You are on page 1of 28

MGA BATAYANG

KAALAMAN SA
WIKA
Kahulugan ng Wika
Ang wika ay isang kalipunan ng
mga salita at ang pamamaraan
ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o
makapagkomunikeyt ang isang
grupo ng mga tao.
1. Hill (sa Tumangan, et
al., 2000) – nagsabing ang
wika ang pinakelaboreyt na
anyo ng simbolo na
binubuo ng mga tunog at
isinasaayos sa isang
kompleks na estruktura at
mayroong kahulugang
arbitraryo.
Gleason (1961, sa
Bernales, et al., 2000) –
ang wika ay isang
masistemang balangkas
na sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
KALIKASAN NG
WIKA
1. Ang wika ay binubuo ng mga
tunog – Hindi lahat ng tunog ay
wika sapagkat hindi lahat ng tunog
ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakahulugang tunog na
nilikha natin sa halos ng
pagkakataon ay ang tunog na
sinasalita.
2. Ang wika ay may katumbas na
simbolo o sagisag – ang alpabeto
ang isang patunay sa paglalapat ng
simbolo sa tunog. Ang alpabeto ang
sumasagisag sa mga tunog na
binibitawan ng ating mga bibig.
3. Ang wika ay may estruktura –
pagkakasunod-sunod ng mga salita
sa isang pahayag, o ang lunan o
lugar sa isang estruktura ng salita o
mga baha-bahagi ng mga pahayag.
4. Ang wika ay nanghihiram –
Walang wika na hindi nanghihiram.
Nagkaroon ng ganitong panghihiram
dahil sa pagpasok ng kulturang
dayuhan.
5. Ang wika ay dinamiko – ang
wikang ginagamit ay buhay.
Nagbabago ito, umuunlad at
lumalago.
6. Ang wika ay arbitraryo – Ayon kay
Archibald A. Hill, ang isang taong
walang ugnayan sa isang komunidad
ay hindi matututong magsalita kung
paanong ang mga naninirahan sa
komunidad na iyon ay nagsasalita
sapagkat ang esensya ng wika ay
panlipunan.
7. Ang wika ay malikhain – taglay ng
wika ang tuntunin na makapagbubuo
ng walang hanggang pangungusap.
8. Bawat wika ay natatangi – walang
dalawang wika ang magkatulad. Ang
bawat wika ay may kanyang sariling
set ng mga tunog, yunit
panggramatika at kaniya-kaniyang
sistema ng palaugnayan.
MGA TEORYA SA
PINAGMULAN
NG WIKA
1. Paniniwalang buhat sa Bibliya
– (mula sa Genesis 11: 1-9)
binabanggit dito ang nilikhang tore
ng mga tao sa Babilonia. Ang
templong nagsilbi ring tore ay isang
sagisag ng kapalaluan at walang
hanggang pagnanasa ng tao.
Ikinagalit ng Diyos ang ginawang ito
ng tao, kaya’t ginulo Niya ang
kanilang wika. Ang lungsod ay kilala
bilang Lungsod ng Babel at Tore ni
Babel naman ang templong tore
nito.
2. Teoryang Bow-wow –
maaring ang wika ng tao ay mula
sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan.
Hal. Tuko – tuko
aso- aw-aw
pusa – miyaw
3. Teoryang Pooh-pooh –
unang natutong magsalita ang
mga tao nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa.
Hal. Anong maibulalas natin
kung tayo ay nasarapan?
4. Teoryang Yo-he-ho –
Pinaniniwalaan ng linggwistang si
A.S Diamond na ang tao ay
natutong magsalita bunga
diumano ng kaniyang pwersang
pisikal.
Hal. Anong tunog ang nalilikha
natin kapg tayo’y nagbubuhat ng
mabibigat na bagay; kapag tayo’y
sumusuntok o nangangarate o
kapag ang mga ina ay
nanganganak?
5. Teoryang Ta-ra-ra-boom-
de-ay – Likas sa mga sinaunang
