You are on page 1of 17

Semi Detailed 4’as Lesson

Plan Filipino
Kindergarten
Inihanda ni: Ms. Susan L. Baque
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
1. Nasasabi ang ibat-ibang hugis na tatsulok, parisukat
at parihaba.
2. Natutukoy ang hugis na tatsulok, parisukat at
parihaba.
3. Naguguhit ang hugis na tatsulok, parisukat at
parihaba.
II. PAKSANG AARALIN
Paksa: Iba’t ibang hugis
Sanggunian: Filipino Kindergarten
Akda ni: Lennie V. Nueva Juacalla
Pahina: 11-20
Kagamitan: Larawan, Aktibiti Sheet, Krayola
Integrasyon: Pagpapahalaga sa mga bagay sa paligiran
at sa loob ng tahanan
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati at Pagsasaayos ng silid aralan
 Pagtala ng liban
 Balik - aral
III. PAMAMARAAN
B. Panimulang gawain
 Paghahanda
- Ang guro ay magpapanood sa mga bata ng
awiting “ Iba’t – Ibang hugis”
Panimulang gawain
- Pagkatapos awitin ay magtatanong ang guro tungkol sa
pinanood/inawit.
Tanong;
1. Ano ang mga hugis ang mga nabanggit inawit na kanta?
2. Anu-anong hugis ang Nakita nyu sa awiting “iba’t ibang
hugis”?
3. Ilang sulok ang makikita sa hugis parihaba?
PAGSUSURI
Ilang sulok mayroon ang hugis na tatsulok?
PAGSUSURI
Ilang sulok ang makikita sa hugis parisukat?
PAGSUSURI
Ilang sulok ang makikita sa hugis parihaba?
PANGKATANG GAWAIN

 Hahatiin ang klase sa dalawang Pangkat;


 Unang Pangkat……
 Ikalawang Pangkat……
TANONG
 Aling bagay ang may hugis na pareho ng parisukat?
Kulayan ito ng PULA.
PAGTALAKAY NG PAKSA
 Ang guro ay tatalakayin ang iba’t ibang hugis.

Ito ay Hugis Tatsulok Ito ay Hugis Parisukat Ito ay Hugis Parihaba


TANONG
1. Magbigay ng isang bagay na makikita sa loob ng
tahanan na may hugis parisukat.
2. Sa Paanong paraan mo maipapakita ang tamang
paggamit ng bagay na iyong mapipili?
3. Ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ito?
IV. PAGTATAYA
1. Gumuhit ng isang bagay na makikita mo sa loob ng
inyong tahanan na kapareho ng hugis parisukat,
tatsulok at parihaba.
2. Anong hugis ang makikita mo sa iginuhit mong
larawan? Banggitin kung anong hugis ito.
V. TAKDANG ARALIN
 Gumuhit ng larawan na mailalagay ang iba’t ibang
hugis na ating tinalakay ngayon araw.
Maraming Salamat sa
Pakikinig!
Paalam.

You might also like