You are on page 1of 57

Araling Panlipunan 8:

Kasaysayan ng Daigdig
🙢
Inihanda ni:
Gng. Elizabeth F. Ramos
Guro sa Araling Panlipunan 8
Inaasahang Matututunan/
Learning Objectives
🙢
Nasusuri ang
katangiang pisikal
ng daigdig.
Most Essential Learning
Competencies
Mahalagang Kakayahan
sa Pagkatuto
Ano nga ba ang Heograpiya?

🙢
🙣 Nagsimula sa wikang
Griyego na:
Heograpiya ay
🙣 Geo Daigdig
tumutukoy sa
siyentipikong pag-
🙣 Graphia aaral ng
katangiang pisikal
Paglalarawan ng daigdig.
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
🙢🙣 Ang planetang Earth, na
kung tawagin ay isa sa
walong planetang umiinog
sa isang malaking bituin. Ito
ay bumubuo sa tinatawag na
solar system. Ang
pagkakaroon ng buhay sa
daigdig ay masasabing dulot
ng tiyak na posisyon nito sa
solar system, patuloy ng pag-
inog nito sa sariling aksis at
ang paglalakbay paikot sa
bawat araw.
Estruktura ng Daigdig
🙢 🙣 Crust- ito ang matigas at
mabatong bahagi ng Daigdig.
Umaabot ang kapal nito mula
30-65 kilometro (km) palalim
mula sa mga kontinente .
🙣 Mantle- isang patong ng mga
batong napakainit kaya
malambot at natutunaw ang
ilang bahagi nito
🙣 Core- ang kaloob-loobang
bahagi ng Daigdig na
binubuo ng mga metal tulad
ng iron at nickel.
Pisikal na Katangian ng Daigdig
Bilang Panahanan ng Tao
🙢
🙣 Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ang
kalawakan, kalupaan, klima, katubigan, bahay-halaman at
mga mineral. Nakaiimpluwensiya ang bawat katangian sa
isa’t-isa. Ang sistema ng halaman , halimbawa ay
nakasalalay sa nagbabagong klima dulot naman ng
nagbabagong temperatura at presipitasyon. Ang mga hayop
ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa
pagkain ng ibang hayop at lamang-dagat at lupa. Gayundin,
ang mga halaman ay may benepisyong nakukuha buhat sa
mga tao. Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na
katangian ng nagbabagong daigdig.
Grid ng Daigdig
Kung kaharap mo ang globo, mapapansin mo na oblate spheroid
ang hugis ng daigdig na nagiging patag sa mga polo.

🙢
🙣 Upang masukat ang
kinaroroonan ng isang
lugar, naglagay ang tao
ng mga kathang-isip na
guhit sa mundo.
Nagsisimula ito sa
magkabilang dulo ng mga
polo na may tawag na
Timog Polo sa bandang
itaas at Hilagang Polo sa
bandang ibaba.
Ang guhit na makikita sa
kalagitnaan at pahalang
sa pagitan ng hilaga at
timog ay tinatawag na
ekwador.

Ang maliit na mga bilog


na naka-parallel sa
ekwador at ng polo ay
tinatawag itong parallel
ng latitud dahil sa
kanilang relasyon sa
ekwador

.
Mga Espesyal na Guhit ng Daigdig
🙢
🙣 Meridian- ito ang mga guhit patimog at pahilaga at
nagsisimula sa isang polo patungo sa isang polo. Sa
wikang Latin, tanghali ang kahulugan ng Meridian,
kaya lahat ng pook na bumabaybay sa kahabaan ng
isang guhit meridian ay sabay-sabay na nakakaranas ng
katanghalian. Ibig sabihin nito, nakatutok sa kanila ang
sikat ng araw. Dito rin kinuha ang salitang ante
meridian na pinaikli sa A. M. na ang ibig sabihin ay
“bago sumapit ang tanghali”. Ang post meridian naman
o P.M. ay nangangahulugang “pagkalipas ng tanghali”.
Parallel- ito ang guhit na kaagapay o
parallel sa kapwa nito guhit at
walang paraan para sila
magkasalubong. May apat na
mahalagang parallel ang naiguhit sa
umiinog na daigdig sa pamamagitan
ng sinag ng araw. Ito ang Artic Circle
, Tropic of Cancer, Tropic of
Capricorn at ang Antartic Circle.
Ano ang kahulugan ng Latitud at
Longhitud?
🙢
🙣Latitud- ang tawag sa 🙣 Longhitud- ito ang tawag sa
sukat o pagitan ng isang guhit
pagitan ng dalawang sa silangang Prime Meridian
guhit sa parallel. at sinusukat ng digri. Sa
Bawat pagitan ay may pagbibigay ng lokasyon ng
isang pook sa daigdig,
sukat na 10 ° o 15°. Ito nakasanayan nang sabihin
ang pagitan ng layo ng muna ang latitud susundan ng
longhitud at daragdagan ng
isang punto sa hilaga o direksyon (kung timog,hilaga,
timog ng ekwador. silangan o kanluran).
Ang pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras
Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa kanyang aksis
habang umiikot ito sa araw. Taliwas ito sa paniniwala
noong sinaunang panahon na hindi gumagalaw.
Nakagagawa ito ng kumpletong pag-inog sa kanyang
aksis sa loob ng 24 oras. Inaabot naman ng 365 ½ araw,
sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, ang pag-ikot
ng daigdig sa araw. Umaabot ng 24 oras ang isang pag-
inog ng daigdig sa kanyang aksis. Hindi natin
nararamdaman ang mga nasabing pag-ikot dahil
matatag at napakalaki nito kung ihahambing sa tao at
mga bagay. Tulad ng nabanggit, umaabot ng 24 na oras
ang isang pag-inog na ito sa hatinggabi ay aabot ito
hanggang sa susunod na hatinggabi.
Klima -ang kalagayan o kondisyon ng atmosphere
sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon.

