You are on page 1of 50

PAGSULAT NG

EDITORYAL
Inihanda ni:
G. Moises L. Tarrobal
E. Rodriguez Jr. High School
I. PAGGAMIT NG ANTAS NG WIKA

1. Pormal
1.1 Pambansa
1.2 Pampanitikan
2. Di- Pormal
2.1 Kolokyal
2.2 Balbal
2.3 Lalawiganin
II. MGA PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG
1. Pagsasalaysay
Nagkukwento ng mga pangyayari o magkakaugnay
na pangyayari.

Halimbawa:
Sanggol pa lamang si Ana nang mamatay ang
kanyang mga magulang. Lumaki siya sa piling ng
bangketa kasama ang iba pang gaya niyang palaboy na
kinupkop din ng lansangan, kahit minsa’y di nakadama
ng PAG-IBIG mula sa mga magulang.
2. Paglalarawan
Pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng
pandama, pang-amoy, panlasa, pandinig, pansalat at
emosyon.
Layunin nito na maipakita kung paano ang isang
bagay ay naiiba sa mga kauri nito.

Halimbawa: Mapusok,mapaghamon,makapangyarihan
at may kakayahang baguhin ang itinakdang tadhana ng
mundo, iyan ang PAG-IBIG.
 Uri ng Paglalarawan
2.1 Karaniwan
- Nagbibigay ng impormasyon ayon sa
pangkalahatang paningin o pangmalas.
2.2 Masining/ Malikhain
- Nagpapahayag ng isang buhay na
larawan batay sa damdamin at pangmalas
ng manunulat.
Pumupukaw ito sa guniguni ng
mambabasa.
3. Pangangatwiran
Pagpapahayag ng mga paniniwala, mga opinyong
nasa katuwiran, mga pagpapatotoo o pagpapatunay
para mapaniwala at mapapanig ang mambabasa o
nakikinig.

Halimbawa:
Dahil makapangyarihan ang PAG-IBIG, nililihis
nito ang kapasidad ng isang indibidwal na maging
makatuwiran sa pagpapasya para sa kanyang magiging
buhay sa hinharap.
4. Paglalahad
Isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay
MAGPALIWANAG , magsabi ng kuru-kuro o
palagay.

Halimbawa:
PAG-IBIG ang pinakadakilang nilikha at handog
ng Panginoon sa sanlibutan para maging instrumento
ng pagkakaisa tungo sa kapayapaan ng bawat bansa
sa daigdig.
3.1 Karaniwang AyosIII. DALAWANG AYOS NG PANGUNGUSAP

Halimbawa:
Nakatira sa isa sa mga pulo ang mag-asawang Mina at
Doro.

3.2 Di-karaniwang Ayos


Halimbawa:
Ang mag-asawang Mina at Doro ay nakatira sa isa sa
mga pulo.
IV. MGA URI NG PAGTATALATA

4.1 Pasimulang Talata


- Nagtataglay ng paksa at layunin ng
pakikipagtalastasan. Dito mababatid kung ano ang
isasalaysay, ilalarawan, ipaliliwanag o
pangangatuwiranan.

4.2Talatang Ganap
- Ito ang pagpapaunlad o pagsusulong sa
pangunahing diwang nais mabatid tungkol sa paksa.
 4.3Talatang Paglilipat-diwa
- Nilalagom nito ang diwa ng mga sinundang
seksyon ng sulatin.

 4.4
Talatang Pabuod
- Ito ang naglalagom o bumubuod ng
mahalagang pahayag tulad ng layunin ng
sumulat.
5.1 Pabuod (Inductive Reasoning)
V. DALAWANG URI NG PANGANGATWIRAN

- nagsisimula sa maliliit na katotohanan patungo sa


isang panlahat na simulain o paglalahat.
a. Gumagamit ng Pagtutulad…
b. Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi…
c. Paggamit ng mga Katibayan at

Pagpapatunay…
a. Gumagamit ng Pagtutulad…
Ang nabubuong paglalahat sa ganitong
pangangatuwiran ay maaaring pansamantala lamang at
maaaring mapasinungalingan. Maaaring pareho ang
pinaghahambingan sa isa lamang katangian subalit
magkaiba naman sa ibang katangian.

