You are on page 1of 33

ARALIN 3

MGA BAHAGI NG
PANALITA
Ulat nila
Jayma Decena
Kristel Mae Escalante
Lalaine Joy Espuelas
Algin Rey Fernandez
Karen Fernandez
PAGGAMIT NG MGA SALITA

Kakayahan sa paggamit ng mga salitang


angkop sa kahulugang nais ilahad.
Malawak na talasalitaan.
Kasanayan sa pagkilala sa mga bahagi ng
panalita, pagbuo ng mga salita, at paggamit
ng mga patalinghagang salita o pahayag.
Wikang Filipino bilang pinakamapang-
angkop o flexible
GABAY SA PAGGAMIT NG
MGA SALITA

Magbasa ng anumang maaring basahin,
at makinig sa makabuluhang talakayan

Mag-ulat, mag salita o mag lahad ng
wasto tungkol sa ibat ibang kalagayan
sa buhay

Makilahok ng wasto at masigasig sa
mga usapan

Magsalaysay ng mga karanasan
GABAY SA PAGGAMIT NG
MGA SALITA
Maglarawan ng tao, bagay, hayop, pook at
pangyayari.
Makipagtalo o makipag palitan ng kuro
tungkol sa ibat-ibang paksa
Magpaliwanag tungkol sa nakita, nabasa,
narinig o naranasan.
Magmungkahi tungkol sa ikabubuti ng
tahanan, paaralan at bayan
Bumigkas ng tula at talumpati
GABAY SA PAGGAMIT NG
MGA SALITA
Makipagpalitan
ng mga bugtong,
salawikain at mga
tanging kasabihan
ng mga paham
Magbigay ng
kongklusyon o
rekomendasyon
ukol sa mga
MGA BAHAGI NG PANALITA

PANGNGALAN

• Pinaka
karaniwang
bahagi ng
pananalita
• Ginagamit bilang
katawagan sa tao,
bagay, hayop,
PANGNGALAN

a) paksa ng pangungusap
b) panuring sa kapwa pangngalan
c) layon ng pang-ukol
d) kaganapang pampaksa
e) pangngalang pantawag
f) pangkatuwirang layon
g) pagka’di-tuwirang layon
PANGHALIP

•Ang bahaging ito ng


pananalita ay salitang
panghalili o pamalit sa
mga pangalan.

Halimbawa:
Ikaw, ako,tayo,amin,
kami,inyo,kanila, ito,
dito,
ganyan,ganoon,heto,
PANDIWA

• Nagbibigay buhay
sa pangungusap
sapagkat nagsasaad
ng kilos o galaw ng
simuno ng pahayag.

Halimbawa:
Umubo, tumawa,
nagsasaliksik,
magsusulat, pinili.
PANG-URI

• Nagsasaad ng
katangian o uri ng
pangngalan o
panghalip ang
bahaging ito ng
pananalita.

Halimbawa:
Maganda, mahusay,
epektibo, wasto, totoo.
PANG-ABAY
• Nagbibigay turing sa
pandiwa, pang-uri o
isang o isang pang abay
ang mga salitang ito.

Halimbawa:
Maayos na pumila
Tuwing linggo
Iilan marahil
PANG-UGNAY
• Ito ay mga salitang nagpapakita ng ugnayan ng
dalawang yunit sa pangungusap na maaring salita,
parirala o sugnay.

TATLONG URI NG PANG-UGNAY

1. Pangatnig - kataga o salitang nag-uugnay sa


dalawang salita,parirala o sugnay.

Halimbawa:
at,sapagkat,dahil,o,upang,pati.
2. Pang-angkop - nag-uugnay sa panuring
at salitang tinuturing.

Halimbawa: magadang babae, bahay na


bato

3. Pang-ukol - katagang nag-uugnay sa


pangngalan sa ibang salita sa pangungusap.

Halimbawa: para,kina,sina,hinggil kay.


PAGBUO NG MGA SALITA

Kabilang din sa paggamit ng salita ang


kaalaman sa pagbuo ng salitang gagamitin
sa loob ng pahayag.

Ang pagbuo ng mga salita ay kakayahan


at kahusayan ng isang taong “makalika” ng
angkop na salitang aayon sa kahulugan at/o
layunin ng pagpapahayag.
PARAAN SA PAGBUO NG
SALITA
Paglalapi - may pitong uri ng paglalapi na
nakatala sa ibaba. Tunghayan ang mga
sumusunod:
1. Pag-unlapi – paglalapi sa unahan ng
salitang ugat.
Halimbawa:
mag-ina umasim
taga-Bicol pagkain
PARAAN SA PAGBUO NG
SALITA
2. Paggitlapi – paglapi sa gitna ng salitang ugat
Halimbawa:
gumawa binili
kinilala sumaya

3. Paghulapi – paglalapi sa hulihan ng salitang


ugat
Halimbawa:
dilaan tindahan
tuhugin basahin
PARAAN SA PAGBUO NG
SALITA
4. Kabilaan – paglalapi sa unahan at hulihan ng
salitang ugat
Halimbawa:
naglalambingan kabutihan
pakiabangan

5. Laguhan – paglalapi sa unahan, gitna at


hulihan ng salitang ugat
Halimbawa:
pinagsumikapan nagsinampalukan
PARAAN SA PAGBUO NG
SALITA
6. Unggitlapian – paglalapi sa unahan at gitna ng
salitang ugat
Halimbawa:
magsumikap ipinikit
nagdumali

