You are on page 1of 6

Noong araw, may isang hari raw at

ang kanyang anak ay si Prinsesa


Buna. Lingid sa kaalaman ng hari,
umibig ang kanyang anak sa
kanilang hardinero si Lakal.
Palaging pumupunta sa hardin ang
prinsesa upang makasama si Lakal.
Siya ay naibigan rin ng binata at
palagi silang namamasyal ng
magkahawak ang kamay.
Isang araw, nalaman ng hari ang
mga nangyayari at siya mismo ang
nakakita kina Prinsesa Buna at
Lakal. Palihim niyang inutusan ang
isang kawal niya na ipatapon ang
hardinero.
Sinunod ng kawal ang utos ng hari.
Ilang araw ring malungkot at
pabalik-balik sa hardin si Prinsesa
Buna kakahintay kay Lakal.
Walang hardinero na dumating
sapagkat wala na ito.
Isang araw, hindi na muling nasilayan sa
palasyo si Prinsesa Buna. Pumunta ang hari
upang hanapin ang nag-iisa niyang anak sa
hardin. Nakita na lamang niya ang isang
halaman na may magandang bunga na
kasing-kulay ng buhok ng prinsesa.
Tinawag na Bunalak ang halaman
na iyon at kalaunan ay naging
bulaklak.

You might also like