You are on page 1of 18

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:

Nabibigyang
kahulugan ang
akademikong
pagsulat- CS_FA11/12PB-Oa-c-101
ANG
AKADEMIKONG
PAGSULAT
Sept. 16, 2021

Guro: CSC
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
tumutugon sa mga dahilan kung bakit
nagsusulat ang tao?
a. libangan
b. pagsasatitik ng nararamdaman
c. pagtugon sa pangangailangan sa trabaho
d. pagtalima sa kagustuhan ng magulang
Anuman ang dahilan ng
pagsusulat, ito ay nagdudulot ng
malaking tulong sa nagsusulat, sa
mga taong nakababasa nito, at
maging sa lipunan
2. Anong makrong kasanayang
pangwika ang lumilinang na
maisatitik ang nilalaman ng isip,
damdamin, paniniwala o layunin
ng tao?
PAGSULAT
3. Ang akademikong pagsulat ay itinuturing
na pinakamataas na antas ng ___________
na pagsulat.
a.mapanuri
b.malikhain
c.intelektwal
ekspresibo
d.
Ayon nga kay Mabilin(2012) Ang
akademikong pagsulat ay uri ng
pagsulat na higit na mahalaga kaysa
iba pang uri ng pagsulat. Itinuturing
itong pinakamataas na antas ng
intelektwal na pagsulat.
Ang salitang Akademiko o academic ay mula sa mga
wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval
Latin: Academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16
na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa
edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng
pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at
pag-aaral kaiba sa praktikal o teknikal na Gawain.
Halos nakatuon ito sa mataas na edukasyon sa
kolehiyo.
MGA URI NG
PAGSULAT
1. MALIKHAING PAGSULAT
-karaniwan itong bunga ng malikot na
isipan ng sumusulat na maaaring batay
sa tunay na pangyayari o kaya naman
ay bunga ng imahinasyon o kathang-
isip lamang.
2. TEKNIKAL NA PAGSULAT
-ito ay ginagawa sa layuning pag-
aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang pag-aaral
na kailangan para lutasin ang isang
problema o suliranin.
3. PROPESYONAL NA PAGSULAT
-ito ay mga sulating may kinalaman sa
isang tiyak na larangang natutuhan sa
akademya o paaralan. Binibigyang
pansin nito ang paggawa ng mga sulatin
o pag-aaral tungkol sa napiling
propesyon o bokasyon ng isang tao.
4. DYORNALISTIK NA
PAGSULAT
-ito ay may kinalaman sa mga
sulating may kaugnayan sa
pamamahayag.
5. REPERENSYAL NA PAGSULAT
-layunin ng sulating ito na bigyang-
pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng konseptong papel, tesis,
at disertasyon.
6. AKADEMIKONG PAGSULAT
-ang gawaing ito ay nakatutulong
sa pagpapataas ng kaalaman ng
isang indibidwal sa iba’t ibang
larangan.
Ayon kay Edwin Mabilin et al. (2012) ang
lahat ng uri ng pagsulat ay produkto lamang
ng akademikong pagsulat. Lubos na
pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang
larangan bunga ng masusing pag-aaral sa
pamamagitan ng pagsisiyasat at
pananaliksik.
Tanong:
Bakit mahalagang
matutuhan ang
akademikong pagsulat?
Salamat sa pakikinig!!

You might also like