Halimbawa:
Magtatayo na rin ako ng karinderya. May
karinderya ang kapatid ko at malaki ang kanyang
kinikita at pakinabang.
 
b. Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi…
Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung
kaya nagaganap ang isang pangyayari.

Halimbawa:
Hindi napasama ang pangalan niya sa talaan ng
computer dahil sa pagkakahuli niya sa itinakdang araw
ng pagpapatala.
c. Paggamit ng mga Katibayan at
Pagpapatunay…
Napalolooban ito ng mga katibayan o ebidensyang
higit na magpapatunay o magpapatotoo sa tinutukoy
na isyu o kalagayan.

Halimbawa:
Siya pala ang nanalo sa halalan. Hayon at
manunumpa na sa pangulo ng pamantasan.
5.2 Pasaklaw (Deductive Reasoning)
- humahango ng isang pangyayari sa
pamamagitan ng pagkakapit ng isang
simulaing panlahat.

Halimbawa:
Magsasaka ang bayani ng kabuhayan
Sa bansa. Si Mang Nardo ay isang magsasaka.
Samakatuwid si Mang Nardo ay bayani ng
kabuhayan sa bansa.
MGA SANGKAP SA MABUTING PANGANGATUWIRAN AT PAGHIHIKAYAT

1. Sapat na katibayan


2. Pagsang-ayon sa opinyon/ kuru-kuro ng

bihasa sa bagay na ipinagmamatuwid.


3. Tiyak na pangangatuwiran
VI. EDITORYAL/ PANGULONG TUDLING

Sulatin na nasa pagitan ng Balita at Lathalain.


 Balita dahil tiyak at detalyado ang paglalahad ng
impormasyon.
 Lathalain dahil mapaglarawan at maaaring isulat
ang disposisyon ng manunulat.
VII. TATLONG MAHAHALAGANG
URI NG EDITORYAL

1. Editoryal na Namumuna (Kritisismo)

Nagbibigay ng impormasyon at interpretasyon


ngunit ang tanging layunin ay tumuligsa sa isang
isyu o pangyayari.
Halimbawa:
May Bagong Iskrip na Naman

BILIB-IT-OR-NAT!
Itatayo sa Pilipinas ang kauna-unahang institusyon sa
kontinente ng Asia na may kaugnayan sa pananaliksik at
pagsugpo ng graft and corruption!
Kumbaga, ipupwesto mismo ang PATIBONG sa gitna ng
mga KURAL NG MGA BUWAYA.
Nilagdaan na ang Memorandum of Agreementsa pagtatayo
ng Center for Asian Integrity (CAI) na popondohan ng Asian
Foundation.
Layunin nito na magsaliksik ng solusyon sa pagnanakaw sa
gobyerno, humubog ng taktika at magsanay ng mga
imbestigador at prosecutor sa mga kaso.
Nakatatawa ito.
Teka, tanungin muna natin ang mga promoter ng naturang
proyekto.
Una, ipinasubasta ba ninyo kung sino ang kontraktor ng
gusaling itatayo?
Ikalawa, ilalathala ba ninyo sa diyaryo o ilalabas sa publiko
ang LISTAHAN ng mga gastusin kabilang ang “feasibility
studies”?
Ikatlo, gaano kayo katiyak na walang palakasan system sa
pagkuha ng empleyado, opisyal o kahit simpleng security guards
at janitors sa loob ng institusyong itatayo?
Ikaapat, kanino o saan mismo manggagaling ang pondo nito
na ginagamit lamang na “dummy” o “front” ang foundation
kuno?
Bago kayo magsaliksik, tiyakin muna ninyo na ang
mismong institusyon laban sa corruption ay walang anumang
“bahid” ng panloloko o pambobola sa taumbayan?
Ano ang tunay na motibo ng proyektong ito?
Hindi kaya i-prosecute o i-persecute ang mga political rival
ng mga nakaupo sa Malacaňang?
Hindi kaya gamitin itong pam-BLACKMAIL sa mga
kumukontra sa administrasyon, sa mga kakumpitensiya ng
multi-national companies at balakid sa espionage ng Central
Intelligence Agency (CIA) ng America?
Kwidaw, ang CAI–ay nirambol na CIA lamang!!!
Isang paniwalaan-dili kasi na masusugpo ang
KATIWALIAN – sa US, China, Russia o lalo na sa Pilipinas –
BILIB IT OR NAT!!!
2. Editoryal na nakikipagtalo
(Argumentative)

Kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at


masamang katangian ng isyu.
Tinatalakay ang magkaibang panig, subalit ang
katotohanan ay iniaangat ng sumulat ang isang
panig.
Halimbawa:
Buwis: Pabigat o Pakinabang?
Humahaba ang diskusyon sa mataas na singil sa kuryente.
Kanya-kanyang sisihan ang Meralco, ang gobyerno at ang
mga mambabatas na nagkakaiba-iba ng pagkiling. Swerte natin
kung meron sa mga iyan ang talagang nagsusulong ng tunay na
interes ng taumbayan.
Pero kapansin-pansin na marami ang mainit ang mata sa
buwis. Nariyan ang nagpapatanggal sa reformed value added tax
(RVAT) sa mismong bilihan ng kuryente. Meron namang
nakatuon ang pansin sa pag-alis at pagre-refund ng buwis na
ipinatong ng pamahalaan sa system loss na ipinasa ng Meralco sa
milyong consumer nito.

At meron ding kumukwestyon ngayon kung talagang ibinyad o ni-
remit ng Meralco sa gobyerno ang buwis na ipinatong nito sa
kanilang ibinentang kuryente sa taumbayan.
Maiba tayo. Para saan ba talaga ang buwis na kinokolekta sa atin
ng gobyerno? Bakit parang sobrang pabigat ang kinokolekta sa ating
buwis ng gobyerno?
 Unang-una ang buwis ay hindi dapat maging pabigat sa tao kahit na
maituturing na gastos ‘yan sa anyo ng patong na halaga sa produkto
at serbisyo o kabawasan sa kita ng mamamayan. Ang totoo nga, may
pakinabang din dito ang mga taxpayers.
 Ito ang dapat maging pakiramdam ng mga taxpayers ngunit
mangyayari lang ito kung matino at committed sa public service ang
gobyerno at lahat ng nakapwesto rito.

Ang buwis kasi, sa tamang pakahulugan, kinokolekta ng pamahalaan
para magamit sa mga proyekto at programang pakikinabangan ng
mamamayan. Kumbaga, dapat bumabalik ito sa taxpayers sa anyo ng
maayos na serbisyo, suporta sa kabuhayan at proteksyon laban sa mga
perwisyong price increase.
Pero oras na kurakutin at ibulsa ng mga buwaya at ganid sa gobyerno
ang buwis na pinagpaguran ng mamamayan, magiging pabigat talaga ito.
Imbes na pakinabangan ng taumbayan, magiging pasanin ito. Walang balik
na matinong serbisyo. Walang balik na suporta sa ating kabuhayan. At
lalong hindi
makaproprotekta sa atin sa tumataas na presyo ng mga bilihin, bagkus ay
papatong pa nga ito at magiging dobleng pasanin sa tao.
Ang buwis ay para sa tao. Para sa ating nagbabayad nito. At hindi
pagpapayaman ng mga taong gobyerno. Tagahawak lamang sila. Hindi
nila ito pera para kanilang ibulsa.
3 . Editoryal na Nanghihikayat (Persweysiv)
Nagbibigay ng kahulugan, nakikipagtalo at
namumuna.
Binibigyang-diin ang mabisang panghihikayat
Layunin na mabago ang posisyon o paniniwala ng
mambabasa ayon sa isang mahalagang bagay, isyu o
katanungan.
Kinukumbinsi ang mambabasa na mabago ang
paniniwala o tanggapin ang isang paniniwalang
hindi nila dating taglay.
Halimbawa:
Tulungan ang Magsasaka

