You are on page 1of 8

Script of Emcee

Opening Spiel

Lois: Totoong napakabilis ng paglipas ng panahon. Sa ngayon, ilang


linggo na lamang ay magbubukas nang muli ang panibagong taong
pampanuruan, taong 2021-2022.
Joven: Tumpak partner, Noong nakaraang taon at magpa sa hanggang
ngayon, hindi naging madali ang lahat, marami tayong pagsubok na
nasagupa at suliraning kinaharap. Isa na rito ang COVID19 pandemic.
ngunit sa kabila ng hamon ng pandemyang ito ay patuloy tayong
bumabangon at sinisigurong makapagbibigay ng dekalidad na
edukasyon sa ating mga mag-aaral.
Lois: At bilang pagkilala sa mga guro, mga magulang at sa
kanilang walang sawang pagtulong at pagsuporta sa ating
paaralan na naging tulay upang maging matagumpay ang
taong pampanuruang ito,
Both: Ating masasaksihan ang State of the School Head
Address 2021.
Joven: Ang Tema ngayong taon ay “EDUKASYON
Kayang abutin sa kabila ng pandemyang Kinakaharap
natin”
Lois: Mula sa pamunuan ng Bagong Pag-asa Elementary
School sa pangunguna ng aming punong guro Gng. Elsa S.
Dela Paz at mga guro, isa pong kaayaaya at magpagpalang
hapon sa inyong lahat.
Joven: Ako po si Ginoong Joven Campugan, (Guro sa
ikaanim na baitang).
Lois: Ako naman po si Bb. Lois Gondraneos, (Guro sa
ikatlong baitang)
Both: Ang inyong Tagapagdaloy ng palatuntunan sa araw
na ito.
Joven: Upang pormal na simulan ang ating programa,
tinatawagan ko si G. Jan Beltran (Guro sa Ikatlong baitang)
para sa Pagpupugay sa bayan.
Lois: Ito naman ay susundan ng Pagpupugay sa ating
Maykapal na pangungunahan Ni Bb. Emlyn Preyra (Guro sa
ikalimang Baitang).
Joven: Atin naman pong kantahin ang CALABARZON
March, sa kumpas ni (G. Raymond Catayung) Rizal
Mabuhay (Bb. Russel Hallig), Taytay Hymn (Gng. Rhona
Liza Ubaldo) at BPES Hymn (G. Rogelio Pabello)
Lois: Tunay na espesyal ang araw na ito para sa mga BPESians. Hindi lamang dahil sa
matutunghayan natin ang SOSA ng ating mahal na punong guro, kundi mapakikinggan
din natin ang mga mensahe mula sa mga taong kasama natin sa pagtataguyod ng
delikadad na edukasyon.
Joven: Tama ka jan Ma’am Lois! Mapalad ang mga taga BPES sapagkat kaisa natin sa
pagtataguyod ng edukasyon ng ating mga mag-aaral ang butihing ama ng bayan, KGG.
Punong Bayan George Ricardo “Joric” Gacula. Atin pong pakinggan ang kanyang
mensahe.
***MESSAGE

Lois: Maraming salamat po KGG. Punong Bayan George Ricardo “Joric” Gacula sa
inyong supporta sa BPES. Ito pa. Mapakikinggan din natin ang isang tampok na
mensahe na magmumula sa ating very own beauty and brain, Schools Division
Superintendent and Concurrent Officer-In-Charge Office of the Assistant Regional
Director, Mrs. Cherrylou D. Repia. *** Message
Joven: Bago natin simulan ang pinakatampok na bahagi ng ating
programa bigyan daan muna natin ang isang mensahe mula sa ating
napakasipag na Tagamasid Pampurok na si G. Meliton A. Berin Jr.
*** Message
Lois: Maraming Salamat po sa ating napakasipag at ever dedicated G.
Meliton A. Berin Jr.
Lois: Atin naman pong pakinggan ang mensahe na magmumula sa
pamunuan ng mga magulang ng ating paaralan sa pangunguna ni, Gng.
Pamela I. Agudo. *** Message
Joven: Ngayon naman po ay matutunghayan natin ang isang pambungad
na mensahe na ibibigay sa atin ng ating Officer-In-Charge, na si Gng. Rosa
B. Fernandez.
Lois: Maraming salamat po, Gng. Rosa B. Fernandez.
Joven: Ang natapos na taong panuruan ay hindi naging madali. Malayo sa
nakagawiang proseso ng pagtuturo at pag-aaral.
Lois: Maraming naging balakid at maraming makabagong paraan na
kinailangan pagtuunan ng panahon at pag-aralan.
Joven: Ngunit nanaig ang katatagan, kasipagan at tiwala sa Diyos.
Lois: Napagtagumpayan at naipamalas na kaya natin.
Joven: Atin pong tunghayan ang ulat ng ating mahal na punong guro
Lois: Gng. Elsa S. Dela Paz para sa taong panuruan
Both: 2020-2021!
*** SOSA Proper
Joven: Congratulations Gng. Elsa S. Dela Paz! Congratulations teachers,
parents, guardians and students!
Lois: Congratulations BPES!
Lois: Bago matapos ang ating programa, isang panapos mensahe ang ibibigay
sa atin ng isa pa natin OIC. OIC Annex & Master Teacher I Consor D. De
Lara.
Joven: At dito po nagtatapos ang SOSA 2021. Muli ako si G. Joven
Campugan. Maraming salamat po!
Lois: Ako naman po si Bb. Lois ____. Kami ang inyong Tagapagdaloy ng
palatuntunan. Amin pong iniiwan ang mensaheng ito.
Both: Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga. Muli isang
mapagpalang hapon sa inyong lahat! Sulong Edukalidad! Sulong Blue Rizal!
Sulong Bagong Pag-asa Elementary School!

You might also like