You are on page 1of 3

MAS MATAAS NA ANTAS

NG PAGPAPAHALAGA
Si Roger ay batang may ambisyon sa buhay. Gusto nyang maging pulis pagdating ng panahon.

“Paano ako makakatapos ng pag-aaral? Hiwalay abg mga magulang ko. Naglalaba-laba
lamang si Nanay sa mga may kaya naming kapit-bahay,” wika ni Roger sa kaibigang
si Wilson.

“Nasaan ang tatay mo?” Bakit hindi ka humingi ng sa kaniya ng mga kailangan mo?”
Tanong ni Wilson.

“Iniwan na kami ng tatay ko. Sumama siya sa ibang babae. Hindi namin alam kung nasaan
siya ngayon.” sagot naman ni Roger sa kaibigan.
Pag-uwi ng bahay ni Roger, nadatnan niya ang kanyiyang ina, si Aling Meding
na inaapoy ng lagnat. Bumili si Roger ng gamot at noodles sa tindahan.
Dali-dali niyang niluto ang dalang noodles at pinakain ang ina. Pinainom
din niya ng gamot para sa lagnat ang kanyang ina.

Malalim na ang gabi, nag-iisip pa rin si Roger. May nabuo sa isipan


ni Roger na ititigil na niya ang makikitungo sa mga barkada. Iiwasam na rin
niya ang paninigarilyo.

May nilapitan siyang tao. Kinabukasan, makikita si Roger sa bangketa.


Dala-dala niya ang mga kagamitan sa paglilinis at pagpapakinis ng sapatos.

Pinili ni Roger ang pagpapahalagang gagabay sa kaniya tungo sa


pag-unlad.

You might also like