakuha rin sa kaning mga kakayahan o kaalaman. Silang
sampu ang nag tatag ng organisasyong Superior Programming
Organization sapagkat pare pareho ang kanilang layunin na
mapadali ang pagkuha ng grado. Kung kaya’t kanilang napag
desisyonan na mag tatag ng aksyon sa suliraning kanilang
nakikita. Kasama ng Superior Programming Organization ang
sangay ng gobyerno na naangkop sa panukalang ito tulad na
lamang ng department of education (DEPED).
IV. Layunin

Layunin ng panukalang proyektong ito na makagawa ng


aplikasyon na Card Online Distribution(COD) para sa mga
estudyante at guro ng Taguig National High School ng
Lungsod ng Taguig.
Tiyak na Layunin nito ang mga sumusunod:
• makabuo at makagawa ng isang fully-functioned na
aplikasyon para sa edukasyon ng mga estudyante;
• magawang kustomisado ang programa para sa mga guro at
estudyante;
• maipatupad at maiplementa ang programa bilang isang
aplikasyon sa ating mga cellphone.
V. Target ng benepisyaryo
Ang unang target ng panukalang proyektong ito na makaka
kuha ng benepisyo ay ang mga mag aaral ng Junior at Senior
High School ng Taguig National High School Lungsod ng Taguig.
Nais ipatupad ang proyektong ito upang mas maengganyo ang
mga mag aaral dahil sa bagong "Card Online Distribution" dito sa
apps na ito makikita ng mga studyante ang kanilang mga past
grade record. Sa pamamagitan ng apps na ito dito rin makikita
ng mga studyante ang kanilang mga bad records na ginawa nila.
Ang pangalawa naman na target nito ay ang mga Guro ng
Taguig National High School makakatulong ito sa mga guro dahil
dito hindi sila mahihirapan pa mag distribute ng Card via face to
face. Sa pamamagitan ng "Card Online Distribution" Isang input
lang ng guro tulad ng LRN ng mga studyante lalabas agad ito at
makikita ng mga studyante ang kanilang mga grado.
V. Implementasyon ng Proyekto
A. Iskedyul
Isasagawa ang proyektong ito sa Enero 5,2021. At matatapos
ang proyektong ito sa Mayo 1,2021.
Mga Aktibidad Simula Katapusan Mga may
Responsibilidad
1. Pagpaplano sa 01 - 05 - 21 01 - 25 - 21 Analyst, programmer,
sistema 2 programmer
(intern)
2. Pag-aanalisa sa 01 - 30 - 21 02 - 10 - 21 Analyst, programmer
sistema
3. Pagdisenyo sa 02 - 15 - 21 02 - 26 - 21 UI manager, Analyst,
sistema programmer, 1 ISM,
2 network
programming (intern)
4. Pagdebelop sa 02 - 30 - 21 03 - 30 - 21 Programmer, 2
sistema programming (intern)
5. Pagsubok at 04 - 05 - 21 04 - 10 - 21 UI manager, Analyst,
ebalwasyon sa programmer, 1 ISM,
sistema 2 network
programming (intern)
6. Pagrebisa 04 - 15 - 21 04 - 25 - 21 Programmer at mga
team ba mag rerebisa
7. Instalasyon 04 - 26 - 21 — Development Team
B. Alokasyon
Ang kasunod na talahanayan ay nagpapakita
ng listahan ng resorses na pag kakagastusan:
  Pagkakagastusan  

Mga Aktibidad Sahod(allowance) Ekwipment Iba pa


 

  Analyst, programmer, 2
programmers (intern)
1. Pagpaplano sa Sistema
(tatlong lingo)
2. Pag Analisa sa Sistema Analyst, programmer (dalawang
lingo)

3. Pag desisyon sa Sistema UI manager, analyst, programmer, 1


ism, 2 network programmer(intern)
(isang linggo)

4. Pagdebelop sa Sistema programmer, 2 programmer (intern)


(isang buwan)

5. Pagsubok at ebalwasyon sa Sistema Programmer at mga team na mag 6 Kompyuter 1 printer


rerebisa
Kagamitan sa Networking
(isang linggo)
6. Pagrebisa Development team    
Talaan: Walang sahod ang dalawang intern dahil sila ay studyante ng Taguig national high school na mag papatupad ng
C.O.D (Card Online Destribution) tanging allowance lamang ang kanilang matatangap na nag kakahalaga ng 1,500 kada
linggo. Wala ring sahod ang analisyst dahil empleyado siya ng DEPED (Department of education) tanging ang dalawang
programmer lamang ang babayaran ng full time. Base sa market standard ang isang programmer ay may propesyonal na
sahod na Php60,000.00 subalit dahil may kasama siyang mga stuff katulad ng intern at analyst, napagkasunduang
makakatangap nalamg sila ng Php ,50,000.00 bilang bayad propesyonal

