You are on page 1of 71

Disaster

ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop


Management
sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa,
pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.

Kabilang din dito ang iba’t ibang

organisasyon na dapat magtulungan

at magkaisa upang maiwasan, maging

handa, makatugon, at makabangon


1. Hazard
-ito ay tumutukoy sa mga banta na
maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
Kung hindi maiiwasan, maaari itong
magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at
kalikasan
1.1 Anthropogenic
Hazard o
Human-Induced Hazard
– ito ay tumutukoy sa mga hazard
na bunga ng mga gawain ng tao.
Ang maitim na usok
na ibinubuga ng mga pabrika
at mga sasakyan

1.2. Natural Hazard – ito naman ay


tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
2. Disaster/Kalamidad

– ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na


nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
Maaaring ang disaster ay natural gaya ng
bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa
ng tao tulad ng digmaan at polusyon
Ilang halimbawa sa mga ito ay…

☹ Lindol
ay isang biglaan at mabilis na pagyanig
o pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at
pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa
kapag pinakakawalan nito ang puwersang
naipon sa mahabang panahon.
• Ito ay paggalaw ng lupa
dulot ng pagkikiskisan ng
TECTONIC PLATE.
• Karaniwang nagiging
EPICENTER ng lindol ang
mga FAULT LINES, kung
saan nagsasalubong ang
dalawang magkasalunggat
na tectonic plates.
☹ Bagyo
ay ang namumuong sama ng panahon,
may isang pabilog o spiral na sistema ng
marahas at malakas na hangin at may dalang
mabigat na ulan, karaniwang daan-daang
kilometro o milya sa diyametro ang laki.
Kadalasang nabubuo ang BAGYO sa gitna ng karagatan kung
saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin. Ang mainit na
hangin ay pumapailanlang dahil sa init ng dagat at habang ito ay
umaakyat, nagkakaroon ng Low Pressure Area (LPA) sa paligid.
Dahil sa low pressure na nabuo sa paligid, naaakit nito ang iba pang
malamig sa hangin sa ibang lugar hanggang sa ang malamig na
hangin ay iinit din at bubuo ng mga ulap.
• Ang TYPHOON o BAGYO ay isang ganap na
TROPICAL CYCLONE na nabubuo sa Karagatang
Pasipiko

• 20 hanggang 26 ng bagyo ang pumasok na


PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY taon –
taon.

• PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL


and ASTRONOMICAL SERVICES
ADMINISTRATION (PAGASA) – naatasang
magbantay at mag-aral tungkol sa mga bagyo.
☹ Storm Surge
o dalúyong-bagyo ay ang hindi
pangkaraniwang pagtaas ng
tubig sa dalampasigan habang
papalapit ang bagyo sa
baybayin. Nakaaapekto sa tindi
ng dalúyong-bagyo ang lalim
at oryentasyon ng katubigan na
dinaraanan ng bagyo at ang
tiyempo ng kati (mababa ang
tubig sa dagat).
☹ Tsunami
Isang uri ng sakuna na
nangyayari sa katubigan.

Ang madalas na sanhi


nito ay mga lindol, lalo na
ang lindol na nangyayari
sa ilalim ng tubig
☹ Pagsabog ng Bulkan
Ito ay likas na
pangyayari na
maaring maging
sakuna kung ito
magkakaroon ng
malawak at negatibong
epekto sa mga tao.
• Nakakaranas ng mas malakas na lindol sa mga
epicenter kaya itinuturing geohazard ang mga lugar
na malapit sa fault lines.
• Ang pagsabog ng bulkan ay isa ring sanhi ng
paglindol.
• PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY
AND SEISMOLOGY o PHILVOLCS – ang
nagmomonitor sa mga lindol at pagsabog ng bulkan
sa bansa.
• Mayroong sampung (10) sukat ang lakas ng lindol
kung saan INTENSITY 1 ang pinakamahina at
INTENSITY 10 ang pinakamalakas
3 pangunahing salik upang
sumabog ang bulkan
• BOUYANCY NG MAGMA o pagiging magaan
nito ayon sa kanyang volume kaya ito umaakyat
palabas sa bulkan.

• ANG TINDI NG PRESYON MULA SA MGA


VOLCANIC GASES.

• PAGKAKAIPON NG LAHAT NG ITO SA LOOB


NG MAGMA CHAMBER.
• Ang pinakamalubhang
pagsabog ng bulkan sa
kasaysayan ay ang
pagsabog ng Bulkang
Pinatubo sa Zambales
noong 1991 at naging
malawak ang pinsalang
idinulot nito.

