You are on page 1of 29

MGA LAYUNIN

Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay
sa napakinggang akda F9PN-Ia-b-39

Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda


F9PB-Ia-b-39
Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo o
konotatibong kahulugan
F9PT-Ia-b-39

Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - Paksa - Mga tauhan - Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari - estilo sa pagsulat ng awtor - iba pa F9PS-Ia-b-41
Panimulang gawain
Kumusta ka!?
Bago tayo magsimula ay nais ko munang magkumustahan
tayo. Nagagalak ako para sa pagkakataong ito na nariyan ka at
ninanais mong matuto at madagdagan ang iyong kaalaman.
Lubos ang aking kasiyahan na binubuksan mo ang modyul na
ito at inihahanda mo ang sarili sa mga bagay na
magpapaunlad sa iyo.
Panimulang gawain
Handa ka na ba?!
Sa pagkakataong ito ay maglalakbay ka sa mundo na
kung saan ay mahuhubog ang iyong kakayahang mag-
isip, umunawa, magtanong, magsalita at magsulat. Sana
ay tapusin mo ang araling ito hanggang sa katapusan.
Alam kong kaya mo to kid! Huwag kang mag-alala
gagabayan kita sa abot ng aking makakaya.
Panimulang gawain

Bago tayo magsimula sa ating paglalakbay ay nais ko


munang subukin mo ang iyong sarili. Sa pagkakataong
ito ay hinihiling ko na maghanda ka ng sagutang papel
at panulat. Alamin muna natin ang mga bagay-bagay na
iyo nang natutunan at nais mo pang matutunan sa
pamamagitan ng mga sumusunod na talababa.
Maikling kuwento
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga pahayag. Sagutan lamang ang mga pahayag na nasa una at
ikalawang kahon. Ang nasa ikatlong kahon naman ay sasagutan matapos mong pag-aralan ang kabuuan ng
modyul na ito.

Aalam ko na Nais ko pang tuklasin Aking nalaman


Matapos mong sagutin ang talababa ay
uumpisahan na nating lakbayin ang mga
aralin sa modyul na ito. Nais kong isa isip ang
mga mahahalagang katanungan sa pag-aaral
ng modyul na ito.
Tatalakayin natin sa aralin na ito ang
MAIKLING KUWENTO at ang mga BAHAGI NITO.

1. Ano ang katuturan o kahulugan ng maikling Kuwento?


2. Ano-anu ang mga bahagi ng maikling Kuwento?
3. Nasasagot ang ilan sa mga katanungan na may
kinalaman sa maikling kuwento
4. Makabasa at makaunawa ng nilalaman ng isang
maikling kuwento.
5. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa
denotatibo at konotatibong pamamaraan
Maikling kuwento

Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning


magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-
iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Ngayong may ideya ka na hinggil sa katuturan ng maikling kuwento at
mga elemento nito ay handa mo nang payabungin ang iyong
kasanayan sa pag-unawa ng isang akda. Babasahin at tutunghayan
natin ang isang maikling kuwento na hango sa isa sa mga bansa sa
Asya. Ang kuwentong pinamagatang “Ang Ama”. Bago natin
tunghayan ang akda ay atin munang bigyan ng kahulugan ang mga
sumusunod na salita o pahayag upang mas lalo mong maunawaan ang
akdang ating babasahin.

You might also like