You are on page 1of 3

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

Agosto 2021

“ Filipino at Mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”

Magandang araw mga mag-aaral! ☺

Sa linggong ito, bilang pagdiriwang ng BUWAN NG WIKA, ang HUNOB EXTENSION HIGH SCHOOL

ay magkakaroon ng tagisan ng pagsulat ng iba’t ibang panitikan na tatawaging “GAWA KO, ATING

BASAHIN”

Kaya INAASAHAN ANG KOOPERASYON NG BAWAT ISA.


SABAY NATING PAHALAGAHAN ANG BUWANG ITO☺.
- Para sa mga katanungan ay maaaring magbigay ng mensahe sa “fb name” Esponilla Jessa Jeyn
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

“ Filipino at Mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”

Gawa Ko, Ating Basahin


Tagisan ng Pagsulat ng Iba’t ibang uri ng panitikan

MEKANIKS

 Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Hunob Extension High School.


 Orihinal ang gagawing sariling panitikan (maikling, kwento, tula, sanaysay at iba pa) at nakasulat sa Wikang Filipino.
 Ang paksa ay nahihinggil sa tema sa buwan ng wika “ Filipino at Mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga
Pilipino”
 Nasa format na jpeg/larawan ang ipapasang panitikan. Maaaring ipasa“facebook name” na Esponilla Jessa Jeyn o sa kilalang
guro ng paaralan ang larawan ng nagawang akda.
 Inaasahan na ang lahat ng nagawang panitikan ay maipapasa sa Agosto 27, 2021.
 Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos ay siyang tatanghaling panalo.
 Ang mga mananalo ay makatatanggap ng sertipiko ng pagkilala.
 Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na maaaring mabago.
PAMANTAYAN

1. NILALAMAN 50

2. ESTILO NG PAGSULAT (BANGHAY) 15

3. BALARILA (WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS) 25

4. ORIHINALIDAD 10

KABUUAN 100

You might also like