• Umabot sa Brunei,
Cambodia, Malaysia,
Singapore at Vietnam ang
abong ibnuga nito.
• Ilang araw matapos ang
pagsabog ng Pinatubo ay
tumama naman ang isang
malakas na bagyo. Maraming
bayan sa Pampanga ang
natabunan ng abo dahil sa pag
agos ng lahar.

• LAHAR ay pinaghalong abo


mulasa pagsabog ng bulkan,
bato at putik na rumaragasa
dala ng ulan o bagyo.
Man-made
Disaster

☹ Pagbaha
ay ang umaapaw at
tumataas na lebel ng
tubig na dulot ng
malakas at walang tigil
na pag-ulan sa
komunidad.
☹ Sunog
• Isa sa pinakamadalas na
sakunang nagaganap sa
Pilipinas dulot ng iba’t-ibang
salik.

• Ito ay nagiging sakuna


lamang kung ito ay
makakaapekto sa maraming
tao o malawak na
kapaligiran.
5 madalas pagmulan ng
sunog
• Pangunahing sanhi
ng sunog ay
OVERLOADING
sa saksakan ng
outlet, at short
circuit.
ELECTRICAL
• Nakaligtaang
sinaing o lutuin.

• Pagtagas ng gas
mula sa LPG
• Hindi dapat itatabi ang
kandila sa mga bagay
na madaling magliyab
at dapat laging may
bantay.

• Itinatapon ang
sigarilyong may sindi
3. Vulnerability
– tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at
imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable
ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang
heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas
vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na
materyales.
4. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang
pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na
bahagi ng pamayanan ang kadalasang may
mataas na risk dahil wala silang kapasidad na
harapin ang panganib na dulot ng hazard o
kalamidad.
5. Resilience–ang pagiging resilient
ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng
pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng
kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring
istruktural, at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging
ligtas sa panahon ng kalamidad.
5.1 MITIGATION
• ay ang mga kilos o
hakbang na
naglalayong bawasan
ang mga elementong
nakapagpapalala sa
negatibong epekto ng
sakuna.
5.2 ADAPTATION
• ay mga kilos o hakbang na
ginagawa upang
maaangkop ang mga tao
sa mga negatibong epekto
ng sakuna.
Gawain: Situational Analysis
Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga sakuna,
subalit maaring paghandaan ang mga epekto.
Ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan para sa
sakuna ay
“ DISASTER RISK REDUCTION
MANAGEMENT “
O
DRRM
Ang DRRM ay isinasagawa sa lokal, pambansa,
rehiyunal at pandaigdigang saklaw.
Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act of 2010
(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at
hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang
haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t
ibang kalamidad; at

(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng


pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at
hazard.
National Disaster Risk Reduction
Management Framework
(NDRRMF)
- Naatasang ang ahensyang ito na mamahala sa
mga hakbangin upang tumugon sa mga sakuna
lalong-lalo na sa pagtatapos nito.

Gampanin
a. Magkaroon pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa
panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang
pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan
lahat ay may tungkulin
b. Isinusulong ang kaisipan na ang
paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating
pamahalaan, pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng
lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, NGOs,
at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang
partikular na komunidad sa paggawa ng
Disaster Management Plan.

c. Isinusulong ang Community-Based Disaster


Management Approach sa pagbuo ng mga plano at
polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran.
Community-Based Disaster and Ris
Management Approach (CBDRM)
👍 ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang
may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang
maranasan.

👍Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at


maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian

-Abarquez at Zubair (2004)


� ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at
kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao.
Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin
at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at
kalamidad sa kanilang pamayanan.
-Shah at Kenji (2004)

👍 Magiging matagumpay ang CBDRM Approach kung


magtutulungan ang pamahalaan, iba’t ibang sektor ng
lipunan tulad ng mga mamamayan, NGO, at business
sectors
“napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan sa
komunidad”
Kahalagahan ng CBDRM Approach

👍Ang pinakasentro ng CBDRM Approach


ay ang aktibong partipasyon ng mga mamamayan
upang magamit ang kanilang kaalaman sa pagbuo
ng DRRM plan.
👍 Makatutulong ang CBDRM Approach sa
paglutas ng mga suliranin at hamong
pangkapaligiran dahil hinihikayat nito ang
partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan
tulad ng pamahalaan, mamamayan, business
sectors, at NGO.
👍Magkaugnay ang National Disaster Risk
Reduction and Management Framework at ang
Community-Based Disaster Risk Management
Approach dahil kabilang sa framework nito ang
paghihikayat sa aktibong partisipasyon ng mga
mamayan at paggamit ng lokal na kaalaman sa
pagbuo ng DRRM Plan.