MAGANDANG balita ang tinatayang 10 metriko


toneladang palay na aanihin sa harvest month ng Oktubre
para sa bansa na dumaranas ng problema sa kakapusan ng
suplay ng bigas na nagpataas sa presyo nito.
Pero isa pala sa kinahaharap na problema ng mga
magsasaka ng palay kaya hindi kumikita o nalulugi ang mga
ito ang mababang pagbili dito na
nagkakahalaga lamang ng P10 kada kilo para sa basang palay
at karagdagang P3 sa tuyo.
May punto sina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez,
Palawan Rep. Abraham Mitra at Cavite Rep. Elpidio Barzaga
sa pangangailangan na maglaan pa ng karagdagang pondo
bilang ayuda sa lokal na mga magsasaka sa bansa para sa
subsidy, irigasyon, imprastraktura, at iba pang tulong.
Dapat palakasin natin ang lokal na produkto sa
pamamagitan ng pagbili ng National Food Authority (NFA)
ng palay ng mga magsasaka sa tamang halaga.
Papaano natin mararating ang kampanya ng pamahalaan
na maging self-sufficient ang Pilipinas sa pagkain para sa mga
Pilipino kung nagkakaroon ng problema sa simpleng
pagbebenta ng ani ng mga nagtitiyagang magsasaka dahil sa
laki ng importasyon ng bigas.
Kung patuloy na bumababa ang presyo ng palay na dahilan
para hindi kumita hanggang malugi ang mga magsasaka, dapat
sigurong bawasan ang pagbili ng bigas mula sa ibayong-dagat.
Mahalagang suportahan ang sariling atin sa pangunguna
ng pamahalaan lalo’t tayo lamang, oo huwag na kayong
lumingon pa, kayo nga ang aasahan sa pagsulong ng bansa.
VIII. TATLONG PARAAN NG PAGKUMBINSI

1. Apelang Etikal
 Ipinababatid ng sumulat na dapat siyang pagkatiwalaan
ng mambabasa dahil sapat ang kaalaman sa isyu at
parehas ang pagtalakay.
 Gumagamit ng mga sangguniang AWTORITEYTIV o
IDEYA ng mga eksperto.
2. Apelang Lohikal
Gumagamit ng argumento ang sumulat.
Binubuo ang argumento ng batayan at kongklusyon.

OBSERBASYON BATAYAN KONGKLUSYON

(Pagbabasa, pananaliksik
at pagsusuri - Pagtatanong/Pakikipanayam)
3. Apelang Emosyonal
Kinakatok ng sumulat ang damdamin ng
mambabasa.
Gumagamit ng mga salita, parirala o pangungusap
na gumigising sa damdamin/ emosyon ng
mambabasa para umaksyon ang mga ito.
IX. MGA BAHAGI NG EDITORYAL

1. Pamagat (Title)
 Kinakailangang nakaaakit o nakahihikayat sa panlasa ng
mambabasa
 Sa pamagat, nababatid ang uri ng editoryal

1.1 Halimbawa:
Paksa: Impeachment Trial ni Gloria
(Nanghihikayat)
Huwag Muna Ngayon!
(Namumuna)
Tapusin na ang ligaya, Wala ng Gloria
(Nakikipagtalo)
Nararapat na bang Patalsikin si Gloria?
1.2 Halimbawa:
Paksa: Panunutok umano ng baril
ni Joey Marquez kay Kris Aquino
(Nanghihikayat)
Kris, Biktima ng Pang-aabuso
(Namumuna)
Kris, Artista ka Nga!
(Nakikipagtalo)
Kris, Umaarte Lang Ba?
1.3 Halimbawa:
Paksa: Paghirang ng Pangulong Arroyo kay Chavit Singson bilang National
Deputy Secretary Adviser
(Nanghihikayat)
Walang Sabit, sa Seguridad ni Chavit
(Namumuna)
Sa Pwesto ni Chavit, Sigurado ang Sabit!
(Nakikipagtalo)
Pwesto ni Chavit, May Sabit?
2. Panimula (Introduction)
Dito matatagpuan ang Batayang Balita (Newspeg),
Reaksyon at Isyung lilinawin, tatalakayin o bibigyang
opinyon. Kinakailangang kumukuha ng atensyon ng
mambabasa. Malinaw ang isyu.
Dito matatagpuan ang Batayang Balita (Newspeg),
Reaksyon at Isyung lilinawin, tatalakayin o
bibigyang opinyon.
Kinakailangang kumukuha ng atensyon ng
mambabasa.
Malinaw ang isyu.
2.1 Halimbawa #1
 Paksa: Panukalang itaas ng isandaang porsyento ang sahod
ng pangulo ng Pilipinas at ang matataas na opesyales ng
bansa. 
 Uri ng Editoryal: Kritisismo

