• Ang flash-flood ay nangyayari kapag malakas ang pag-ulan sa
mga lugar na mababa. Ang uri ng baha na ito ay nangyayari sa loob ng 6 na oras mula sa pag-umpisa ng malakas na ulan. ANO BA ANG ATING GAGAWIN BAGO MANGYARI ANG FLASH FLOOD?
• Alamin ang balita ukol sa panahon at mga anunsyong
pangkaligtasan. • Suriin ang bahay at kumpunihin ang mga mahina o sirang bahagi nito. MGA BAGAY NA ATING GAGAWIN HABANG NANGYAYARI ITO
• Manatiling mainahon. Manatili sa loob ng bahay o evacuation
center at makinig sa pinaka bagong balita at taya ng panahaon. • Patayin ang main switch ng kuryente at valve ng tubig. • Umiwas sa mga salamin ng bintana. GAGAWIN PAKATAPOS NG FLASH FLOOD
• Hintayin ang abiso ng kinauukulan kung ligtas ng bumalik sa
tahanan. • Umiwas sa mga natumbang puno, nasirang gusali, at linya ng kuryente. • Siguraduhing walang basa o nakababad na outlet o kagamitan bago buksan ang linya ng kuryente.