👍 Pinakamahalagang layunin ng ay ang pagbuo


ng disaster-resilient na mga pamayanan.
Dalawang Approach
sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
1. Bottom-up Approach
-kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba
pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy,
pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan .

-ang konsepto nito ay ginagamit sa CBDRM.


-binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may
kaugnayan sa mga hazard, kalamidad, at
pangagangilangan ng pamayanan.
Katangian ng Bottom-Approach
a. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at
panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad
b. Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na
pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling
pangunahing kailangan para sa grassroots development
ang pamumuno ng lokal na pamayanan.
c. Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa
komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo
ng desisyon para matagumpay na bottom-up strategy.
d. Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal
ay kailangan
e. Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay
na bottom-up approach ay ang pagkilala sa mga
pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito
f. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng
mga mamamayang naninirahan sa pamayanan.
g. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay
maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at
vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar.
1. Top-down Approach
-ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng
gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas
nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.

-maisaalang-alang ang pananaw ng mga


namumuno sa pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa
kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad ng
disaster risk management.
NDRRMC

• National Disaster Risk


Reduction and
Management Council
National Disaster Risk Reduction
Management Council (NDDRMC)
-Layunin ng programang ito na maturuan ang
mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community
Based Disaster Risk Management Plan. Mahalaga
ang proyektong ito sapagkat binibigyan nito ng
sapat nakaalaman at hinahasa ang kakayahan ng
mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang
CBDRM Plan sa mga plano at programa ng lokal
na pamahalaan.
NDRRMC
Ito ang sangay ng pamahalaan
sa ilalim ng Kagawaran ng
Tanggulang Pambansa ng
Pilipinas na responsible sa
pagtitityak ng proteksyon at
kapakanan ng mamamayan sa
panahon ng sakuna,
kalamidad, at krisis.
PAGASA
Philippine Atmospheric
Geophysical
Astronomical Services
Administration
• Ahensiya sa ilalim ngPAGASA
Kagawaran ng Agham at
Teknolohiya at nagbibigay ito ng real-time
sabay sa kasalukuyang update ng mga babala
ukol sa panahon at bagyo.

• Naglalabas ng Public Storm Warning Signals


para bigyan ang publiko ng babala sa
pagdating ng masamang panahon, lalo na
tungkol sa lakas o signal ng bagyo.
Philippine Institute
of Volcanology and
Seismology
PHIVOLCS
PHIVOLCS

Isa ring institusyong panserbisyo sa


ilalim ng DOST na inatasan ang
ahensiya na paliitin ang epekto ng
sakunang dulot ng pagputok ng
bulkan, lindol, at tsunami, at iba pang
heotektong phenomenon.
DOTC
Department of
Transportation
and
Communications
DOTC

Ahensiya ng pambansang
pamahalaan na naatasan
sa pampublikong
transportasyon sa buong
bansa.
CAAP
Civil Aviation Authority
of the Philippines
CAAP

• Ahensiyang nasa ilalim ng DOTC


na inatasang magpatupad ng mga
patakaran ukol sa civil aviation o
pagpapalipad ng mga sibilyan ng
sasakyang panghimpapawid.
Philippine Coast Guard
Tanod Baybayin ng
Pilipinas
Philippine Coast Guard

• Isang ahensiya sa ilalim ng DOTC


na nagpapatupad ng kaligtasang
pandagat, seguridad, at mga search
and rescue operation na lubhang
napakahalaga lalo na sa panahon
ng mga sakuna at mga kalamidad.
National Grid
Corporation of the
Philippines
NGCP
NGCP
Ang entidad na tumitiyak sa
pagbabahagi ng ligtas at
maaasahang elektrisidad sa
kapuluan ng Pilipinas.
DSWD
Department of Social
Welfare and Development
DSWD

Ito ay ang ahensiyang


responsible sa paghahatid ng
serbisyong panlipunan sa
mga mamamayang Pilipino.
Department of Education
DepEd
DepEd

• Nagbibigay ng update ukol sa mga


anunsiyong mula sa mga lokal na
pamahalaan tungkol sa
pagsususpinde sa ng klase sa iba't
ibang lugar sa bansa lalo na sa
panahon ng trahedya o panganib.

You might also like