 Pamagat: Pagtataas sa Sweldo ng Pangulo,

Krus ng Sambayanang Pilipino!


 Panimula:

Sa kabila ng nararanasang kahirapan ng bansa dulot ng


walang humpay na pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa
merkado, ito na naman ang panibagong krus sa balikat ni Juan
dela Cruz, ang panukalang isandaang porsyentong pagtataas ng
sweldo ng Pangulo kasama ang matataas na opesyales ng bansa.
 
Pagsusuri
 Reaksyon:

Sa kabila ng nararanasang kahirapan ng bansa dulot


ng walang humpay na pagtataas ng presyo ng mga
pangunahing bilihin sa merkado
 IsyungDapat Linawin:
Panibagong krus sa balikat ni Juan dela Cruz
 Batayang Balita:
Panukalang isandaang porsyentong pagtataas ng
sweldo ng Pangulo kasama ang matataas na opesyales
ng bansa
 Halimbawa #2
 Paksa: Ang patuloy na giyera ng MILF at military sa Mindanao
sa panahon ng Ramadan

 Uri ng Editoryal: Nakikipagtalo

 Pamagat: Opensibang Militar, Tagapaghiwalay ng


Pambansang Kapayapaan?

 Panimula:
RAMADAN – panahon ng pag-aayuno ng mga kapatid
nating Muslim sa Mindanao, ngunit hanggang sa kasalukuyan
ay nagpapatuloy pa rin ang palitan ng mga nakatutulig na putok
ng mga baril at kanyon sa panig ng MILF at Militar na tuluyang
naghihiwalay sa tawag ng pagkakaisa para sa pambansang
kapayapaan.
Pagsusuri
 Reaksyon:

Nagpapatuloy pa rin ang palitan ng mga nakatutulig


na putok ng mga baril at kanyon sa panig ng MILF at
Militar.
 Isyung Dapat Linawin:
Tuluyang naghihiwalay sa tawag ng pagkakaisa
para sa pambansang kapayapaan.
 Batayang Balita:
RAMADAN – panahon ng pag-aayuno ng mga
kapatid nating Muslim sa Mindanao.
 
 Halimbawa #3
 Paksa: Paglubog ng MT Solar I na nagdulot ng oil
spill sa karagatan ng Guimaras
 Uri ng Editoryal: kritisismo

 Pamagat: Langis sa karagatan ng Guimaras,

Ipalinis, Huwag sa ‘Pagong’


 Panimula:

Halos mawalan na ng pag-asang makabangon pa


ang kabuhayan ng mga taga-Guimaras matapos
lumubog ang barkong MT Solar I noong Agosto 11,
2006 dahil sa usad-pagong na pagkilos ng ilang
ahensiya ng pamahalaan sa paglilinis ng kumalat na
langis sa karagatan nito.
 
Pagsusuri
 Reaksyon:

Halos mawalan na ng pag-asang makabangon pa


ang kabuhayan ng mga taga- Guimaras.
 Batayang balita:

Lumubog ang barkong MT Solar I noong Agosto


11, 2006.
 Isyung Dapat Linawin:

Usad- pagong na pagkilos ng ilang ahensiya ng


pamahalaan sa paglilinis ng kumalat na langis sa
karagatan nito.
 Halimbawa #4
 Paksa: Paghirang ng Pangulong Arroyo kay dating Ilocos Norte
Governor Luis Chavit Singson bilang bagong National Deputy
Secretary Adviser.

