You are on page 1of 13

KABANATA -XXXVI

“ANG
UNANG
SULIRANIN”
MGA TAUHAN SA NASABING KABANATA-

PADRE DAMASO-
KAPITAN HENERAL-
KAPITAN TIAGO-
MARIA CLARA-
PADRE SIBYLA-
ANDENG-
TIYA ISABEL-
TALASALITAAN-
EKSKOMUNYON- PAGKAKATIWALAG SA SIMBAHAN
DALISAY- PURO,TAPAT,MALINIS
IKONDENA- USIGIN
ISAKRIPISYO- IPAGPAKASAKIT
MAG ABULOY- MAGBIGAY
MAGDALANTAO- MAGBUNTIS
MAPATAHAN- MAPATIGIL
TAGPUAN

SA BAHAY NI KAPITAN TIAGO


“ANG KWENTO”
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi
inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis
at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga,
pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang
hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento.


Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila
sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si
Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay
nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan.
Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito
na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng
magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si
Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na P50,000 sa
binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyan buhay at
kaluluwa.

Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita
lamang niyang umiyak nang ito’y naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak
si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang
inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap
ni Kapitanlalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang
mga taynga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang
pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.
Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya
Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang
kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at
walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarrang
pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at
baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa
bahay.

Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong


kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si
Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen.
Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at
sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man
sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan.
“ANG BUOD”
Sa kabanatang ito ay ipinakita ang tapang ni Ibarra na siyang unti-unting
gumising sa diwa ng kanyang mga kasamahan sa liberal. Mabilis na kumalat ang
nangyaring kaguluhan sa bayan. Nahati ang saloobin at paniniwala ng mga taong
bayan. Mula sa panig ng mga nakababata ay labis ang paghanga nila sa
katapangan na ginawa ni Ibarra. Masaya sila at nakaganti na rin sila sa pagsampal
ng pari sa isang binatang Manilenyo.
Samantala, ang mga nakatatandang babae ay nagkaroon ng agam-agam at
takot. Baka daw magaya sa pag-uugali ni Ibarra ang kanilang mga anak kapag
ipinadala rin nila ang mga ito sa Europa. Ang mga iba naman kagaya ni Kapitana
Maria ay buong tapang na ipinagtatanggol si Ibarra.

Ang pangyayaring ito ang nagbigay ng hudyat sa grupo ni Don Filipo (samahan
ng liberal) upang sila ay magkaisa at manindigan. Hinikayat niya ang kanyang
mga kasapi upang magkaisa kagaya ng ginagawa ng mga saserdote.
ARAL NG KABANATANG ITO-

“Ang edad ay hindi dapat gawing basihan sa pagkilala


kung sino ang tama o mali. Kahit bata ka lang mayroon
kang karapatang manindigan at ipaglaban ang tama.”
PAG UUGNAY SA KASALUKUYAN

*MAGING MAPAGKUMBABA
*HUWAG GAWING LAKAS ANG AGWAT NG EDAD
*MATUTONG RUMESPETO NG KAPWA LALO NA SA MGA NAKAKATANDA KAHIT SA NAKAKABATA
*MATUTONG TANGGAPIN ANG KAMALIAN AT TANGGAPIN ANG KATOTOHANAN

You might also like