tao ang mga ritwal. Sila ay may
mga ritwal sa halos lahat ng
gawain tulad ng pakikidigma,
pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala,
panggagamot, maging sa paliligo
at pagluluto. Kaakibat ng mga
ritwal na iyon ay ang pagsasayaw,
pagsigaw at mga bulong.
6. Teoryang Ta-ta – ang
kumpas o galaw ng kamay ng tao
na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay ginaya ng
dila at naging sanhi sa pagkatuto
ng taong lumikha ng tunog at
kalaunay nagsalita.
Ta-ta – mula sa wikang Pranses
na nangangahulugang paalam o
goodbye.
7. Teoryang Ding-dong –
nagkaroon daw ng wika ang tao sa
pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng mga bagay-bagay sa
paligid. Ngunit ang teoryang ito ay
hindi limitado sa mga kalikasan
lamang kungdi maging sa mga
bagay na likha ng tao.
Hal. Tunog ng pinto – kreeeek
tunog ng kampana – klang…
klang…
8. Teoryang Mama – nagmula
ang wika sa mga
pinakamadadaling pantig ng
pinakamahalagang bagay.
Pansinin nga naman ang mga
bata. Sa una’y hindi niya masasabi
ang salitang mother ngunit dahil
ang unang pantig ng nasabing
salita ang pinakamahalaga
diumano, una niyang nasabi ang
mama bilang panumbas sa
salitang mother.
9. Teoryang Sing-song –
iminungkahi ng linggwistang si
Jesperson na ang wika ay
nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at
iba pang bulalas-emosyonal. Ayon
sa kaniya ang mga unang salita ay
sadyang mahahaba at musical, at
hindi maiikling bulalas na
pinaniniwalaan ng marami.
oryang Hey you! –
ahi ng linggwistang si
na bunga ng interpersonal
k ng tao sa kaniyang
o ang wika. Nagmula ang
mga tunog na nagbabadya
akakilanlan (Ako!) at
bilang (Tayo!).
bulalas din tayo bilang
dya ng takot, galit o sakit
). Tinatawag din itong
kontak.
11. Teoryang Coo Coo – ang
wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol. Ang mga
tunog daw na ito ang ginaya ng
mga matatanda bilang
pagpangalan sa mga bagay-bagay
sa paligid, taliwas sa paniniwala
ng marami na ang mga bata ang
naggagaya ng tunog ng mga
matatanda.
12. Teoryang Yum Yum –
katulad ng teoryang ta-ta, pinag-
uugnay ng teoryang ito ang tunog
at kilos ng pangangatawan.
13. Teoryang Babble Lucky
– ang wika raw ay nagmula sa
mga walang kahulugan na bulalas
ng tao. Sa pagbubulalas ng tao,
sinuwerte lang daw siya nang ang
mga hindi sinasadya at walang
kabuluhang tunog na kanyang
nilikha ay naugnay sa mga bagay-
bagay sa paligid na kalaunan ay
naging pangalan ng mga iyon.
14. Teoryang Hocus Pocus
– ayon kay Boeree (2003),
maaring pinggalingan ng wika ay
tulad ng pinanggalingan ng
mahikal o relihiyosong aspeto ng
pamumuhay ng ating mga ninuno.
Maari raw kasing noo’y tinatawag
ng mga unang tao ang mga hayop
sa pamamagitan ng mga mahikal
na tunog na kalaunan ay naging
pangalan ng bawat hayop.
15. Teoryang Eureka! –
sadyang inimbento ang wika ayon
sa teoryang ito. Maari raw na ang
ating mga ninuno ay may ideya ng
pagtatakda ng mga arbitraryong
yunog upang ipakahulugan sa mga
tiyak na bagay. Nang ang mga iyon
ay nalikha, mabilis na iyong
kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng
mga bagay-bagay.
ANTAS NG
WIKA

You might also like