 Uri ng Editoryal: Namumuna (Kritisismo)

 Pamagat: PGMA, Nagbayad-utang lang!

 Panimula:
Umani ng katakot-takot na pagbatikos mula sa iba’t ibang
government officials ng pamahalaan si dating Ilocos Norte
Governor Chavit Singson matapos hirangin ng palasyo bilang
bagong National Deputy Secretary Adviser na umano’y bayad-
utang lamang ng Pangulong Arroyo ang posisyong ito sa kanya.
 
 
Pagsusuri
 Reaksyon:

Umani ng katakot-takot na pagbatikos mula sa iba’t


ibang government officials ng pamahalaan.
 BatayangBalita:
Matapos hirangin ng palasyo bilang National
Deputy Secretary Adviser.
 IsyungDapat Linawin:
Umano’y bayad-utang lamang ang posisyong ito ng
Pangulong Arroyo.
 
Mga bahagi ng Editoryal
1. Pamagat (Title)
Kinakailangang ang pamagat ng editoryal ay
nakaaakit at nakahihikayat kaagad sa panlasa ng
mambabasa.
Sa pamamagitan ng pamagat mababatid natin kung
anong uri ng editoryal ito.

Halimbawa:
Ningas ng Rebolusyong Peminista
2. Panimula (Introduction)
Dito matatagpuan ang Batayang Balita (Newspeg),
Reaksyon at Isyung lilinawin, tatalakayin o
bibigyang opinyon.
Kinakailangang kumukuha ng atensyon ng
mambabasa.
Inilalahad nang malinaw ang isyu.

Halimbawa:
  Muling namayagpag mula sa tila mahimbing na
pagtulog ang iba’t ibang organisasyong nagsusulong ng
mga karapatang pangkababaihan matapos ilantad ni
Kris Aquino ang isyung umano’y pang-aalipusta sa
kanya ng kasintahang si Joey Marquez.
3. Katawan (Body)
 Dito matatagpuan ang mga pahayag na susuporta sa paninindigan sa
isyung tinatalakay.
 Kinakailangang magbigay ng mga batayan, tiyak na datos na
nalathala na.
4. Wakas (Conclusion)
 Binibigyang-diin dito ang paninindigan, pagbibigay solusyon sa
isyung tinatalakay sa editoryal.
 Laging tandaan na iwasan ang pangangaral sa wakas na editoryal.

Halimbawa:
Muling namayagpag ang mga peminista mula sa tila
mahimbing na pagkakatulog upang ituloy ang pakikibakang
naantala upang sa susunod ay wala na muling Kris Aquino.
 TANDAAN:
Ang Pamagat, Panimula at Wakas (kongklusyon) ng
editoryal, kinakailangang magkakaugnay.
Halimbawa:
 PAMAGAT:

Isang Pelikulang Hahatulan ng Manonood


 PANIMULA:

Sa galing sa pag-arte ni Pangulong Estrada, pati ang


panunungkulan bilang Pangulo ay ginawa na niyang
pelikula kung saan siya ang bida. Ngunit kahit gaano
kagaling ang stunts at “special effects”, ang pandaraya’y
hindi kailan man maitatago sa mamamayan.
 WAKAS:

Taumbayan ang hahatol. Ang script ay punit sa


bandang wakas sapagkat ang mga hurado at higit sa
lahat, ang SAMBAYANANG PILIPINO ang susulat ng
wakas ng pelikulang ito.
MGA PAGTATAYA SA PAGSUSURING EDITORYAL

 1. Angkop ba sa anyo at istilo ang nilalaman


at layunin?
 2. Pinag-iisip ba ang mambabasa?

 3. Malinaw ba, tiyak at payak ang pagkakasulat?

 4. Mahalaga ba ang paksa sa mambabasa?

 5. Nailahad ba ang paksa sa paraang hindi

nangangaral?
Maraming
Salamat!
Inihanda ni: G. Moises L.
Tarrobal
Puno, Kagawaran ng Filipino
E. Rodriguez Jr. High School

You might also like