You are on page 1of 24

KAHULUGAN

NG DISKURSO
PROF. CRYSALYN A. CRUZADO
LAYUNIN:
Nasasabi ang kahulugan ng Diskurso
Naiisa-isa ang mga mungkahi sa
paggamit ng wika.
Nakasusulat at nakabubuo ng minute
paper batay sa paksang tinalakay.
DISKURSO
Ayon kina Brown at Yule, (1983); Cook,
(1989); at Nunan, (1993) ang diskurso ay:
Isang padron ng verbal beheybyor.
Isang verbal na anyo ng panlipunang gawi.
Isang pagkakataon sa komunikatibong
gamit ng wika, at proseso ng paglalahad
ng isang ideya sa teksto.
DISKURSO
Ito ay paraan ng pagpapahayag sa paraang
pasulat at pasalita.
Ito ay salitaan (conversation) pananalita (speeches)
maaaring gumamit ng pormal at patuluyang
pagsasagawa ng isang mahusay na usapan.
ito rin ay isang interaktibong gawain tungo sa
mabisang paglalahad at pagbabahagi ng mga
impormasyon.
DISKURSO
Ito maaring istruktural-na
tumutukoy sa isang partikular na
yunit ng lengguwahe;
at fangsyonal-na tumutukoy sa
isang tiyak na pokus sa gamit ng
wika
DISKURSO
Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ‘‘Ito ay
nangangahulugang magsulat at magsalita nang
may katagalan o kahabaan’’
Sa Webster’s New World Dictionary (1995), ‘‘Ito ay
isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat
man o pasalita. Ito rin ay pakikipagtalastasan,
pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya”.
DELL HYMES
Nagbigay ng ilang mungkahi kung paano
dapat isaayos ang paggamit ng wika upang
maging mabisa ang komunikasyon.
Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G.
upang ihayag ang mga dapat isaalang-alang
at ikonsidera upang maging matiyak at mabisa
ang komunikasyon.
SETTINGS (saan nag-uusap?)
Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook
o lugar saan naganap ang usapan ay
dapat isaalang-alang.
Ang paraan ng pagpapahayag ng mga
salitang ginagamit, ang tono at tunog
ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa
lokasyon na pinangyarihan ng salitaan.
PARTICIPANTS (sino ang nag-uusap o kausap?)
Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong
kasangkot sa komunikasyon.
Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging
ang estado sa buhay, katungkulan,
hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at
pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya
sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng
nagsasalita at ng kanyang kausap.
END (ano ang layunin ng usapan?)
Ang interaksyon ay ayon sa layuning nais
matamo sa pakikipagusap maging sa
pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon,
pag-uutos, pakikiusap, at iba pa.
Halimbawa: Kailangang alamin ang layunin sa
pakikipag-usap upang maging malinaw ang
pagpapalitan ng ideya at maging maayos ang
daloy ng usapan.
ACTS SEQUENCE (paano ang takbo ng pag-uusap?)
Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng
usapang nagaganap sa uri ng pangyayari.
Ang pag-alam sa maaaring maging takbo
ng usapan ay isang malaking
kapakinabangan upang maging
matagumpay ang diskurso.
KEYS (pormal ba o impormal ang usapan?)
Alamin kung pormal ba o di pormal
ang usapan.
Kung gayon, kung pormal ang isang
okasyon, paano ka makikipag-usap
sa ibang tao? Anong mga salita ang
kailangan mong gagamitin?
INSTRUMENTALITIES (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?)
Kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan
ng komunikasyon.
Ang midyum ang humuhubog at naglilimita
sa isang mensahe. Kung mabisang
maisasaalang-alang ito, kung gayon,
magiging kontrolado natin ang hugis at lawak
o limitasyon ng mensahe sa komunikasyon. 
NORMS (ano ang paksa ng usapan?)
Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao
ang paksa ng usapan.
Halimbawa:
Maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran
kung batid mong limitado lamang ang nalalaman
mo sa paksa ng isang pagtatalo.
Sa usapang relihiyon, hindi mo maaaring sabihan
na mali ang ginagawa ng ibang sekta dahil ito ay
salungat sa iyong pinaniniwalaan.. 
GENRE (ano ang uri ng pagpapahayag?)
Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng
participants.
Pasalaysay- magkwento ng isang pangyayari o mga
pangyayari.
Paglalarawan- magpakitang anyo, katangian, hugis, at
kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at damdamin.
Paglalahad- ay magpapaliwanag at magbigay ng
impormasyon.
Pangangatwiran- manghikayat, magpatunay at
pagbulaanan ang opinyon, katwiran at paninindigan ng iba.
KONTEKSTO NG DISKURSO
Ito ay madalas na ituring bilang mga
partikular na kumbinasyon ng mga
taong bumubuo sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon.
Ito ay maaaring interpersonal,
panggrupo, pang-organisasyon,
pangmasa, interkultural at pangkasarian
a. Konstekstong Interpersonal
usapan ng magkaibigan
b. Konstekstong Panggrupo
pulong ng pamunuan ng isang
samahang pangmag-aaral
c. Konstekstong Pang-organisasyon
memorandum ng pangulo ng isang
kumpanya sa lahat ng empleyado
d. Konstekstong Pangmasa
pagtatalumpati ng isang pulitiko sa
harap ng mga botante
e. Konstekstong Interkultural
pagpupulong ng mga pinuno ng mga
bansang ASEAN 
f. Konstekstong Pangkasarian
usapan ng mag-asawa
ANYO NG DISKURSO
Pasalita
• verbal
Pasulat
• gumagamit ng ortograpikong
simbolo gaya ng mga letra
PAGSASANAY
Panuto: Isulat sa loob ng lobo ang mga salitang may
kinalaman sa salitang diskurso.Ilahad ang dahilan kung bakit
ito ang mga salitang iyong napili.
_______________________
_______________________
_______________________
       