7. Githulapian – paglalapi sa gitna at hulihan ng


salitang ugat
Halimbawa:
tinambakan kinalimutan
PAG-UULIT NG SALITA

May dalawang paraan ang pag uulit ng


salita:
a) Parsyal na pag-uulit o di-ganap na
pag-uulit
• Inuulit ang una o unang dalawang
pantig ng salitang ugat.
• Kapag dalawang pantig na ang inuulit o
higit pa ay pinag-uugnay ito ng gitling.
PAG-UULIT NG SALITA

Halimbawa:

aalis kabi-kabilaa kapaki-pakinabang

iiwan maglilibot kasa-kasama

maglilibot kappa-kapatid pali-palimos


PAG-UULIT NG SALITA

b) Ganap na pag-uulit
Inuulit ang buong salitang-ugat at maaaring
maglapi o hindi.

Halimbawa:
sabi-sabi hati-hatiin tumabi-tabi
pila-pila toka-tokahan kalamay- kalamayin
maglutu-lutuan sinali-salihan
PAGTATAMBAL NG DALAWANG
SALITA
May dalawang uri ang pagtatambal
ng salita:
a) Malatambalan o ‘di-ganap na pagtatambal
• Uri ng pagtatambal ng dalawang salitang may
magkaibang kahulugan na sa pagtatambal ay
napapanatili ang kahulugan ng mga salita.
Halimbawa: kapit-tuko, taong-gubat, bahay-bata,
bahay-kubo

b) Tambalang-ganap
• Uri ng pagtatambal ng dalawang salitang may
magkaibang kahulugan na sa pagtatambal ay
nagkakaroon ng panibagong kahulugan ang salita.
Halimbawa: Dalagambukid = uri ng isda,
Bahaghari = rainbow
PAGLIKHA NG MGA SALITA
a) Paggamit ng tambilang upang maging
kinatawan ng nais sabihin

Halimbawa: 5254= Mahal na Mahal kita


123= hindi pagbabayad ng
pamasahe

b) Pagbuo ng balbal na salita


Halimbawa: Papampam= papansin
Borlogs= Tulog
PAGLIKHA NG MGA SALITA
c) Paghahalo ng iba’t-ibang wika sa iisang pahayag o
pangungusap
Halimbawa
Nagkaon ka na ba ng tanghalian mo? (Waray+Tagalog)
Bentelog (Kastila+ pinaikling salitang Filipino sa itlog)

d) Paggamit ng ‘di-tuwirang pahayag sa pagbibigay-


puna o pansin
Halimbawa:
Malusog= Mataba
Magana= Matakaw
UGNAYAN NG MGA SALITA
Ang kasanayang ito ay nakapokus sa kakayahan
ng manunulat na iugnay ang salita sa kahulugang
nais ilahad. Iniaangkop ang salita sa larangan o
disiplinang pinanggagamitan nito. Ang kakayahang
ito ay nakatuon sa jargon or rejister ng wika.
Halimbawa:
Ginto= Pagwawagi ng unang gantimpala
(Patimpalak) o Mataas na halaga (Pamilihan)
Mouse= Daga, peste sa bahay (Panghahayupan) o
kagamitang-pangkompyuter.
PAGLIKHA NG MGA SALITA
e) Paggamit ng pangalan ng isang tao, ahensya,
institusyon, lugar o bagay upang maging katawagan o
pang uri
Halimbawa:
PUPians- taong taga UP, maaaring mag aaral o empleyado
Sharonian- mga taong umiidolo kay sharon

f) Paggamit ng daglat o akronim upang katawanin ang


nais ipahayag
Halimbawa:
Dok- doktor
BB- bye-bye
PANGHIHIRAM NG MGA SALITA
MGA TUNUNING DAPAT SUNDIN
SA PANGHIHIRAM NG SALITA:

Gamitin ang kasalukuyang salin ng Filipino bilang
panumbas sa mga salitang banyaga.

Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang
katutubong wika ng bansa.

Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita
mula sa kastila, ingles at iba pang wikang banyaga,
at saka baybayin sa Filipino.

MGA TUNUNING DAPAT SUNDIN
SA PANGHIHIRAM NG SALITA:

Gamitin ang mga orihinal na baybay ng:
 Mga salitang pantangi kung may titik ng C, Q, X, F, etc.
 Mga salitang teknikal or siyentipiko
 Mga salitang may natatanging kahulugang kultural
 Mga salitang may iregular na ispelling o gumamit ng
dalwang titik higit pa na hindi binibigkas ni walang
katumbas tunog.
 Mga salitang may unternasyonal na anyong kinikilala at
ginagamit.
PAGGAMIT NG MGA
PATALINGHAGANG SALITA / PAHAYAG

Ang pag gamit ng matalinghagang salita ay
nagpapalawak ng bokabularyo.

Ang mga uri nito ay tayutay, sawikain, idyoma,
kawikaan, kasabihan at salawikain.

Nagtataglay kakaibang kahulugan.

Layuning makaantig ng damdamin at makapagoagalaw
ng mga imahinasyon.

Lalong napatitingkad ang akdang pampanitikan

Mabisang naihuhugis ang mga paglalarawan,
pagpaparamdam at nagpapakilos sa mga tauhan ng akda
sa pamamagitan ng mga matatalinghagang pahayag.

You might also like