🙢
🙣 Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system
na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang
malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-
ayang kapaligiran o atmosphera at sapat na
sinag ng araw, init at tubig upang matustusan
ang pangailangan ng mga halaman at hayop sa
balat ng lupa. Pangunahing pagkakaiba-iba ng
mga klima sa daigdig ang natanggap na sinag
ng araw ng isang lugar depende sa latitude at
gayon din sa panahon, distansya mula sa
karagatan at taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang
nakakaranas ng pinakasapat na sinag ng araw at
ulan. Dahil dito, maraming habitat o likas na
tahanang nagtataglay ng iba’t-ibang species ng
halaman at mga hayop ang matatagpuan sa mga
lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef at mangrove swamp. Kapag
bihira ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa
isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaring
mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin
ang maaring asahan sa mga lugar na lubhang
napakalamig ng panahon.
Ang mga Kontinente sa Daigdig
🙣 Kontinente – ang tawag sa pinakamalawak na masa ng
🙢
lupa sa ibabaw ng daigdig. May kontinenteng
magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan
ng katubigan.
🙣 Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong
ng Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay
ang mga kontinente sa isang super kontinente na
Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o
malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang
kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo
ang kasalukuyang mga kontinente.
Pag-aralan ang dayagram tungkol sa
Continental Drift Theory
🙣 240 milyong taon

🙢
🙣 Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na
pinaliligiran ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean.

🙣 200 milyong taon


🙣 Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa
mahati sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana
sa Southern Hemisphere

🙣 65 milyong taon nagpatuloy ang paghihiwalay ng kalupaan.


Mapapansin ang India na unti-unting dumidikit sa Asya.

🙣 Sa Kasalukuyan
🙣 Unti-unti ang paggalawa ng mga kontinente. Tinatayang 2.5
sentimetro ang galaw ng North America at Europe bawat taon.
Pitong Kontinente sa Daigdig
🙢
🙣 Asya- Pinakamalaking
kontinente sa daigdig.
Sinasabing ang sukat nito ay
mas malaki pa sa
pinagsamang lupain ng
North at South America.
Nasa Asya rin ang China na
may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at
ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa
buong mundo.
Europa
🙢
🙣 Ang laki ng Europa ay
sangapat (1/4) na
bahagi lamang ng
kalupaan ng Asya. Ito
ang ikalawa sa
pinakamaliit na
kontinente ng daigdig
sa lawak na halos 6.8 %
kabuuang lupa ng
daigdig.
Africa
🙢
🙣 Nagmumula sa Africa ang
malaking suplay ng ginto at
diyamante . Naroon din ang
Nile River na
pinakamahabang ilog sa
buong daigdig, at ang
Sahara Desert, na
pinakamalaking disyerto.
Ang Africa ang nagtataglay
ng pinakamaraming bansa
kung ihahambing sa ibang
kontinente.
Antartica
🙢
🙣 Ang Antartica ang
tanging kontinenteng
natatakpan ng yelo na
ang kapal ay umaabot ng
halos 2km. Dahil dito,
walang taong
naninirahan sa Antartica
maliban sa mga
siyentistang
nagsasagawa ng pag-
aaral tungkol dito.
Australia
🙢
🙣 Ang Australia ay isang
bansang kinikilala ring
kontinenteng pinakamaliit
sa daigdig. Napalilibutan ito
ng Indian at Pacific Ocean,
at inihihiwalay ng Arafura
at Timor Sea. May mga
halaman at hayop na
tanging sa Australia lamang
matatagpuan tulad ng
kangaroo, wombat, koala,
Tasmanian Devil at iba pa.
North America
🙢
🙣 Ang North America ay may
hugis na malaking tatsulok
subalit mistulang pinilasan
sa dalawang bahagi ng
Hudson Bay at Gulf of
Mexico. Dalawang
mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa
kontinenteng ito – ang
Applachian Mountains sa
silangan at Rocky
mountains sa kanluran.
South America
🙢
🙣 Ang South America ay
halos tatsulok na unti-
unting nagiging patulis
mula sa bahaging equator
hanggang sa Cape Horn
sa katimugan. Ang Andes
Mountains na may
habang 7,240 km ay
sumasakop sa kabuuang
baybayin ng South
America.
Mga Uri ng
Anyong Lupa
Kapatagan - ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o
pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring taniman
ng mga palay, mais at gulay.