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
PAGSASANAY
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng SPEAKING
S  

P  

E  

A  

K  

I  

N  

G  
WORD POOL Tanong Sagot
1. Usapan ng mag-asawa

Konstekstong Interpersonal 2. Ito ay ang paraan ng


Kontekstong Pangkasarian pagpapahayag sa paraang
pasulat at pasalita.
Kontekstong Panggrupo 3. Pagtatalumpati ng isang
Kontekstong Interkultural pulitiko sa harap ng mga
botante
Kontekstong Pang-organisasyon
4. Usapan ng magkaibigan
Kontekstong Pangmasa
5. Ito ay maaaring
Setting
interpersonal, panggrupo,
Diskurso pang-organisasyon,
Konteksto ng Diskurso pangmasa, interkultural at
pangkasarian.
Pasulat
WORD POOL Tanong Sagot
6. Pulong ng pamunuan ng isang
samahang pangmag-aaral
Konstekstong Interpersonal 7. Memorandum ng pangulo ng
Kontekstong Pangkasarian isang kumpanya sa lahat ng
Kontekstong Panggrupo empleyado
8.Ito ay gumagamit ng
Kontekstong Interkultural ortograpikong simbolo gaya ng
Kontekstong Pang-organisasyon mga letra.
Kontekstong Pangmasa 9. pagpupulong ng mga pinuno
ng mga bansang ASEAN.
Setting
Diskurso 10. Ito ay isa sa dapat isaalang-
alang sa pakikipag
Konteksto ng Diskurso komunikasyon ito ay ang pook
Pasulat o lugar kung saan gaganapin
ang pag-uusap.
SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/ManuelDadeaDaria/diskurso-
43048341
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/diskurso.html
https://prezi.com/rakrbw6d8iwr/apat-na-paraan-ng-
pagpapahayag-ng-diskurso/
https://prezi.com/jpyxn_bvuxzt/diskurso-depinisyon-at-
katangian/
https://prezi.com/46bujv9s9tnh/mga-konsepto-ng-diskurso/

You might also like