Talahanayan 2.0: Listahan ng Pagkakagastusan sa Bawat Aktibidad


C. Badyet
Sa proyektong ito tinatayang ₱721.000.00 ang
kabuuang halaga na ilalaan sa sumusunod na kagustuhan.
       
Pagkakagatusan Bilang ng yunit Bayad / Yunit Kabuuang bayad
 
     
Allowance ng programmer 2 @ 4 buwan ₱ 50,000.00 ₱ 400,000.00
 
     
Allowance ng Information system 4 linggo ₱ 28,000.00 ₱ 112,000.00
manager
 

     
Allowance ng UI designer 4 linggo ₱ 26,000.00 ₱ 104,000.00
 
     
Allowance ng programmer (intern) 2 @ 12 linggo ₱ 1,500.00 ₱ 36,000.00
 

     
Kompyuter 6 Yunit ₱ 9,500,00 ₱ 57,000.00
 
     
Printer 1 Yunit ₱ 5,395,00 ₱ 5,395.00
 
     
Kagamitan sa networking — ₱ 5,000.00 ₱ 5,000.00
 
     
Lisensya ng Software — ₱ 1,500.00 ₱ 1,500.00
 
       
Kabuuang badyet ₱ 721,000.00
 
VI. Pagmonitor at Ebalwasyon
Ang mga katauhan na kailangan upang mabigyan ng mabisang
pagmonitor at ebalwayonng proyekto na ito, kinakailangan
ang mga katauhan na galing sa paaralan, Department of
Education (DepEd), at mga representative ng mga gumawang
proyekto. Kinakailangan ang mga katauhan sa paaralan dahil
sila ay gumagampan ng pagmonitor at pag plano para sa
ikakabuti ng mga estudyante. Ang Department of Education
(DepEd) dahil sila ang nakakalam ng mga tao at pangayayari
sa kanilang departamento. Atang huli naman ay ang mga
representative ng mga gumawa ng proyekto, dahil sila ang
gumawa ng proyeto dapat nakikita rin nila ang kakulangan sa
proyekto upang masolusyonan ito. Ang mga taong nabibilang
ay nagkakaroon ng isang pagpupulong kada isang linggo,
upang mabigayan pansinang mga opinyon at mga kakulangan
patunngo sa proyekto.
VII. Pangasiwaan at Tauhan
Narito ang mga kasapi sa pagbuo ng
proyekto ng ito:
Pinunong tagapag-
analisa at tagapag-
aproba ng anumang
kailangang gawin sa
buong proyekto.

Harvie M. Lopera
Analyst/Pinuno ng Proyekto
Punong abala sa pag-
sasagawa ng buong output .

Charles Rueben Dimalaluan


Programmer/Pangkalahatang Tagapamahala
Punong abala sa pag-
sasagawa ng buong
output .

John mark Cadangan


Programmer/Pangkalahatang Tagapamahala
Punong nangangasiwa
sa mga siguridad laban
sa hackers . At na
ngangasiwa sa pag
subok at pag ayos ng
mga na mamaling
codes.

Yeddah Mae Pinagayao


Programmer Intern
Punong nangangasiwa sa mga
siguridad laban sa hackers . At
na ngangasiwa sa pag subok at
pag ayos ng mga na mamaling
codes.

Neilmert Paguirigan
Programmer Intern
Punong nangangasiwa sa pag –
pag papabuti at ng software
programs na gagamitin ng
mga mamimili o consumer.

Jorge Michael Llagas


UI Designer
Punong nangangasiwa sa
pag – pag papabuti at ng
software programs na
gagamitin ng mga mamimili
o consumer.

Flores, Joewarren
UI Designer
Punong nangangasiwa sa
pag – pag papabuti at ng
software programs na
gagamitin ng mga mamimili
o consumer.

Mariam Ameril
UI Designer
Punong nangagasiwa sa pag –
hahanap ng ibang mga
impormasyon at sila rin ang nag
bibigay ng mga kanilang
pananaw sa isang bagay.

Mechel Newland
Information System Manager
Punong nangagasiwa sa pag –
hahanap ng ibang mga
impormasyon at sila rin ang nag
bibigay ng mga kanilang
pananaw sa isang bagay.

Micheal Angelo Aquino


Information System Manager
VIII. Mga Lakip
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga organisasyon at
institusyong kabilang sa proyektong ito:

Taguig National High School

Superior Programming Association

Department of Education

You might also like