You are on page 1of 18

FILIPINO 6

IKA-ANIM NA LINGGO
MGA URI NG PANGUNGUSAP
PAG-UUGNAY NG BINASA SA SARILING
KARANASAN

MARY FATIMA B. GABOR


GURO SA FILIPINO
Mahilig ka bang manood ng mga
pelikula?
Magbigay ka nga ng mga napanood
mong pelikula?
BATAYANG KASANAYAN:
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang
mga uri ng pangungusap.
(F6WG-IVa-j-13)
naiiugnay ang binasa sa sariling karanasan (f6pb-ivA-
1)
Bakit Tumigil ang
Mundo
ni Gng. Cheerie Lou L. Mendoza
Nasa sasakyan ang pamilya ni Aling Mina pabalik sa kanilang probinsya. Nakita
ni Aling Mina na nakatanaw ang anak sa kanilang dinaraanan at para bang may
malalim itong inisip habang bumubulong.
Joseph: Gumagalaw naman ang dagat. Gumagalaw din ang ang mga
halaman.
Aling Mina: Anak ano ang iyong iniisip? Biglang napalingon si Joseph sa
kaniyang ina.
Joseph: Narinig ko po kasi ang pag-uusap ninyo ni Tiya Rosa, sabi ninyo
biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ng magkapandemya. Nakita ko
naman po na lahat ng nadadaanan natin ay gumagalaw. Natawa si Mang
Rafael at Aling Mina sa tinuran ng anak.
Aling Mina: Ah! Yun ba? Natatawang nasambit niya. Rafael humanap ka nga muna ng
puwedeng paradahan at magpahinga ka na rin muna bago tayo tumuloy sa pagbyahe.
Mang Rafael: Sige, para makakain muna tayo ng ating baon at kumukulo na rin ang aking
tiyan.
Joseph: Inay, talaga po bang tumigil ang mundo sa pag-ikot?
Aling Mina: Ganito yun Jospeh naging bukambibig na kasi ng mga tao ngayon na tumigil
ang pag-ikot ng mundo. Ang kalagayan kasi natin ngayon ay maihahalintulad dito dahil
lahat ng tao ay napilitang tumigil sa paghahanapbuhay at manatili n lamang sa loob ng
tahanan upang makaiwas sa virus.
Joseph: Ganun po ba Inay? Akala ko hindi na talaga umiikot
ang ating mundo.
Aling Mina: Oo anak hindi biro ang Covid 19 virus.
Marami ang agaw- buhay sa mga ospital dahil dito.
Kaya dapat nating sundin ang lahat ng pinapairal na
alituntunin ng ating gobyerno upang tayo ay maging
ligtas.
Joseph: Opo Inay narinig ko nga po sa balita na madaling
makakaiwas kung pinapanatilihing malusog at malinis ang
ating katawan. Sana po ay tuluyan ng mawala ang aking virus
para makita ko na po ang aking mga kalaro.
Aling Mina: Magdilang anghel ka sana anak. Ang huling
nasambit ni Aling Mina na magiliw na pinagmasdan ang
karagatan sa kaniyang harapan
A. Uri ng Pangungusap
ayon sa Gamit
MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
Uri ng pangungusap na gumagamit ng isang pahayag. Gumagamit ito
Paturol o ng bantas na tuldok
Pasalaysay Halimbawa:
Marami ang namamasyal sa parke.
Dumating na ang kanilang tatay kaya sila masaya

Uri ng pangungusap na pagsasaad ng isang tanong at ginagamit sa


patanong pagtatanong. Gumagamit ito ng bantas na tandang pananong (?)
Halimbawa:
Ano ang mangyayari sa ating mga mamamayan pagkatapos ng pandemya?
MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
Uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapagawa o nagsasabi
Pautos kung ano ang gagawin o iuutos. Gumagamit ito ng bantas na
tuldok (.).
Halimbawa:
Kunin mo ang pitaka ko sa ibabaw ng mesa.
ilagay mo ang libro sa bag mo.

Uri ng pangungusap na nakikiusap. ito ay gumagamit ng paki.


pakiusap Ito ay nagtatapos din sa bantas na tuldok (.).
Halimbawa:
Pakiabot mo nga ang aking lapis.
Makikiraan po.
MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
Uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng
padamdam matinding damdamin tulad ng tuwa, galit, poot, gulat, sakit at
iba pa. Gumagamit ito ng tandang padamdam (!).
Halimbawa:
Nandiyan na ang aso, takbo!
Ang init! Gusto ko ng halo-halo!
Pagsagot sa mga tanong:
1.Ayon sa binasang usapan,
ano ang pangunahing suliranin
ng buong mundo ?
2. Mula sa binasang usapan ilahad
ang mga paraan upang makaiwas sa
Covid- 19 Virus?
Kilalanin ang mga uri ng pangungusap sa ibaba. Sabihin kung anong
uri ng pangungusap ang mga ito.
1. Hindi biro ang Covid 19 virus marami ang agaw-buhay sa mga
ospital dahil dito. Kaya dapat nating sundin ang lahat ng
pinapairal na alituntunin ng ating gobyerno upang tayo ay maging
ligtas. Pasalaysay
2. Rafael humanap ka nga muna ng puwedeng paradahan at
magpahinga ka na rin bago tayo tumuloy sa pagbiyahe.
3. Inay talaga po bang tumigil ang mundo sa pag-ikot?
Pautos

Patanong
Pag-uugnay ng sariling karanasan. Pag-aralan ang sumusunod na pangungusap.
Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ito ay kaugnay sa iyong karanasan at ekis (x)
kung hindi. Paalala: Maaring iba ang iyong karanansan ng iba.

___1. Natutuwa ka kapag may nakakapansin sa iyong ibang tao.


____2. Marami ka nang ginawa tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.
____3. Maingat ka sa iyong sarili dahil alam mo na ito lamang ang paraan upang
makaiwas sa virus.
____4. Habang nasa sasakyan at mayroong kasama ay kuwentuhan lang kayong
kuwentuhan ng kapatad mo.
____5. Inilaan mo ang panahong matagal ka sa loob ng inyong bahay sa pagtulong sa
magulang sa gawaing bahay.
Ano ang mga uri ng pangungusap?

Pasalaysay Patanong
Pautos
Pakiusap Padamdam
Gamit ang iba’t- ibang uri ng pangungusap,magbigay ng mga
halimbawa gamit ang iyong mga sariling karanasan.
Ngayon ay maari mo nang
sagutan ang iyong LAS.

You might also like