🙢
Bundok – ito ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may
matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa
burol.

🙢
Bulkan- ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung
saan ang tunaw na bato ay maaring lumalabas dito mula sa
kailaliman ng daigdig.

🙢
Lambak – ito ay isang kapatagan ngunit
napapaligiran ng bundok.
🙢
Burol – higit na mas mababa ito kaysa bundok.
Halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills
sa Pilipinas.
🙢
Talampas – ito ay patag na anyong lupa sa
mataas na lugar na puwedeng taniman..
🙢
Baybayin – ito ay bahagi ng lupa na
malapit sa tabing-dagat.
🙢
Bulubundukin – ito ay matataas at matatarik na
bundok na magkadikit at magkasunod-sunod

🙢
Pulo – ay mga lupain na napapaligiran
ng tubig.
🙢
Yungib – ito ay mga likas na butas na may
sapat na laki at lawak na maaaring pasukin
ng tao at hayop.
🙢
Tangway – ito ay pahaba at nakausli na
anyong lupa na naliligiran ng tubig.
🙢
Disyerto – ito ay mainit na anyong lupa gaya
ng tanyag na Sahara Desert sa Africa.
🙢
Karagatan- ang tawag sa pinakamalaking
anyong tubig May limang karagatan na
matatagpuan sa buong mundo.
🙢
Karagatang Pasipiko –
pinakamalaking karagatan
sa daigdig.
Karagatang Atlantiko
🙢
🙣 Karagatang Atlantiko-
pangalawang
pinakamalaking
karagatan. Sinasakop
ang tinatayang 20
bahagdan ng ibabaw ng
daigdig.
Karagatan Indiyano
🙢
🙣 Karagatan Indiyano –
pangatlo sa pinakamalaki
sa mga pagkakahati ng
karagatan sa mundo.
Katimugang Karagatan
🙢
🙣 Katimugang
Karagatan- binubuo ng
pinakatimog na mga
tubig ng Karagatan ng
Mundo na nasa timog
ng 60 degrees latitud.
Karagatang Artiko
🙢
🙣 Karagatang Artiko –
matatagpuan sa
rehiyon ng Hilagang
Polo. Ito ang pinamaliit
at pinamababaw sa
mga limang karagatan
ng mundo.
Mga Uri ng Anyong
Tubig
Dagat – ito ay malawak na anyong tubig na
mas maliit lamang ang sukat sa karagatan.
🙢
Ilog- ay isang mahaba at makipot na anyong tubig
na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa
maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
🙢
Look- ay anyong tubig na nagsisilbing daungan ng
mga barko at iba pang sasakyan pandagat

🙢
Golpo – ito ay bahagi ng dagat.
🙢
Lawa – ito ay isang anyong tubig na
napapaligiran ng lupa.
🙢
Bukal – ito ang tawag sa tubig na
nagmula sa ilalim ng lupa.
🙢
Kipot – ito ay makitid na daang-tubig na nag-uugnay
sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o
karagatan.
🙢
Batis – ito ay ilug-ilogan o saluysoy
na patuloy na umaagos.
🙢
Talon – ito ay matarik na pagbaba
ng tubig sa isang sapa.
🙢
Sapa – anyong tubig na dumadaloy
patungo sa ilog.
🙢
Gawain 1: Anyo Mo, Ilarawan Ko
Kumpletuhin ang mga talahanayan. Magbigay ng halimbawa ng mga
anyong lupa at anyong tubig at isulat sa unang kolumn. Isulat sa ikalawang
kolumn ang katangian ng bawat halimbawa na naibigay. Gawin ito sa
inyong sagutang papel.

Anyong Lupa 🙢 Katangian


1
2.
3.
4.

Anyong Tubig Katangian


1.
2.
3.
4.
Gawain 2: Kilalanin ang tinutukoy ng bawat aytem.
Isulat ang tamang sagot sa inyong papel..

🙢
🙣 1. Ang matigas at mabatong bahagi ng planetang Daigdig.

🙣 2. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga


metal tulad ng iron at nickel.

🙣 3. Pinakamalaking anyong lupa.

🙣 4. Ito ang pinakamalaking karagatan.

🙣 5. Ito ang kalagayan o kondisyon ng atmosphera sa isang


rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
6. Salitang Griyego na ang ibig sabihin ay daigdig.

7. Isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit


sa daigdig.

8. Tanging kontinente sa mundo natatakpan ng yelo na ang


kapal ay umaabot ng 2 km.

9. Itinuturing na ito ang pinakamaliit at pinakamababaw sa


mga limang karagatan sa mundo.

10. Ito ang hugis ng daigdig o globo.


Takdang Aralin:
🙢
🙣 1. Ano ang Heograpiyang Pantao?
🙣 2. Ano-ano ang mga saklaw ng Heograpiyang
Pantao?

You might also like