You are on page 1of 31

IMPLUWENSIYA NG

HEOGRAPIYA SA PAG-
UNLAD NG MGA
SINAUNANG KABIHASHAN
ANG KABIHASNANG
MESOPOTAMIA SA
KANLURANG ASYA
Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa salitang Greek
na meso, o “pagitan” at potamos o “ilog”, samakatuwid
ito ay nangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang
ilog”. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang
kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito
ng iba’t-ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang
mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldine
at Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa
paglipas ng mahabang panahon, iba’t-ibang lungsod ang
umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nag lumaon ay
pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng ilog Tigris at
Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig,
tinatawag na Mesopotamia ang lupaing matatagpuan sa
pagitan ng mga ilog na ito. Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa
Mediterranean Sea Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent,
isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf
hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Ang
regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot
ng baha na nag-iiwan ng banlik (slit). Dahil dito, nagiging
mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim.
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya
mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig na
lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil
na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaling militar.
Sa mga taong 5500 BCE, daan-daang maliliit na
pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng
hilagang Mesopotamia. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa
mga sumunod na taon, nagkaroon ng pagbabago sa
aspektong panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon na
nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan, halimbawa ang
Uruk na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.
ANG KABIHASNANG
INDUS SA TIMOG ASYA
Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis
tatsulok. Sa kasalukuyan binubuo ito ng mga bansang India,
Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal,
at Maldives. Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong
heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng
Asya, tinatawag ito ng mga heograpiko na sub-kontinente ng
India dahil inihihiwalay ito sa mga kabundukan, kaya
maituturing itong isang hiwalay na kontinente. Matatarik na
kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang
nasa hilaga, Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa
katimugan at Bay of Bengal sa silangan.
Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga
kabundukan sa hilaga, nakararanas din ito ng mga
pagsalakay at pandarayuhan. Nakapasok ang mga tao
sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-
kanluran dala, ang kanilang sariling wika at tradisyon,
na nagpayaman sa kulturang Indian. Nakahukay ang
mga arkeolgo ng mga kasangkapang ginamit ng mga
ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi parin
nauunawaan ng iskolar ang mga naiwang sistema ng
pagsulat ng sinaunang kabihasanan ng India.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK
NG INDUS
Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang
pinakabagong tuklas ng mga sinaunang sentrong kabihasnan ng kasalukuyang
panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong
1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng
pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE. Mas malawak ang lupain sa Indus kumpara
sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-
kanluran ng India at Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan tinatayang mahigit sa
1000 na lungsod pamayanan ang matatagpuan sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
Nagsimula ang kabihasnan ng India sa paligid ng Indus River
ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng
makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang
tubig na dumadaloy sa Indus River.
Ang Indus River ay may habang 2,900 km at bumabagtas sa Kashmir
patungong kapatagan ng Pakistan. Katulad sa Mesopotamia, ang
pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng
mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Humyo at
Setyambra bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba
sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang anng lupain.
Daan-daang pamayanan ang matatagpuan sa lamabak ng
Indus sa pagsapit ng 3000 BCE ang karamihan sa mga ito
ay maliliit na pamayanang may tanggulan at may maayos
na kalsada.
Sa mga sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal
pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa pagbaha. Sa
kasalukuyan ang India ay isa sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit
kung susuriin ang mga lugar sahilaga nito ay ang pinag-usbungan
at tahanan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.
ANG KABIHASNANG
TSINO SA SILANGANG
ASYA
Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na
pinakamatandang kabihasnan na nananatili sa buong daigdig
hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo
na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino
ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala. Ang
pagkakaroon ng ideolohiyang suportado ng estado,
particular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang
nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal,
halinhinang nakararanas ang China ng pagkakaisa at
pagkawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog
sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa
makabagong panahon.
HEOGRAPIYA NG ILOG HUANG HO
Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog
malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng
kanlurang China at may habang halos 3,000 milya ito ay dumadaloy patungo sa
Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa
mahabng panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan,
ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa
ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas ang pagbabaha sa lugar
na ito. Ayon sa tekstong tradisyonal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unang
dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi
matiyak kung kalian ito pinasimulan ni Yu,ang unang pinuno ng dinastiya.
Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbabahang
idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang
makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila
lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro
sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang
lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
ANG SINAUNANG
KABIHASNAN SA AFRICA
Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula salambak ng Nile River sa Egypt na
nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia
ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas nagging metatag ang
kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang
isang estado pagsapit 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob ng halos tatlong
milenyo. Bataty sa ebidensiyang arkeolohikal, mayroon nang lipunan sa
Egypt bago pa nagsimula ang kabihansnan sa Lambak ng Nile. Ang mga
isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng
mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-
20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang
tao sa timog ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan.
Tinanatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 BCE.
Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang
nagpapasimula sa kabihasnan Egyptian sa Lambak ng Nile.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt,
mahalagang tandaan ang tinutukoy na Lower Egypt ay
nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog
Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging
katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu
Simbel. Ang Nile River na may 4,160 milya o 6,664 km
ang haba ay dumadaloy mula katimugan patuungong
hilaga. Noong pa mang unang panahon, ang Egypt ay
tinawag na “The Gift of the Nile” dahil kung wala ang
ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang
disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging
hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang
malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile
ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo
bawat taon.
Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 ng
maitayo ang Aswan High Damn upang makapagbigay ng elektrisidad
at maisaayos ang suplay ng tubig. Sa Panahong Neolitiko, ang taunang
pag-apaw ng Nile ay nagbigay daan upang makapagtanim ang mga
magsasaka lambak-ilog. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting nag-
iipon sa bungang ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na
delta. Ang Nile ay nagsisilbi ring mahusay na sa paglalakbay noong
panahong iyon. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at
kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao
ay nagawang makapamuhay ng mapayapa at masagana sa loob ng
mahabang panahon.
ANG KABIHASNAN
SA MESOAMERICA
Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng
mga mangangaso ang nandayuhan mula sa Asya patungong
North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting
tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North
America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-
kalat na pamayanan sa mga kontinente ng North America at
South America. Noon ika-13 siglo BCE umusbong ang kauna-
unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa
kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga
gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng
tao sa iba’t-ibang bahagi ng America.
HEOGRAPIYA NG
MESOAMERICA
Hango ang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”. Ito ang
lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central
America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf
of Fronseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan
ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay
mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulog o ng Nicaragua sa
Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng
Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador at
kanlurang bahagi ng Honduras. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa
elebasyon ng lupa at dals ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at
ekolohiya sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang pananon sa rehiyong
ito. Dito naitatag ang unag paninirahan ng tao at isa sa mga lugar na unang pinag-
usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanluranng Asya at China. Sa kasalukuyang
panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.
KATAPUSAN NG PRESENTASYON

You might also like