You are on page 1of 10

Modyul sa Filipino 2:

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Inihanda ni:
Dr. Maria Agnes Q. Ifurung
(Propesor)
PAKSA 1: PAGBASA
ALAMIN NATIN 💡___________________________
PAGBABASA
  -Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag
upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Ito’y pag-unawa sa wika ng may akda ng mga
nakasulat na simbolo. Ito’y paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga
kagamitang nakalimbag.

APAT NA HAKBANG NG PAGBASA


 
1. PERSEPSYON O PAGKILALA – kakayahan ito sa pagbigkas ng salita bilang isang makahulugang yunit
at pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo.
2. PAG-UNAWA – pag-unawa ito sa mga kaisipan na ipinapahayag ng mga simbolo o salitang nakalimbag.
3. REAKSYON – kakanyahan itong humatol o magpasya ng kawastusa, kahusayan at pagpapahalaga at
pagdama sa mga isinulat ng may-akda.
4. ASIMILASYON o integrasyon – kakanyahan ito sa pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga
nakaraan at ng mga bagong karanasan.
ANG KAHALAGAHAN NG PAGBASA
 
Ang pagbasa ay gintong susi na nagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. Pangunahin
itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay. Ang kasaysayan ng tao,
ang kanyang pagkakalikha Panlulupig at pananagumpay, ang kanyang mithiin, mga pagnanasa at pag-asa
sa hinaharap ay napapaloob sa mga aklat. 80% n gating mga gawain ay kasangkot ang pagbasa. Binabasa
natin ang ngalan ng kalye, mga patalastas, mga tala ng pagkain sa restoran, mga babala sa daan,
pahayagan, magasin, aklat atbp.
 
Ang pagbabasa’y tiket sa paglalakbay sa mga lugar sa daigdig na nais mong marating, pagkilala sa mga
bantog at dakilang taong hindi mo nakikita. Ang pagbasa ay unang hakbang sa anumang larangan ng pag-
aaral a pagkatuto. Malaki ang impluwensya ng pagbabasa sa pagkatuto. Malaki ang impluwensya ng
pagbabasa sa pagkatao o personalidad ng isang nilalang. Ayon kay Toze, ang pagbabasa ay nagbibigay ng
impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan,
pakikipagsapalaran, pagtuklas sa mga suliranin na nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
ANG DALAWANG URI NG PAMIMILING PAGBASA
 
SKIMMING O PINARAANANG PAGBASA – ang pinakamabilis na
pagbasa na nakakaya ng isang tao. Ginagamit ito sa pagpili ng aklat bago
ito basahin nang tuluyan sa paghahanap ng tamang artikulo sa
pagsasaliksik, pagkuha ng pangkalahatang impresyon sa nilalaman, atbp.
Sa pamamagitan ng skimming, ang mga propesyonal tulad ng doktor,
abogado, inhinyero, propesor at mga manunulat ay nakakahabol sa
pagbabasa ng mga makabago at napapanahong pangyayari sa kani-
kanilang larangan ng karunungan. Ito’y isang kasanayang kailangan
malinang na mabuti sa pamamagitan ng pagtitiyaga at pagsasanay.
ANG DALAWANG URI NG PAMIMILING
PAGBASA
SCANNING – ay ang paghahanap ng tiyak na impormasyon sa isang
pahina. Hindi na hinahangad dito na makuha ang kaisipan ng sumulat.
Ang mahalaga’y ang makita ang hinahanap sa madali at mabilis na
paraan. Hal. paghahanap ng numero ng sa telepono sa direktoryo.
PAKSA 2: PAGSASALING WIKA
ALAMIN NATIN 💡___________________________
PAGSASALING WIKA
 
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat ng pinakamalapit na katumbas ng kaisipan
o diwang isinasaad ng wikang isinasalin (WI) sa wikang pinagsasalinan (WP).

Sa paglilipat , nagbabago ang anyo ng wika. Ang anyo ay yaong tumutukoy sa mga
salita, parirala, sugnay, pangungusap o talata.
 
AYON SA MGA DALUBHASA
• Catford – “Ang pagsasaling wika, bilang proseso ay ang paglilipat ng materyal sa isang wika (WI )
ng katumbas ng nilalaman ng materyal sa ibang wika (W2).” Ito’y may isang direksyon:
WI W2
• Nida at Taber – “Ang pagsasaling wika ay paglilipat sa ikalawang wika (W2) ng pinakamalapit na
likas na katumbas ng diwa ng isang wika (WI), sa kahulugan at sa istilo.”
• Brulin – “Ang pagsasaling wika ay isang pangkahalatang katawagan sa paglilipat ng mga kaisipan
o mensahe mula sa isang wika (WI) sa ibang wika (W2), pasulat man o hindi.”
• Larson– “Ang pagsasaling wika ay proseso ng paglilipat ng mensahe ng isang akdang nasusulat sa
isang wika (ang simulang lengguwahe o SL) sa ibang wika (ang tunguhang lengguwahe o TL ).”
• Newmark (1988) – “Ang pagsasaling wika ay pagbibigay kahulugan ng isang text sa ibang wika sa
paraang ninanais ng may akda.”
Mga factors na humahadlang sa pagsasalin
 
1. Kultura
2. Kaugalian
3. Kaayusang Panlipunan atbp.
 
Katangian ng pagsasalin

4. Masalimuot
5. Mahirap – sapagkat nakatali sa orihinal, ang nagsasalin ay di malayang
magpasok ng sariling kaisipan.
6. Dapat magmukhang natural – ang salin ang kinakailangang nagtataglay ng diwa
at kahulugan ng isinalin.
7. Ang pagsasalin ay laging posible.
MGA DAPAT BIGYAN NG PANSIN SA PAGSASALIN

• Bawat wika ay nakasandig sa kultura.


• Bawat wika ay may natatanging kakayahan
• Dapat maunawaan at tanggapin ng pakay na mambabasa ang salin
• Pahalagahan ang kasalukuyang wikang sinasalita
• Laging isaisip ang pagtitipid ng mga salita.
• Kung magkakaroon ng ibang kahulugan ang salitang itinumbas, humanap ng mas
angkop na salita.
• Istandardisasyon sa paggamit ng mga katawagan
• May mga salitang walang tiyak na kahulugan sa ibang wika.
• Hindi dapat isalin ng paliteral ang mga idioms
• Walang wikang nakahihigit sa ibang wika.
GAWAIN NATIN: 📖
Magtala ng sampung (10) Pamagat ng Pelikulang Ingles at
sampung (10) Pamagat ng Pelikulang Tagalog

You might also like