You are on page 1of 7

Modyul sa Filipino 1:

Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Inihanda ni:
Dr. Maria Agnes Q. Ifurung
(Propesor)
PAKSA 1: WIKA
ALAMIN NATIN 💡

SINING NG KOMUNIKASYON KAHULUGAN AT KATANGIAN NG


• KOMUNIKASYON WIKA
• PAKIKIPAGTALASTASAN • Sang-ayon kay Gleason, ang
• PAKIKIPAGTALAMITAN wika ay isang masistemang
• PAKIKIPAG-UGNAYAN balangkas ng sinasalitang tunog
na pinili at isinaayos sa paraang
arbitrary upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
• Ang wika ay may dalawang masistemang balangkas.
• Ang wika ay arbitrary.
• Ang wika ay sinasalitang tunog.
• Ang wika ay pantao.
• Ang wika ay komunikasyon.
• Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito.
• Ang wika ay malikhain.
• Ang wika ay patuloy na nagbabago.
• Ang wika ay natatangi.
• Ang wika ay buhay o dynamic.
• Walang wikang dalisay o puro.
MGA TEORYA UKOL SA WIKA
Ang Teoryang Bow-wow – pinaniniwalaan na ang mga unang
salita ay ginaya ng tao sa tunog ng kalikasan.
Hal. “hinahabol ako ng aw-aw,”
“Bili mo ako ng bang-bang”
“Bili mo ako ng kleng-kleng”

Ang Teoryang Pooh-pooh – pinaniniwalaan sa teoryang ito na


ang wika ay bunga ng bulalas dahil sa masidhing damdamin
tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, pagkabigla atbp.
Ang Teoryang yo-he-ho – na ang wika ay bunga raw ng
puwersang pisikal. Ang tao ay lumilikha ng tunog sa kanyang
patunugan (vocal track) kapag siya’y gumagamit ng puwersang
pisikal.
Hal. Ang pagsigaw ng karatisa kapag sila’y kumakarate,
ang pagbuhay ng mabigat na bagay.

Ang Teoryang Ta-ta – ayon sa teoryang ito, sa bawat particular


na sitwasyon ang tao ay gumagawa ng kumpas o galaw ng
kamay na siyang ginagaya ng dila.
Ang Teoryang ta-ra-boom-de-ay – na ang wika ay nagsimula
sa mga ritwal na sayaw at incantation o bulong.

Ang Teoryang ding-dong – ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay


sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan
dito. Ang tunog ay nagbibigay kahulugan sa mga bagay na ito.
Hal. Ang batingaw o kampana, tren, orasan.
MGA GAWAIN: 📖
Magbigay ng tigtatlong halimbawa ng Teorya ng Wika at
ibigay ang katuturan nito.

You might also like