• Ang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na
nangangahulugang “pagsasamasama o pagkakabuklod- buklod.” Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng tao. • Bawat relihiyon ay may kaniya-kaniyang kinikilalang Diyos na sinasamba. Kadalasan ang mga paniniwalang nakapaloob sa mga aral at turo ng relihiyon ay naging basehan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pamumuhay sa araw-araw. KONSEPTO NG RELIHIYON
Kung matatandaan ang ating mga ninuno ay mayroon din sariling
paniniwala nanaging gabay sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi organisado at sistematiko ang paniniwala nila noon. Ang mga relihiyon sa kasalukuyan ay organisado at may doktrinang sinusunod. Ang mga relihiyon ay may mahalagang marka sa kasaysayan ng daigdig sa mga nakalipas na taon at hanggang sa ngayon patuloy na ginagabayan ng mga relihiyon ang ang paniniwala at gawi ng milyon milyong tao sa buong mundo KONSEPTO NG RELIHIYON
• May mga kaganapan na kung saan pinagkaisa ng mga relihiyon ang
mga tao ngunit may pagkakataong nagdulot din ito ng paghihiwalay. Nagpapatuloy ang relihiyon sa pagiging isang dominanteng pwersa sa buong mundo na kayang impluwensiyahan ang kilos,gawi at paniniwala ng mga tao tulad ng wika na napakarami ganun din ang bilang ng mga reliihiyon