You are on page 1of 40

ANG WIKA

Edward Sapir

Ang wika ay isang likas at makataong


pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan,damdamin at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kusang loob na
kaparaanan na lumikha ng tunog
Henry Gelason

Masisitemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinasaayos
sa pamamaraang arbitaryo
KATANGIAN NG WIKA

• Ang wika ay mga tunog na pinipili at isinasaayos sa


pamamaraang pinagkasunduan ng mga taong gumagamit
nito. 
• Ang wika ay paraan ng pakikipagtalastasan.
• Ang wika ay isinatinig na mga tunog. 
• Ang wika ay pantao.
• Ang wika ay kaugnay ng kultura. 
• Ang wika ay may kani-kaniyang katangian at kalikasan
MGA TEORYA NG PINAGMULAN
NG WIKA
  Teorya - ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng
mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang
napapatunayan.
Tore ng Babel - Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wikanoong unang
panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad
ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at
nagambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na
higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang
sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
Bow-wow - Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula
sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.

Ding-dong - Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw


ngwikaangtao,ayonsa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid
 
Pooh-pooh - Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito,
nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing
damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at
iba pa
 
Yo-he-ho - Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel,
2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang
pwersang pisikal
Yum-yum - Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa
pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng
aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa
posisyon ng dila
 
Ta-ta - Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging
sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita.
 
Sing-song - Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula
sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-
emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga
unangsalita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na
pinaniniwalaan ng marami.
TA-RA-RA-BOOM-DE-AY - sa mga tunog na galing sa
mga ritwal ng mga sinaunang tao ang naging daan
upang matutong magsalita ang tao.
 
Hocus-Pocus -Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang
pinanggalingan ng wika ay tulad ng mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating ninuno.
 
Eureka - sadyang inimbento ang wika ng ating mga
ninuno.
 
BARAYTI AT
BARYASYON NG
WIKA
Ang barayti ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng pagkakaiba-iba
sa loob ng isang
wika.
1.Dayalek/ Dayalekto - pagkakaiba - iba
o baryasyon sa loob ng isang partikular
na wika.

Halimbawa:
Tagalog
Bisaya
Kapampangan
2. Idyolek - nakagawiang pamamaraan
sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng
isang pangkat ng mga tao.
3. Sosyolek - baryasyon ng wika batay sa
katayuan sa lipunan ng nagsasalita o
sa pangkat na kanyang kinabibilangan.
Ibat-ibang Sosyolek:
a. Gay lingo
b. Coño
c. Jejemon o Jeje speak
d. Jargon
a. Gay Lingo
Karaniwan Gay Lingo
sosyal churchill
hindi sumipot Indiana Jones
malaki bigalou
pahingi givenchy
b. Coño
Kaibigan 1: Let's make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I'm calling Cindy pa.

Kaibigan 1: Come on na. We'll gonna make pila


pa.
Kaibigan 2: I know right. Sige, go ahead na.
c. Jejespeak

Karaniwan Jejespeak/Jejemon
Ako ito aQcKuHh it2
I miss you iMiszqcKyuHh

Kumusta? MuZtah???
d. Jargon

Abogado - objection, appeal, complainant

Teacher - lesson plan, Form 137, Form 138


4. Register - isang baryasyon sa wika na
may kaugnayan sa taong nagsasalita o
gumagamit ng wika. Mas madalas
nakikita/nagagamit sa isang partikular na
disiplina.
● Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of
discourse)

● Paksa ng pinag-uusapan (field of


discourse)
● Paraan o paano nag-uusap (mode of
discourse)
5. Ekolek- barayti ng wika na karaniwang
nabubuo at sinasalita sa loob ng
bahay.

Halimbawa:
palikuran— banyo o kubeta
silid tulugan— kuwarto
pamingganan— lalagyan ng plato
6. Pidgin - ito ay umusbong na
bagong wika na tinatawag na
“nobody’s native
language “o katutubong wikang di
pagaari ninuman.
Halimbawa:
• Ako kita ganda babae.
• Kayo bili alak akin.
• Ako tinda damit maganda.
• Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt.
• Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas
grado.
7. Creole- unang naging pidgin at
kalaunan ay naging likas na wika
(nativized)
ng mga batang isinilang sa komunidad ng
pidgin
Halimbawa:

Buneas Dias - Magandang Umaga


Buenas Tardes- Magandang Hapon
Buenas Noches- Magandang gabi
REGISTER NG WIKA SA CRIMINOLOGY
Alibi
—Depensa sa kasong criminal na nagsasabing ang
suspek ay nasa ibang lugar nang maganap ang
krimen.
Alkoholismo
—Pagiging lango sa inuming nakakalasing
Bilangguan
—Piitan
Criminology
—Kalipunan ng mga kaalaman na may kinalaman sa
mga krimen at criminal bilang isang penomenong
Dactyloscopy
—Sangay ng siyensiya na may kinalaman sa pag-
aaral ng bakas na iniwan ng mga daliri ng tao
Forensic ballistics
—Sangay ng ballistics na nag-aaral sa paggamit ng
bakas ng baril at bala sa mga usaping legal
Groove
—Kanal sa loob ng barrel ng baril
Hukom
—Ang taong naatasang manghusga sa isang kaso
matapos ang isang paglilitis.
Huwad
—Kasingkahulugan ng “peke” na kadalasang
nababanggit sa mga dokumento
Kahalayan
—Maaaring panghihipo sa maseselan o pribadong
bahagi ng katawan ng tao
Katibayan
—Ang mga bagay, dokumento, o pahayag ng mga taong
magpapatunay tungkol sa isang bintang
Kakomplot
—Taong kasama o katuwang ng isang criminal sa
pagsasagawa ng ilegal na gawain.
Maysala
—Taong napatunayang nagkasala sa krimeng
ibinintang sa kanya
Masaker
—Ang maramihang pagpaslang na naganap sa
isang tiyak na lugar katulad ng bahay o bakuran
Pambibitag
—Nagpapanggap ang pulis bilang isang kliyente
upang mahuli sa akto ang criminal na isinasagawa
ang illegal
Pagdukot
—Sapilitang pagtangay sa isang tao na may
hangaring gawan ng masama o ipatubos sa
kapamilya
Pagpatay
—Pagpaslang o pagkitil sa buhay ng isang tao na
patraydor
Pananamsam
—Pagkumpiska ng mga kagamitan bilang
ebidensya sa isang krimen
Panggagantso
—Di-pagbabayad ng utang ayon sa
Panghuhuwad
—Kasingkahulugan ng “pamemeke”
Paniniktik
—Pagsubaybay sa kilos ng tao
Paninirang-puri
—Pagsasabi tungkol sa isang tao na may hangaring
sirain ang reputasyon nito
Panghahalay
—Sapilitang pakikipagtalik sa isang biktima gamit
ang ari o anumang bagay; pakikipagtalik sa
biktimang tulog o wala sa katinuan
Rebolber
—Baril na de-bola
Sabi-sabi
—Impormasyon na hindi nasaksihan ng isang testigo
Talaulatan ng pulis
—Talaan ng mga pangyayari sa buong magdamag
Tanurang pampulisya
—Lugar na pinaghihimpilan ng mga pulis
Thank you and
God bless!

You might also like