Professional Documents
Culture Documents
Ang Wikang Filipino
Ang Wikang Filipino
PANIMULA:
Ang Wikang Pambansa ay ang wikang
pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang
bansa. Ang Pilipinas bilang isang
multilinggwal na bansa ay nararapat na
may wikang magsisilbing bigkis na
magbubuklod sa isang lahi. Ang Filipino
bilang Wikang Pambansa ay maraming
pinagdaanan upang maabot ang
katawagang ito.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Ang kasaysayan nang pagkakaroon ng
Wikang Pambansa sa Pilipinas ay dumaan sa
ilang mga pagbabago - ang Pilipino na
nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging
Filipino.
Kabilang sa mga pangunahing wika ay
Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol,
Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Nang dumating ang mga Kastila sa ating
bansa, hinangad nilang mapalaganap ang
Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga
prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa
Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika
sa mga katutubo.
Sa ganitong paraan, nakapag-ambag sa wika
ang mga mananakop ng Kastila dahil sa
pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng iba’t
ibang wikain sa Pilipinas.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa
mga manghihimagsik na Pilipino laban sa
mga Kastila. Kaya nga’t pinili nila ang
Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon
ng propaganda - mga sanaysay, tula,
kuwento, liham at mga talumpati na
punung-puno sa damdaming bayan.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Nang dumating ang mga Amerikano, biglang
naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng
itakda ng pamahalaan na ang wikang Ingles
ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga
paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng
bernakular sa paaralan at sa tanggapan nito.
Ito ang dahilan kung bakit simula noong
pananakop ng mga Amerikano hanggang bago
sumiklab ang pangalawang digmaang
pandaigdigan , hindi umunlad ang ating wika.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina
Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw
at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan
sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng
Wikang Pambansa. Nagharap ng panukula si
Manuel Gillego na gawing Wikang Pambansa at
Wikang Opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa
ring namayani ang wikang Ingles.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong
Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang
Pambansa."
Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang
binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang
maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang
ipaalala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon
tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas.
Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
“Ang Pambansang Kapulungan ay
magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa
paglinang at paggamit ng pambansang
wikang batay sa isa sa umiiral na
katutubong mga wika. Samantalang hindi
pa itintadhana ng batas ng Ingles at
Kastila ay patuloy na mga Wikang
Opisyal.”
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng
mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga
rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng
puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas,
ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat
pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y
nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang
sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino.
Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni
Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Tagalog.
Ang mga sumusunod ay iba’t ibang kautusang
ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa
pagkasulong ng ating wika:
Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas
Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang
Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng
Wikang Pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang
Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na
nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo
ang Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na
nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570
na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang
Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang
Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-
19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang
Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa
kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang
wika ay Pilipino ang gagamitin.
Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang
kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga
tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap,
Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng
pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at
mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.