You are on page 1of 15

Yunit 1:

Ang Gramatika at Masining na


Pagpapahayag
Mahalaga ang gramatika sa pagkakaroon
ng mainam at maayos sa pahayag.
Pinag-aaralan sa gramatika ang estruktura
ng pangungusap, gayundin ang tuntunin
sa maayos at tamang paggamit ng mga
salita kasama ang wastong bigkas, wastong
pagbubuo, wastong gamit at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito upang
makabuo ng isang makabuluhan
pangungusap.
Ang Pagbuo ng Makabuluhan at Mabisang Pangungusap
Upang maging epektibo ang pangungusap
mas
mainam na taglayin nito ang sumusunod
na mga alintuntunin tulad ng:
1. Dapat ihayag sa iisang kaanyuan ng salita ang
mga sangkap na magkakatulad ang tungkulin.

Mali: Nagluluto ang pagod at nagutom na


misis.
Tama: Nagluluto ang pagod at gutom na
misis.
Nagluluto ang napagod at nagutom na misis.
2. Dapat magkatugma ang pangngalang
itinutulad at ang bagay na pinagtutularan
gayundin ang paggamit ng wasto at angkop
na panghalip panao.

Mali: Matalim ang kutsilyo nila na tulad natin.


Tama: Matalim ang kanilang kutsilyo tulad ng
kutsilyo natin.
3. Gamitin ang tamang pang-ugnay sa
pagsasama-sama o paghihiwalay ng mga
ideya sa loob ng pangungusap.

Mali: Nagkamit ng gantimpala ang matalinong


malakas na atleta.
Tama: Nagkamit ng gamtimpala ang matalino
at malakas na atleta.
4. Tiyaking nagkakaisa ang aspeto ng
pandiwang gagamitin.

Mali: Nagsisiuwi sa kani-kanilang bahay ang


mga batang nagsipaglaro.
Tama: Nagsiuwi sa kani-kanilang bahay ang
mga batang nagsipaglaro.
5. Dapat sumunod ang pang-uri sa
pangngalang tinuturingang.

Mali: Nagdurugo ang bunganga ng sanggol.


Tama: Nagdurugo ang bibig ng sanggol.
6. Dapat ilagay ang pang-uri sa pangngalang
tinuturingan.

Mali: Si Emilio Jacinto ay makabansa at tunay


na makatao.
Tama: Si Emelio Jacinto ay tunay na
makabansa at makatao.
7. Dapat magbigay turing ang pang-uri sa
bahagi at hindi sa kabuuan.

Mali: Mahaba siya at maitim ang buhok.


Tama: Mahaba at maitim na maitim ang
kanyang buhok.
8. Hindi dapat ilagay ang sugnay na pang-abay sa
pagitan ng tambalang panaguri.

Mali: Ang mga katutubo sa Kalinga ay nagtutulungan


kung may kalamidad at nagdadamayan.
Tama: Ang mga katutubo sa Kalinga ay
nagtutulungan at nagdadamayan kung may
kalamidad.
9. Dapat magbigay-turing ang pang-abay sa
panaguri at hindi sa paksang pangngalan ng
pangungusap.

Mali: Nagtanim ng puno ang mga estudyante


sa Bundok Makiling.
Tama: Nagtanim ng puno sa bundok Makiling
ang mga estudyante.
10. Dapat isaisip ang paggamit ng mga piling
salita sa malinaw at maikli pangungusap.

Mali: Malaswa ang damit ng dalaga.


Tama: Masagwa ang damit ng dalaga.
Nang/ng Hagdan/hagdanan
pahirin/pahiran kong/kung
Sundan/sundin magsakay/sumakay
Subukin/subukan din,rin/daw,raw
Walisan/walisinmay/mayroon
Operahin/operahan
Magbangon/bumangon
pinto/pintuan

You might also like